-Riri's POV-
Super stressful ang mga lumipas na araw. Halos hindi na kami nakakapag-bonding nina Hana at Red. Tamang aral nalang ang ginawa namin para sa finals. Late na rin ako palaging nakakatulog tuwing gabi. Minsan nasa tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog ko.
Ang dami ko ng caffeine na stocks sa katawan. Puro kasi kape ang iniinom ko para hindi ako antukin tuwing nag-aaral ako. Hindi na rin ako nakakapag-online sa mga social media accounts ko. Pero okay lang puro toxics lang naman ang makikita ko dun. Ang pinaka-malungkot sa lahat...hindi na ako nakakapagbasa ng wattpad. Ang laking kawalan talaga.
Pero okay lang...kasi konting tiis nalang matatapos na din ang school year. Kaya konting push nalang. Pag talaga natapos ko na 'to lahat. Lahat ng pending sa library ko babasahin at uubusin ko yon!
"Tapos mo na? Bilisan mo kasi para maipasa na natin four na oh!Late na 'to!" reklamo ni Hana sa tabi ko. Kanina pa niya ako kinukulit dito. Nagba-bind pa kasi ako ng thesis papers ko.
"Kalma ka da murat! Lapit nalang ni...kalma okay?"
(Kumalma ka nga diyan murat! Malapit na 'to...kaya kalma lang okay?")"Kay kagab-e nga daan wala mo na gin-compile! Kundi sala-sala ka pa ya subong? Nag-wattpad ka na naman guro gab-e ay?"
("Kasi naman eh dapat kagabi pa lang compiled mo na yan. Kita mo ngayon nagpa-panic ka. Nag-wattpad ka pa siguro noh?")"Gaga lang? Kita nga daw indi nako gani maka-kaon sang tarong tapos ma-wattpad pa 'ko? Kung tindakan taka da be?"
("Gaga ka ba? Ni halos hindi na nga ako makaka-in ng maayos tapos magwa-wattpad pa ako? Eh kung tadyakan kaya kita diyan?")"Psh. Dalian niyo nang dalawa diyan. Paalis na si Miss," napa-nganga ako sa sinabi ni Red.
"Talaga!? Teka lang eto na...kasi naman etong si Hana eh! Ang kulit!" napapadyak kong reklamo saka binilisan ang pagko-compile.
"Ah so ngayon kasalanan ko pa? Ang sabihin mo uyaya ka talaga!" depensa naman niya.
"Yeees! Tapos na! Charaaan!" sigaw ko sabay wagayway sa harap nila ng thesis ko.
"Oh siya. Tara! Tara!"
Agad naman kaming sumunod kay Red papunta sa office ni Miss. Agad naming pinasa ang gawa namin mabuti nalang hindi pa siya nakaka-alis! Yeeey!Magdiwang! Magbunyi! Tapos na!
"Ano? Arat Jollibee?"
"Taraaaaa!"
"Goraaaa!"Saka kami nagka-akbayang tatlo ay masayang naglakad palabas ng university. Whohooo! Tapos na makakapag-pahinga na rin sa wakas tsaka makakatulog ng maaga. Pero remember...I'm a wattpadian so...alam niyo ng scam yan. Hahaha.
-----------------------------------------------------------------
-Jollibee-
"Spaghetti ang akin! Tsaka fries at sundae," utos ni Hana kay Red.
"Akin spaghetti lang...tsaka fries na din pala! At isama mo na rin yung rice with chicken! At ano pa pala sundae...tapos---"
"Ano ba Riri? Lahatin mo nalang kaya!?" reklamo ni Red. Siya kasi ang nag-volunteer na umorder. Psh. Di naman manlilibre.
"Oh sige...gutom ako eh. Lahat na. Basta libre mo!" sabi ko sa kaniya.
"Kapal ng mukha. Ako na nga mag-oorder para di kayo mahirapan tapos magpapa-libre ka pa?" Psh.Daming satsat!
"Ah basta yun na lahat. Go na! Order na dun!" sabi ko sabay taboy sa kaniya papuntang counter.
"Bahala ka diyan! Kung ano lang naalala ko...yun lang ang bibilhin ko sayo!" aba't tarantado ngang tunay! Matapilok ka sana! Natawa naman ako ng muntik nga siyang matapilok! Napatid kasi siya sa paa nung isang customer. HAHA! Hay ang bait ng tadhana sa akin. Umaayon talaga.
YOU ARE READING
Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]
Teen Fiction"Masami nga sa ti-on nga ikaw ang maga-palangga...madamo sang mga butang nga naga upang. Kung kaisa...naga-abot sa punto nga daw gusto mo nalang mag-ampo. Apang...kung imo matuod-tuod nga gina palangga ang isa ka tawo...tanan kayanun mo. Asta imo na...