-Kyo's POV-
Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni RJ. "RJ...Go out here. I did buy your books already!"
"Waaaait! I'm coming kuyaaaa!" naghintay nalang ako saglit bago niya binuksan ang pintuan.
"Omg! Eto na ba yun? Mabuti naman nakaabot ka pa Kuya! My friend tell me kasi na paubusan na raw ang copies nito," tsaka niya kinuha ang paperbag na hawak ko at sinuri ang laman.
"Yes. Actually that's the only copy left. Ubos na raw ang stock nila kaya magpapadala nalang sila ng mga bago."
Dinungaw ko kung ano ba ang ginagawa niya sa loob kaso bigla niyang sinara.
"Thanks Kuya! I Love You! HAHAHA!" psh. May tinatago.
"Psh. Your welcome."
Meron nga siyang kababalaghang tinatago. Hmm...mukhang magkakaroon na ako ng alas nito ah. Pag yun nalaman ko...quits na kami. Di niya na ako makukurakot. Kailagan kong alamin kung ano man yun. *evil smirk*
Pumasok na rin ako sa kwarto ko para magpahinga. Nakakapod na araw. Andaming nangyari. Nagbihis lang ako saglit tsaka nahiga na sa kama. Mamaya nalang ako kakain...wala pa namang hapunan. Maaga pa naman. Matutulog nalang muna ako.
Pumikit na ko ng biglang nagflashback sa isipan ko ang mukha ng babaeng nakabangga ko kanina. Muli akong napamulat. Nung nakita ko siya kanina di ko na napigilan ang sarili ko na pagsalitaan siya ng ganun. Nadala lang din naman kasi ako sa emosyon ko. Hindi ko naman sinasadya na murahin siya. Mukhang umiyak nga siya dahil dun. Nakakaguilty ng kunti. Oo. Kunti lang.
Pero kakalimutan ko nalang yun wala na rin naman na akong magagawa pa. Tapos na eh...ano pang magagawa ko?Eh nasabi ko na. Kaya nga sabi nila..."Don't talk when you're mad because words are the sharpest weapon that could stab someone to death."
Hindi ko kilala kung sino ang nagsabi basta narinig ko lang naman yan. Paki-research nalang sa google pag may time kayo.
Pero sa totoo lang...naniniwala naman ako diyan. At isa sa mga katangian ko na pilit kong iniiba sa sarili ko ay ang matabil na dilang meron ako. Masakit kasi ako magsalita. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil na rin sa nadadala ng emosyon. Kung ano kasi ang nararamdaman ko...yun ang pinapalabas ko. Hindi ako yung tipo na mapag-kunwari. Ayokong kinikimkim ang mga sama ng loob lalo pa't hindi maganda yun. Basta ang alam ko...kung ano ang gusto kong sabihin o iparating...sasabihin ko. Bahala na kung sino ang masasaktan o kung sino ang maaapektuhan basta ako alam ko sa sarili ko na ako'y nagpapakatotoo lang.
-----------------------------------------------------------------
Naalimpungatan ako ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras. Alas nuwebe na pala ng gabi. Apat na oras din akong nakatulog. Di ko naman namalayan na nakaidlip na pala ako habang nag-iisip kanina. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
Si mommy ang bumungad sa akin pagbukas ko. "Oh Kyo. Kakain na bakit andito ka pa?" si mommy.
"Hi mom," bati ko sabay halik sa pisngi niya.
"Sorry nakaidlip ako. Kanina pa kayo nakauwi? Hintayin niyo na lang po ako sa baba. Maghihilamos lang ako saglit."
"Okay. Kararating lang din namin ni daddy niyo. Bilisan mo ah...gutom na raw si RJ."
"Psh. Lagi namang gutom yun mom."
Natawa naman siya. "HAHA! On nga eh. Kaya tumataba na. Oh siya sige...mauuna na ko sayo sa baba, sunod ka ha."
"Yes mom," sagot ko.
Pinaalis ko muna si mommy bago sinara ang pintuan. Naghilamos din ako sa cr saglit tsaka inayos ang sarili ko at bumaba na rin.
YOU ARE READING
Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]
Teen Fiction"Masami nga sa ti-on nga ikaw ang maga-palangga...madamo sang mga butang nga naga upang. Kung kaisa...naga-abot sa punto nga daw gusto mo nalang mag-ampo. Apang...kung imo matuod-tuod nga gina palangga ang isa ka tawo...tanan kayanun mo. Asta imo na...