CHAPTER SIXTEEN: MAY YOU REST IN HELL

31 4 0
                                    


BENEDICT'S POINT OF VIEW
------------------

UNTI UNTI KONG MINULAT YUNG MGA MATA KO, AT DILIM ANG SUMALUBONG SAKIN.

Agad akong gumalaw ngunit di ko maigalaw yung mga paa't kamay ko.

Hanggang sa na-realize ko na nakatali ako sa isang upuan.

Letche! Paano ako makakatakas dito?! I wanna survive pa! Ayoko pang mamatay lalo na't sa brutal pang paraan!

Nasaan kaya ako?!

Nang medyo, nag-adjust na sa kadiliman yung mga mata ko, nalaman ko na kung nasaan ako.

Basement...

Nandito ako sa basement! At nasa harap ko ang mga bangkay nina Ren, Andrea, Tiffany, David at Vynz.

Muntikan pa akong masuka dahil naaagnas na ang katawan nila. May mga naglalabas-masok na uod at langgam sa mga mata, ilong, bibig at tenga nila. Kitang kita din ang mga laman nila.

Oh my God! Nakakadiri!

Akmang sisigaw na ako ng malaman kong naka-busal ng panyo ang bibig ko.

Punyeta! Paano na ito?! Kailangang may gawin ako habang wala pa yung Mafia na yun!

Malakas akong pumiglas piglas para maalis ang pagkakatali ko kaso sa sobrang lakas ng ginawa ko, tumaob paharap yung upuan ko at bumagsak ako sa bangkay ni Vynz na dilat.

Nanlaki ang mga mata ko kasi yung noo ko nakadikit sa noo niya. Napaimpit ako ng sigaw nang may pumasok na uod at langgam sa kanang mata ko mula sa mata ng bangkay ni Vynz.

Nakaramdam ako ng hapdi at sakit!

Punyeta! Oo, inaamin ko sa sarili ko! Gusto ko DATI yung pwesto na ganito kay Vynz pero ngayon?! No na noh! Nakakadiri!

Pumasok sa ilong ko ang amoy ng bangkay ni Vynz at napapikit ako ng mariin dahil ang baho! Sobra!

Sobrang torture naman nito!

Unti unting kumabog ang dibdib ko ng makarinig ako ng mga yabag. Nakakapanindig yon ng balahibo!

Naramdaman ko na inangat ng nagmamay-ari ng yabag yung upuan ko.

Nakatayo na muli ngayon yung upuan ko.
Napatingin ako sa nag mamay-ari ng yabag at dalawa sila...

Yung isa, iyon yung unexpected Mafia tapos yung isa, feeling ko, part ng Mafia Group. Ewan ko kung Serial Killer ito oh, Gangster or Spy.

Ngumisi sakin ng demonyo si Mafia. Nang makita ko ang ngising yun, unti unting gumapang sa katawan ko ang kilabot.

Nakakatakot siya.....

"Kamusta, Benedict? Are you ready na ba na dumiretso sa impyerno kasama itong mga bangkay na ito?" At tumawa pa si Mafia sakin sabay sipa sa limang bangkay.

Wala siyang puso! Demonyo siya!

Kahit natatakot ako, sinamaan ko siya ng tingin. Kailangan kong ipakita sa Mafia na ito na matapang at lalaban ako sa kanya kahit alam kong, kabaligtaran lang.

Nanonood lang yung kasama nung Mafia samin. Wala siyang ginagawa. Nakatunganga lang.

Tumawa yung Mafia ng makita niya na sinamaan ko siya ng tingin.

"So, lalaban ka, Benedict?! Kaya mo?!" pang-uuyam niya sakin at tumawa pa.

Baliw na siya.

"Ayy hindi ka pala makakapag-salita kasi may busal yang mabaho mong bunganga!" asar niya sakin at tumatawang tinanggal yung busal ko sa bibig.

"Demonyo ka! Hayup! Ano bang naging kasalanan namin sayo huh?! Bakit mo kami iniisa isa huh?! " bulyaw ko sa kanya at dinuraan ko ang mukha niya.

MAFIA GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon