-Riri's POV-
Naalimpungatan ako ng may marinig akong bumagsak na kung anong bagay. Bigla akong napabangon at tiningnan kung ano iyon. Nakita ko si Hana na kalalabas lang ng kwarto namin. Napalakas 'ata ang pagsara niya sa pintuan kaya lumikha ng ingay.
Tiningnan ko ang oras. Hala? Alas-sais na?! Ang haba naman ng tulog ko! Ang sabi ko kaunting pahinga lang eh! Dali-dali kong inayos ang sarili ko saka naglakad palabas.
Naabutan ko ang buong klase na nagkapalibot sa isang bonfire. Tumabi ako sa space na nasa pagitan nina Red at Hana.
"Mabuti naman nagising ka na. Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo eh," sabi ni Hana.
"Okay lang...salamat murat ha," pasasalamat ko sa kaniya.
Napalingon ako sa paligid. Magkatabi sina Kyo at Bam. Sinusubu-an ni Bam si Kyo ng marshmallows na isinasalang dun sa bonfire. Psh. Mabulunan ka sana!
"Riri?" napaigtad ako ng tawagin ako ni Red.
"Hm?"
"Suotin mo 'to. Malamig na," sabi niya sabay suot ng kulay red na jacket sa likod ko.
"Salamat," sabi ko sabay ngiti.
"Walang anuman," sagot niya sabay kamot sa batok.
"Teka lang. Cr lang ako," biglang paalam ni Hana.
"Gusto mong samahan kita murat?"
"Huwag na dito ka nalang. Mukha ka namang nag-eenjoy dito eh," sabi niya sabay lakad paalis.
"Anyare dun?" taka kong tanong.
"Hayaan muna. Baka may iniisip lang," sagot ni Red. Napakibit-balikat na lang din ako.
"Eto oh. Gusto mo?" sabi ni Red sabay bigay sakin ng marshmallows na nasa stick.
"Salamat," kukunin ko sana sa kamay niya kaso inilayo niya yun sakin.
"Susubu-an kita," nagulat ako sa sinabi niya.
"Ha? Ay huwag na! Nakakahiya! Kaya ko naman eh," tanggi ko.
"Sige na. Huwag kang mag-alala. Wala naman 'tong malisya," pilit niya.
"Hindi okay lang talaga. Kaya ko," sabi ko sabay abot ng stick sa kamay niya pero agad niya itong nailayo.
"Magpasubo ka nalang kasi Riri," sigaw ni Romz saka sila sabay-sabay na tumawa. Namula naman ako sa hiya. Mga gago! Wattpadian 'to kayang kung ano-anong naiisip ko! Punyeta kayo!
"Oh nganga na," asar ni Red.
Wala na rin akong nagawa. Kesa naman sa masabihan ng maarte...ibinuka ko na ang bibig ko saka ako sinubu-an ni Red.
"Yieeee! Iniipis na kami dito ano ba iyan?"
"HAHAHA! Nawa'y lahaaaat!"
"Kalandian nga rin diyan! Naiinggit ako!"Sunod-sunod na sigawan ng mga kaklase ko. Namula naman ako sa hiya at napayuko. Nakakahiyaaaa! Argh!
"Mauna na ko sa loob," natahimik kami ng biglang tumayo si Kyo at magpaalan na aalis.
"Uyy Kyo! Wait!" saka siya hinabol ni Bam.
"Halika na Riri. Malamig na magpahinga ka na," aya ni Red sakin.
"Sige," tsaka kami sabay na naglakad papunta sa room.
![](https://img.wattpad.com/cover/235122475-288-k667778.jpg)
YOU ARE READING
Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]
Dla nastolatków"Masami nga sa ti-on nga ikaw ang maga-palangga...madamo sang mga butang nga naga upang. Kung kaisa...naga-abot sa punto nga daw gusto mo nalang mag-ampo. Apang...kung imo matuod-tuod nga gina palangga ang isa ka tawo...tanan kayanun mo. Asta imo na...