-ANUM-

1 0 0
                                    

-Riri's POV-

"Riri bilisan mo ngang kumilos! Uyaya ka gid ya!"   sigaw ni mama sa baba.
("Ang kupad mo talaga!")

"Eto na nga po. Pababa na! Excited ka naman masyado Ma. Kalma lang okay?Di ikaw yung lilipat kundi ako."

Nakapameywang niya akong hinarap.  "Oo excited talaga ako dahil aalis ka na dito sa bahay. Mababawasan na ang mga pasaway dito."

"Anong 'mga' pasaway ma? Ha? Ano?Kasali ba ako sa 'mga' pasaway na yan?"  singit ni Ate sa usapan namin ni mama.

"HEHE. Di nak. Chill...di ka kasali,"  sabi ni mama kay Ate.

"Alaaaa Papaaa! Pasaway ka daw sabi ni Mamaaa ooh!"  sumbong ko may Papa.

"Anong kaguluhan 'to? Ba't ka nagsisisigaw Riri?"  lumapit si Papa samin na kapapasok lang mula sa pag-aayos ng mga gamit sa labas.

"Eh kasi Papa sabi ni Mama 'pasaway' ka daw oh!"  sumbong ko kay Papa.

"Talaga Ma? Sinabi mo yun?"  tanong ni papa kay mama.

"Wala akong binanggit na pangalan.Wag kayong assuming. Gaka sakitan lang kamo kay."
("Kaya kayo nasasaktan eh.")  abaa may pa hugot na baon!

"Luh si Mamaaa pa hugot lang kunyare para ibahin ang usapan! Papa upakan mo na! Go Papaa! Go papaaa! Papa lang malakaas!"  panchi-cheer ko pa.

"Huy Gaga! Kay mama ako tataya ha!Manok ko 'to eh,"  sabi ni ate sabay masahe sa mga balikat ni mama.

"Talo na kayo! Wala kayong panama sa team namin! Loseeeers!"  sabi ko sabay belat kay Ate.

"HAHA! Tama na nga yan. Halika na kayo. Sumakay na kayo sa kotse at aalis na tayo."

"Oh Lyz? Kumpleto na ba lahat ng gamit niyang si Riri? Check mo nga muna. Malipaton pa naman na ang manghud mo."
("Makakalimutin pa naman yang kapatid mo.")

"HAHA! Opo ma kumpleto na. Na check ko na po kanina,"  sagot ni Ate

"Oh sige. Lumarga na kayo para manahimik na ang kaluluwa ko dito,"  pantataboy ni mama samin palabas.

"Babye Mamaa! Ma mi-miss kita sobraaa! Huhu!"  hinug ko si Mama.

"Oa! Uuwi ka naman dito tuwing linggo. Sana nga di ka nalang umuwi dito eh,"  sabi ni Mama. Suuus kunyare pa 'to pero nakita ko namang naiiyak siya kaso pinipigilan niya lang kasi paniguradong pagtutulungan na naman namin siya.

"Bye na muna Ma. Uuwi din ako mamaya kasama si papa pag tapos na kaming mag-ayos dun sa boarding house ni Riri,"  paalam ni Ate Lyz kay Mama.

"Oh siya sige...mag-iingat kayo ha. Pa!Ingat sa pagmamaneho. Dahan-dahan lang...kasama mo mga anak mo."  

"Opooo master. Masusunod po,"  sumaludo pa si Papa kay Mama.

Sabay-sabay kaming nagtawanan. Hays. Mami-miss ko 'tong mga ganitong kulitan namin tuwing kumpleto kami. Sumakay na kami ni Ate sa sasakyan. Si Papa magd-drive tsaka si Ate katabi niya sa harapan. Ako lang mag-isa dito sa likod. Masikip din...kasi andito ang iba kong gamit na di nagkasiya dun sa compartment ng kotse.

Nagwave ulit ako tsaka nagflying kiss kay Mama. Hays. Kahit na armalite lang 'yung bunganga ni Mama mami-miss ko yun. Mahal na mahal ko eh.

Medyo may kalayuan ang BH ko sa bahay namin. Kaya medyo matagal din ang byahe. Nakatulog na nga ako...naalimpungatan nalang ako ng ginising ako ni Ate.

"Riri...gising. Andito na tayo,"  gising sakin ni Ate.

"Hmm?"  inilibot ko ang paningin ko at bumaba ng sasakyan.

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now