Aly's P.O.V.
Marge: dudes! Gising na! Late na tayo oh.
Aly: margarita! Mamaya pang 7 ng gabi ang pagpropose mo kay jirah! 11 pa lang ng umaga!
Marge: madami pa tayong gagawin
Gretch: oy marge! Manahimik ka na diyan at patulugin mo muna kami. Baka magbago isip namin at hindi ka tulungan
A: oh dudes! Gising na pala kayo. Kain na tayo. Nakaluto na ako. Bilisan niyo. Baka maubusan kayo ni ellaliit.
Ella: oy narinig ko yon!
Aly: aishh! Tara na nga! Tutal hindi na rin ako makakatulog nito
Gretch: tara
Marge: yehey!
Bumaba na kami at kumain. Hindi pa pala ako nagpapakilala. Im alyssa valdez. Im an explorer! Like dora! Joke. I love exploring. Kung saan-saan ako pumupunta. If you are asking if i have a bf, none. Im into girls. Lahat ng kasama ko kanina, we're gay. Excited masyado si margarita. Magppropose kasi. As gf pa lang naman. Dun sa tagaytay mangyayari yung proposal niya dahil may outing daw si jirah with her friends. Ang lupit din nito ni marge. Halos isang taon na rin niyang nililigawan si jirah.
Marge: dudes! Ligo na! Ang babagal niyo pa naman. Papogi kayo. Madaming kasama si jirah.
Gretch: talaga! Sige. Maliligo na ako.
Ella: ako din. Kailangan mabango!
A: dudes! Papogi na tayo ng todo! Baka kay aly na naman mapunta yung mga chics.
Aly: gago! Ang adik niyo talaga. Mamaya ang papangit pala ng mga yun!
Marge: sira! Ang gaganda ng mga kaibigan ni jirah! Akala ko nga magkakasala na ako kay jirah eh.
Kami: hahahaha
At naligo na kami. Kailangan pogi para makakuha nang chics! Hahaha! Pagkatapos namin maligo at mag-ayos, umalis na kami. Ako na ang nagdrive. First stop: wine shop. Para sa dinner date nila. Second stop: flower shop. Third stop: sa hardware. Para sa set up ng place. And last stop: sa venue. Nasa tagaytay na kami.
Ella: hay nakadating din! Kain na tayo! Gutom na ako.
Gretch: wala pa nga tayong ginagawa gutom ka na.
A: diba ikaw yung umubos ng baon natin? Tapos gutom ka pa? Eh ikaw nga lang ang kumain nun!
Marge: tara na nga lang. Kain na tayo. Gutom na rin naman ako.
Ella: oh diba! Nakakagutom!
Aly: saan ba tayo?
Marge: bag of beans na lang. May buffet dun. Abot tayo. 11 pa lang naman eh.
Ella: yes! Buffet! Kainan na!
Gretch: tsss.
At nagdrive na ulit ako. Papunta sa bag of beans. Pagkatapos naming kumain ay nag-set up na kami para mamaya. At nagpapogi na. Syempre kailangan yun.
A: uy margarita! Nasan na ba sila?
Marge: malapit na daw. Uy guys, kasama niya yung mga friends niya ah.
Gretch: dudes! Ayan na sila oh.
Aly: tara na
Sinalubong namin yung sasakyan nina jirah. Unang bumaba si jirah.
Marge's P.O.V.
Sinalubong namin yung sasakyan nina jirah at unang bumaba ang pinakahihintay ko. Bumaba na rin yung mga friends niya. At tumutulo na ang mga laway ng mga kasama ko.