When it's time to close your eyes
They will see us in the sky
We'll be the stars
Shin Yuna, a korean student from planet Earth has the ability to teleport herself to planet Kepler in another dimension/universe. On that planet, she's known as Hussey...
Nandito na kami ni Ryujin sa Earth. Tapos na ang klase at nag-invite sina Soobin at Beomgyu na gumala. Kakagaling lang namin sa Asterin pero namiss ko na agad si Kai... Idk why.
"San niyo gusto?" -Soobin
"Kahit saan..." -Ryujin
'Tinamad nanaman siyang mag-isip...'
"Starbucks?" -Beomgyu
"Kakagaling lang natin dun last week."
"Oo nga pala." -Beomgyu
"Bakery?" -Soobin
"Akala ko ba nag-break na kayo ni bread?" -Ryujin
"I eat bread with ice cream now." -Soobin
"Mag-mall nalang tayo. Andun na rin lahat ng pwede nating puntahan."
"True. Tara." -Beomgyu
Pagkatapos ayusin ang mga backpack namin ay umalis na kami ng classroom. Habang naglalakad palabas ay tinawag ako ni Ryujin. She wants to ask me about something.
"Yuna." -Ryujin
"Hmm?"
"Nung magkasama kayo ni Kai sa garden, nag-giglitch ba daliri mo?" -Ryujin
"Oo. Nandun ka eh."
"Pero kasi..." -Ryujin
"Ano yun?"
"Wala. Baka nag-kamali lang ako." -Ryujin
'Hindi ako pwedeng mag-kamali.' -Ryujin
Nasa mall kami ngayon at naghahanap ng pwedeng puntahan. May isang gutom sa ice cream at bread, may isa na gustong bumili ng bagong guitar, may isang gustong magpakulay ng buhok at ako, gusto kong bumili ng pizza. Ba't pa kami nagsama-sama kung iba-iba lang pala pupuntahan namin?
"Uyy may bread! May ice cream din!" -Soobin
"High quality guitar? I need that!" -Beomgyu
"Magpakulay kaya akong pink? Or blue?? Or blonde!" -Ryujin
"Piiiizzzzzzzaaaaaaa........."
Naglalaway ang bibig ko nang makita ko ang isang fast food chain na nagtitinda ng pizza. Sobrang sarap. 'Di ko mapigilan ang sarili ko. I was trapped inside my own world full of pizza when Beomgyu spoke up.
"Anong gagawin natin? Iba-iba tayo ng gusto..." -Beomgyu
"Edi maghiwalay." -Soobin
"So kakalimutan mo nalang mga pinagsamahan natin Soobin?" -Ryujin
"Common sense Ryujin. I meant maghiwalay tayo ng pupuntahan." -Soobin
"Common sense rin Soobin, I was just being sarcastic. Tsk!" -Ryujin
"Tama si Soobin. 'Di pwedeng ipasok yung food sa salon tsaka music store."
"Ok fine. Kitakits mamaya!" -Ryujin
'Mukhang excited magpakulay ng buhok 'to.'
Nag-hiwalay kaming apat at dumiretso ako sa may pizza store. Sakto, katabi lang niya yung nagtitinda ng ice cream tsaka bread, kaya sa labas kami kumain ni Soobin para di lonely. Diba? Ang sad naman kung ganun.
"Anong binili mo?"
"Ito..." -Soobin
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Wow! Mukhang masarap!"
"Ikaw? Anong klaseng pizza binili mo?" -Soobin
"Sweet potato with pineapple as toppings."
"Good choice." -Soobin
Pagkatapos naming kumain ay dumating si Beomgyu. Wala pa rin si Ryujin. You know, matagal ang magpa-hair salon. May pera pala siya para dun. Sana all!
"May nakita kang magandang guitar?" -Soobin
"Oo kaso mahal. Pag-iipunan ko muna." -Beomgyu
"Sana all may ipon..."
*Chuckle* -Soobin and Beomgyu
"Iwan ko muna kayo dito. I-checheck ko lang si Ryujin."
"Sige." -Soobin
Pinuntahan ko na si Ryujin para masigurado na patapos na siya. 'Di siya maawa, may kasama kaming boys. They don't know na matagal ang ginagawa niya. Akong napapahiya sa kanila eh...
"Tapos ka na Ryujin?"
"Malapit na. Boblow dry nalang." -Ryujin
"Bilisan mo. Tapos na kaming kumain ni Soobin. Si Beomgyu nakabalik na."
Buti nalang at patapos na siya nung dumating ako. After the hair style, nag-selfie muna siya. I would say, bagay sa kanya yung hair color. Siya naman ngayon ang nag-blonde. Bumalik na kami at nagustuhan ni Soobin ang new look ni Ryujin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*Whisper*"Tayo nalang yata loyal sa dark hair..." -Beomgyu
"Yup."
Nag-libot libot muna kami bago umuwi. We had a fun day atleast. Pero namimiss ko talaga ang Asterin pati si Kai. Again, di ko pa rin alam ba't namimiss ko rin siya. Maybe he's a close friend to me... O baka may crush na'ko sa kaniya??? No way!