CHANELLE'S POINT OF VIEW
-------------------"Ohh! Ang ganda ng lugar! This is the better place of our vacation, guys!" tila namamanghang sabi ni Kourtney habang nilalabas sa pocket niya ang cp niya to take a picture in this paradise island.
Pagbaba at pagbaba lang namin sa yate, wala na kaming ibang narinig kundi yung nakakairitang boses ni Kourtney.
Parang first time lang siya nakapunta in this kind of place huh!
Pero tama naman si Kourtney eh. Maganda yung island resort na napili ni Zanah for our vacation. White sand dito at ang ganda pa ng tanawin! Nakaka-relax!
Nag-inhale exhale ako sa sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
"Diba, it's all not useless to wait, it's worth it right, Kourtney?" nakangiting sabi sa kanya ni Zanah.
"Whatever!" At umirap pa si Kourtney at kinuhanan na niya ng pic yung lugar kaso may pumigil sa kanya. Si Xandro.
Inagaw ni Xandro ang cp ni Kourtney, "My Ghad! Babe! Give it back to me!" that bitch exclaimed.
"No, Kourtney! Malinaw ang usapan ng barkada na di tayo magdadala ng cellphone dito sa vacation diba? We're here to appreciate the nature! Just like that!" sabi ni Xandro at pagkatapos ay binagsak na nito sa sand yung phone ni Kourt at tinapakan yun.
"Arrgghhh! I hate you!" naiinis na sabi ni Kourtney sabay dabog.
"I will buy you another one but please.....be nice to our barkada" lambing sa kanya ni Xandro.
"As if I have a fucking choice!" pagsuko na lang ng lukaret na yun.
Seriously! Ang sarap niyang sapakin sa mukha!
"Guys! Maghihintay pala tayo dito! Sasalubungin kasi tayo dito nung caretaker ng lugar to guide us patungo sa rest house. Iyon kasi yung napagkasinduan namin" nakangiting sabi naman ni Zanah.
"Ok" we simply replied.
After a couple of minutes, may dumating biglang matandang lalaki sa aming harapan.
"Oh, mga iho at iha. Kayo ba ang magbabakasyon dito sa isla?" tanong samin ng matandang lalaki habang nakangiti.
"Ah...opo, 'lo. Kami nga po" sagot sa kanya ni Zanah.
"Ahh...ako nga pala si Mang Jun. Ako ang caretaker ng lugar na ito. At dahil mukhang pagod na kayo dahil sa biyahe, sumunod na kayo sakin para makapunta na kayo sa rest house at makapagpahinga" At naglakad na palayo si Mang Jun.
Sumunod na lang kami sa kanya.
Magkakasabay kami nina Tiffany at David na naglalakad. Nagkukwentuhan kami.
"You know guys. Ang creepy ng vibe nitong place na ito. It seems like so.....haunted" Napalingon ako kay Tiff ng sabihin niya yun.
Napangiti ako, "Yan! Kapapanood mo ng horror movies, kung ano ano na yang pinagsasasabi mo. Ang ganda kaya ng place.....pero sa tingin ko naging haunted na ito dahil kasama natin yung Kourtney na yun" I joked.
Natahimik na lang si Tiff. What happened to her?
"Babe, are you okay?" pang-uusisa sa kanya ni David.
"Ahh.....ehh..... oo naman" Tiff said.
Ewan ko nga sa kanila. Bahala sila.
-----*-----*-----*-----*-----
"NANDITO NA TAYO!" masiglang sabi ni Mang Jun samin pagkarating namin sa rest house.
Nakakapagod huh! Dumaan pa kami sa malawak na gubat bago dumating dito. Pero worth it naman yung pagod ng makita namin yung rest house.
BINABASA MO ANG
MAFIA GAME
Mystery / ThrillerMasayang bakasyon lang naman ang pinlano ng magkakaibigan sa isang island resort ngunit nang dahil sa isang LARO... Ang inakala nilang MASAYANG BAKASYON ay nabahiran ng DUGO... Are you ready to face the consequences when you play the...MAFIA GAME? A...