CHANELLE'S POINT OF VIEW
-------------------Boses iyon ni.....Andrea!
Pero bakit siya sumigaw? At bakit tila yung sigaw niya ay parang nahihirapan at nasasaktan?
Bigla akong kinabahan. Natatakot ako.
Nanatili pa ring nakapatay yung ilaw dito sa sala kaya hindi namin alam kung nasan si Andrea.
"Andrea?! Where are you?! Andrea?!" Naririnig ko yung nagpapanic na sigaw na iyon ni Ren.
Pero hindi sumasagot si Andrea sa kanya.
Natakot ako bigla. Sobra sobra na itong kabang nararamdaman ko.
"Chanelle? Ayos ka lang? Bat nanginginig ka?" pang-uusisa sakin ni Ethan.
"Ethan.....n-natatakot ako.....Natatakot ako..." Di ko alam kung bat ko nasabi yun pero isa lang ang alam ko, natatakot ako.
Naramdaman kong niyakap ako ni Ethan.
"Psshhh...wag kang matakot.....I'm here....." he sincerely said.Mahigit sampung minuto pa ang lumipas bago muling nagbalik ang ilaw.
Ngunit sana na lang pala, madilim na lang.....hindi na nagkailaw.
Dahil isang madugong tanawin yung bumungad samin.
S-si Andrea.....patay na. May nakatarak na kutsilyo sa bibig nito habang tuloy tuloy na umaagos sa bibig nito ang dugo! Tapos may nakaukit na salita sa braso niya.....
Innocent.
"Andrea!" Dali daling pinuntahan ni Ren ang bangkay ng nobya at niyakap ito.
Sino ang gumawa nito sa kanya?! Sino?!
"Oh my God! What happened to her?!" Napatakip bibig na bulalas ni Tiffany.
"Who killed her?!" Kourtney shout.
Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Takot ba dahil may gumagalang murderer sa isla? Kaba ba dahil nawalan kami ng isang kaibigan?
Pero hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang pangyayaring ito. Di ko matanggap na patay na si Andrea.
Pero isang hinuha ang pumasok sa isipan ko. Isang posibleng hinuha.
"Wala naman sa barkada ang pumatay kay Andrea diba?" naisa tinig ko yung hinuha ko.
Napatingin sakin ang lahat. May mga takot na mababanaag sa mga mata nila.
"P-paano mo naman nasabi yan, Chanelle?" tanong sakin ni Mae na tila kinakabahan.
"It's possible dahil tayo lang naman yung nandito! Imposible namang outsider dahil sa tingin ko, wala namang tao ang galit satin. Imposible din si Mang Jun eh nakauwi na siya" I said.
"So, you mean.....isa sa barkada yung killer? Parang mali naman na panghinalaan natin ng masama yung isa satin!" frustrated na sabi naman ni Sandee.
"Alam ko. Pero may posibilidad yun, guys! We know na may mga galit tayo lahat sa isa't isa at posibleng yun yung dahilan kung bakit siya pumapatay" I said to them.
"May point si Chanelle, guys! It's possible na isa satin yung pumatay kay Andrea" sabi naman ni Ethan sa kanila.
"Tumigil na kayo sa argument niyo! Dalhin natin si Andrea sa ospital!" sabi ni Ren habang yakap yakap ang bangkay ni Andrea.
"She's dead, Ren. And someone killed her" sabi naman ni Xandro after niyang pulsuhin si Andrea.
"What?! No! No! Just no! Buhay pa si Andrea! Buhay pa siya!" tila nababaliw na sabi ni Ren.
BINABASA MO ANG
MAFIA GAME
Mystery / ThrillerMasayang bakasyon lang naman ang pinlano ng magkakaibigan sa isang island resort ngunit nang dahil sa isang LARO... Ang inakala nilang MASAYANG BAKASYON ay nabahiran ng DUGO... Are you ready to face the consequences when you play the...MAFIA GAME? A...