CHANELLE'S POINT OF VIEW
--------------------NAKATITIG LANG AKO sa walang malay na si Tiffany habang nakahiga siya sa kama niya.
Katatapos lang gamutinni Zanah yung sugat niya sa ulo Magaling si Zanah, mang-gamot dahil nursing yung kinuha niyang course.
Pagkatapos niya gamutin si Tiff ay umalis na rin siya. Naiwan kami ni David dito para bantayan siya.
Hindi namin iiwan si Tiffany dahil alam kong pinagtatangkaan yung buhay niya ng Mafia. Hindi namin iiwan si Tiff.
Di siya pwedeng mamatay dahil siya lang ang pwedeng makapagturo samin sa kung sino ang Mafia.
"Salamat sa Diyos at di siya nawala satin, Chanelle. Sana, magkamalay na rin siya para malutas na itong misteryong ito. Alam ko na kilala na niya ang Mafia kaya siguro, napagtangkaan nung hayup na yun yung buhay niya. We need to stay beside her, no matter what happens. Tayong dalawa lang ang pwedeng magbantay sa kanya kasi sigurado akong tayong dalawa lang sa grupo yung ayaw siya mawala at tayong dalawa din yung pinagkakatiwalaan niya..."
Napatingin ako sa nagsalita. Si David. Nakatingin lang siya ng seryoso kay Tiffany habang hinahaplos niya ang pisngi nito.
Ngayon ko lang nakita na seryoso si David. Hindi siya nagpapatawa. Hindi siya ngumingiti. Hindi siya masaya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"David, dont worry. Maayos na ang kalagayan ni Tiffany. Malapit na siyang magkamalay. Sasabihin niya satin kung sino ang Mafia. Matatapos na ang misteryong ito. Magtiwala ka sakin at sa sarili mo" sabi ko sa kanya at tumingin naman ako kay Tiffany.
Hinaplos ko ang pisngi ng bestfriend ko at niyakap siya, "Tiff, magpagaling ka. We need you. You are the only key for us to survive this game. So please.....wake up as soon as possible..."
Please Lord.....gabayan niyo kaming lahat sa mga nangyayari ngayon. Wag niyo po laming pababayaan.
And Tiffany.....please wake up.
------*****------*****------*****-------
MAFIA'S POINT OF VIEW
-------------TANGINA LANG!
Kung minamalas nga naman, oo! Hindi ko napatay si Tiffany! May sa pusa yata yung gaga'ng yun eh!
Fuck! Kailangan ko siyang patayin! Kailangan, hindi nila malaman kung sino ako! Kailangang magtagumpay ako sa larong sinimulan ko!
Bwiset!
Dahil sa frustration, minabuti ko na lang na bumaba sa first floor para uminom ng tubig. Hina-high blood ako eh!
3:30 pa lang ng madaling araw at sa tingin ko, nasa kanya kanya ng kwarto yung mga gaga kong kaibigan.
Hanggang ngayon, ang sakit pa rin ng kaliwang paa ko! Buti naman at di napansin ng mga kaibigan ko yung pagiging ika-ika ko maglakad! Mga bobo kasi sila!
Pagbaba ko sa first floor, bigla akong napatigil nang nakita ko siya.
Napakunot noo ako dahil parang nagsusulat ito eh.
Nagsusulat siya sa isang notebook na nakalagay sa lamesita dito sa sala. Nakatalikod siya sa gawi ko ngunit kahit ganon, kilala ko siya.
Nagtago agad ako sa likod ng sofa para di niya ako makita.
Ano kayang sinusulat ng ulopong na ito sa notebook?
Pagkatapos ng ilang segundo, umalis na yung kaibigan kong tangang yun.
BINABASA MO ANG
MAFIA GAME
Mystery / ThrillerMasayang bakasyon lang naman ang pinlano ng magkakaibigan sa isang island resort ngunit nang dahil sa isang LARO... Ang inakala nilang MASAYANG BAKASYON ay nabahiran ng DUGO... Are you ready to face the consequences when you play the...MAFIA GAME? A...