-TATLO-

4 0 0
                                    

-Riri's POV-

"Haaaaaay. Saraaaaap!"  napasalampak ako sa kama.

Sa wakas! Nakapagpahinga na rin ako. Kanina ko pa talagang gustong mahiga. Kaso si mama kasi pinaghugas ulit ako matapos namin maghapunan. Dishwasherist kasi ako dito sa bahay. Palibhasa di naman ako marunong magluto kaya dun akong role napunta.

Nakauwi na rin si papa tsaka si ate. Sabay kaming apat na naghapunan kanina. Pero naiintindihan ko naman na pagod sina papa at ate kaya di na sila pinapatulong ni mama sa paglilinis tsaka paghuhugas.

Si Ate Lyz ay isang public school teacher sa school na pinag-graduatan ko nung high school at siya rin ang nagma-manage sa ng maliit naming negosyo na giftshop and printing shop. Si papa naman regular employee sa City Hall. Kaya madalas kami lang ni mama ang naiiwan sa bahay kasi kung gabi lang sila umuuwi. At pag may pasok naman...si mama lang talaga dito mag-isa.

Super close kami ni Ate Lyz...5 years ang agawat ng edad namin. Pero kahit na ganun, magkasanggang dikit pa rin kami. Kami lang naman kasing babae sa pamilya kaya sino pa ba ang magdadamayan? Kundi kami-kami din.

Sa sobrang close namin...naghihiraman kami ng damit sa isa't-isa. Di naman kami nangangamba kasi wala naman kaming putok sa kili-kili...kaya keri lang. Naghihiraman din kami ng mga make-ups pero minsanan lang since di naman talaga ako mahilig mag-postura. Napapagalitan nga ako nun madalas kasi dapat daw matuto na akong mag-ayos since nagdadalaga na ako. Psh. Di naman ako mukhang dalaga mas mukha akong binata!HAHA!

Ewan ko din ba...di naman sa maarte ako or what. Basta ayoko lang talaga mag-apply ng make-up sa mukha. Bukod kasi sa makati...di rin ako komportable na umawra in public. Mas okay sakin yung simple lang...pero swabe ang dating. Parang 'kakaibabe' baaa.

Magkaiba naman kasi kami ng personalidad ni Ate. Siya kasi yung tipo ng babae na malinis tsaka mapag-ayos sa katawan. Hindi sa, hindi ako malinis ha. Syempre malinis din ako. Kaso ibang level naman ng kalinisan yung kay ate. Mas komportable din daw siyang humarap sa mga tao pagnaka-ayos. According to her...it helps boost her confidence to talk in front of people and interact with them.

Of course, she's a teacher. That was just normal. She must look presentable in front of everyone especially her students and colleagues.

But at some point...we're definitely in contrast. I wanted to look plain in front of everyone because that was one of my measurement if who will stay and accept me for who truly I am.

But as they've said. 'Unlike poles attract' so maybe that was the theory that explains why we're both close to each other.

Bigla akong napabangon nga may nag-vibrate sa unan ko. Shutaaams! Kala ko kung ano na...phone ko lang pala, may tumatawag. Biglang nandilim paningin ko dun ah! Parang sumakit din bigla yung ulo ko. Yaaaan pulaaaaw pa moreee!
(Yaaaaan puyaaaat pa moreee!)

Sinagot ko yung tawag. "Hello?"

"Aaaaack muraaaaaaaaaaaaaaaaaaat!!!"

Bigla kong napalayo yung phone sa tenga ko ng marinig ang sigaw si Hana sa kabilang linya. May installed microphone ata to sa katawan. Laging nakasigaw eh...lakas ng boses.

"Ano ba? Wag ka ngang sumigaw!Katingil ka tingog mo!
(Ansakit sa tenga ng boses mo!)

"Ay HAHA sorry murat. I miss you so much na kase! Antagal din kaya nating di nagkita!"  alam kong naka-busangot na iyon sa kabilang linya.

"Psh. Eh bakit ako? Na miss din naman kita pero di naman ako sumigaw?" 

"Tampo na 'ko. Alam kong di mo ako na miss kaya ganun,"  psh. And dami talagang arte neto sa katawan.

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now