-SIYAM-

0 0 0
                                    

-Riri's POV-

"Ka arte gid bala sa imo ya murat! Atu na gid tu nga bakante masaylo ka pa! Teh pano na ni?...iyawan na naman tani pangita space."
("Ang arte mo talaga murat! Andun na nga tayo kanina sa bakanteng upuan lilipat ka pa! Oh...pano na 'to? Mahihirapan na naman tayong humanap ng space!")  sermon sakin ni Hana.

Eh pano naman kasi...di ko naman ini-expect na makikita ko yung 'berus' na yun dun. Haleeer...di ko nga alam na dito rin pala siya mag-aaral. Ngayon...alam ko na.

Pagkatapos kong makita ang hinayupak na pagmumukha niya kanina...hinila ko agad si Hana palayo. Ayokong maki-share ng upuan sa kaniya...ayokong magkaroon ng utang na loob sa kaniya!

"Sensya gid murat. Di lang ko bi komportable nga didto magpungko. Labi na gid sa atubang sang 'berus' nga 'to,"
("Pasensya na talaga murat. Hindi lang talaga ako komportable na dun umupo. Lalo na sa harapan ng 'berus' na yon.")

"Haaayst! Ano pa nga bang magagawa natin? Eh...nakaalis na tayo. Ang pinaka-mabuti nating gawin ngayon ay ang maghanap ng mauupuan. Nakakapagod na kanina pa tayo naglalakad. Halos nalibot na 'ata natin ang buong University,"  naaawa na din ako sa kaniya. Tagaktak na ang pawis naming dalawa. Mainit kasi tsaka maraming tao. Maya-maya pa ay napadpad kami sa cafeteria.

"Murat dito nalang tayo. Lika...tingnan natin kung may bakante sa loob!"  tsaka ako hinila ni Hana papasok sa cafeteria. Psh. Ba't ba ang hilig netong manghila?

Nang pagpasok namin sa loob...andami ding tao. Tsaka puno din lahat ng tables!? Aaay anubayan! Ang malas naman...pano na 'to?

"Hala murat! Puno din dito. Paano na?Huhu,"  si Hana.

"Hayst. Wag kang mag-alala. Hahanap ako ng paraan,"  sabi ko.

"Ikaw naman kasi eh! Dami mong arte sa katawan! May space na tayu dun kanina umalis ka pa. Di sana tapos na tayo ngayon! Kakainis ka huhu."

"Sorry na nga diba? Sorry na,"  na guilty naman tuloy ako.

"Ba't ka ba kasi umalis? Kilala mo ba iyong guy? Sa nasaksihan ko kanina mukhang magkakilala nga kayong dalawa. Ex mo yun noh? Umamin ka."

Gaga talaga 'tong si Hana. Pano ako magkakaroon ng ex? Eh NBSB nga ako. Di niyo alam meaning ng 'NBSB' noh?NBSB-"National Book Store Bitch". Yun ang meaning nun.

"Aray! Bakit mo 'ko binatukan murat!?"  reklamo ni Hana sabay himas sa ulo niyang binatukan ko.

"Gaga ka kasi. Kita mo namang never pa 'kong nagkaroon ng jowa tapos sasabihin mo ngayon na ex ko yun? Eh kung tadyakan kaya kita diyan!?"  boba kasi.

"Ikaw ha...nananadya ka ha. Sinasaktan mo na ako ngayon? Wala ka ng libre sa NBS mamaya!"  pananakot niya sakin.

"Hehe joke lang muraaat! Naglalambing lang naman eh. Sorry na."

"Naglalambing ka diyan! Ang sakit ng lambing mo!hmp!"

"Hehe. Sowy po,"  sabi ko sabay peace sign.

"Hmp! As if naman na matitiis kita. Marupok ako eh,"  buti naman aware siya.

"Yeeey! NBS date later ha."

"Oo na. Basta bilisan na natin dito para makaalis na tayo agad."

"Okay,"  sang-ayon ko sa kaniya.

"Hoy lampa!"  napalingon ako sa asungot na tumawag sakin. Nakita ko si Red sa may sulok banda...nakaupo...mag-isa! Kaya hinila ko si Hana at dali-dali akong nagtungo papunta sa kaniya.

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now