CHAPTER FIFTEEN: THE GUN IN HER BAG

31 5 0
                                    


CHANELLE'S POINT OF VIEW
--------------------

"DITO NA MUNA KAYO SA DALAWANG KAMA. Nabakante na yung dalawang yan dahil wala na sina Ren at Andrea. Tutulungan ko na rin kayo sa paglalagay ng mga gamit niyo sa cabinet. At siya nga pala, naialis ko na dyan yung gamit nung dalawa kaya hindi kayo masisikipan sa paglalagay ng gamit" sabi ni Ethan samin ni Naethan, kinahapunan.

Ngumiti kami ni Naethan at nailapag namin sa mga napili naming kama yung bag naming dalawa.

"Salamat, Ethan" I thanked him.

Dahil sa nangyari sa kwarto naming dalawa ni Naet, minabuti na naming lumipat dalawa sa kwarto ni Ethan dahil maluwag naman dito dahil siya na lang ang gumagamit nito.

Ang napili kong kama ay yung malapit sa balcony. Umupo ako doon habang tinitingnan ang kabuuan ng kwarto.

"Chanelle, tulungan na kita sa pag-aayos" yaya sakin ni Ethan.

Ngumiti ako sa kanya, "Oh sige. Salamat"

Nagsimula na naming ilagay dalawa yung
mga gamit ko sa cabinet. May mga times nga na nagdadanggian yung mga kamay naming dalawa at napapatingin kami sa isa't isa. Minsan, nagpapatawa si Ethan at napapatawa rin ako.

Pero ewan ko ba, kapag nagdadanggian yung mga kamay naming dalawa.....libo-libong boltahe ang dumadaloy sa katawan ko.

Kapag napapatingin naman ako sa mga mata niya, ewan ko pero na hyhypnotize ako doon. Ewan ko ba kung bakit.

Dahil ba maganda yung mga mata niya? Ang ganda nung pilikmata niya? Ang gwapo niya?

Aminado ako sa sarili ko, na kapag nawala na siya sa tabi ko, hindi ko na mararamdaman na may karamay ako. Na may kakampi pa ako.

Salamat, Ethan dahil nandito ka lagi para pasayahin, patatagin ang loob ko, iparamdam sakin na may tao pang handang mahalin ako.

Wag mo akong iiwan, Ethan huh?

----------(--*--)---------

NAETHAN'S POINT OF VIEW
-----------------

Ano ba iyan! Nabubwisit ako!

Eh paano naman kasi, hindi ako maka-focus sa paglalagay ng gamit ko sa cabinet dahil sa mga tawa nila Ethan at Chanelle.

Lintik. Naa-out of place ako dito ah.

And at the same time, pakiramdam ko.....

Nagseselos ako.

Tsk! Ano ba itong mga pinagsasasabi ko?! Ang corny!

Pero bakit ako nakakaramdam ng selos?

---------(*---*)--------

ZANAH'S POINT OF VIEW
-------------

"Buo na ba ang desisyon mo? Hahanapin natin ang Mafia?" tanong sakin ni Benedict.

Nandito kaming tatlo nila Sandee sa Room 4.

Seryoso akong tumingin kay Ben, "Oo. Buo na ang desisyon ko. Hahanapin natin ang Mafia para matapos na itong kahibangan niya. Kailangan ng magwakas ang lahat ng kasamaan niya" I said to them my final decision.

Desperada na ako. Kailangan na naming malaman kung sino samin na natitirang siyam ang nagtatago sa mapagpanggap na maskara. Kailangan ng magwakas ang kademonyohan ng Mafia. Lima na samin ang namatay at di ko hahayaan na may sumunod pa doon.

"Pero paano si Kourtney? Zanah, alam mo naman na ubod ng kaartehan yung babaeng yun! Hindi mo siya mapipilit na gawin yung mga gusto mong mangyari kasi wala namang ibang inisip yung impaktitang yun kundi yung kapakanan ng sarili niya. We know that bitch. She's nothing but a selfish" sabi naman ni Sandee.

MAFIA GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon