CHAPTER TWENTY ONE: UNMASKED THE MAFIA

74 4 1
                                    

CHANELLE'S POINT OF VIEW
--------------------

NASA HARAP NA AKO NG naturang pinto ng kwarto na malapit dito sa attic. Di ko alam kung bubuksan ko ba ito oh hindi.

Paano kasi kung walang telepono dito? Paano kung walang saysay itong kwartong ito para makaalis kami sa impyernong ito?

Napahinga ako ng malalim. Sa huli, nanaig sakin yung curiousity ko at ang pagiging pursigido ko.

Hinawakan ko na ang door knob at dahan dahan ng binuksan yung pinto. Salamat naman dahil hindi iyon naka-kandado.

Pagbukas ko ng pinto, dilim ang sumalubong sakin sa naturang kwarto. Amoy-alikabok rin ang kwartong ito. Parang matagal na panahon na ito, nabuksan at nagalaw.

Kinapa ko ang dingding kung meron mang switch at di ako nagkamali, dahil meron ngang switch.

Pinindot ko yun at kumalat sa buong kwarto ang ilaw na kumikislap kislap pa. Mapupundi na yata iyon. Tapos dim light lang. Di masyadong maliwanag.

Pero sapat na ang liwanag na iyon para makita ang kabuuan ng kwarto.

Wala namang iba dito eh. Parang tambakan lang ito pero most of all, ang nakikita ko dito ay mga pictures. Lumang mga litrato na sa tingin ko ay mga litrato ng mga taong nag-mamay ari ng islang ito.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa lugar. Umaasa ako na may telepono dito. Sana meron nga.....

Kusang umukit sa labi ko ang ngiti ng may makita akong telepono sa isang sulok. Pakiramdam ko, tinupad ng langit ang dasal ko.

Mabilis akong lumapit sa naturang telepono at sinipat iyon. Maayos pa!

Agad kong dinial sa telepono ang telephone number ng bahay namin.

Inilagay ko sa tenga ko yung telepono. Puro ring lang ang naririnig ko.

Sana, may sumagot.....please...

Napangiti ako ng may sumagot sa kabilang linya. Salamat naman!

"Hello? Sino ito?" Boses iyon ni Manang Cynthia. Siya ang matandang katiwala ng pamilya namin.

"Manang Cynthia! Si Chanelle ito!" sagot ko.

"Oh, ineng bakit? Napatawag ka?" pang-uusisa niya.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita, "Manang! Manang, tulungan niyo kami! Pumunta po kayo dito sa isla sa lalong madaling panahon! Sabihin niyo po kina mommy at daddy!"

"Ineng, bakit parang nag-hihysterical ka? Ano ba nangyayari dyan?" Sa tono ng boses ni Manang, nag-aalala na siya.

"Manang! Manang, may killer sa barkada namin! Iniisa-isa niya kaming patayin! Manang, sabihin niyo kina mom and dad na pumunta na sila dito ngayon! Kailangan namin kayo! Isla Alfonso dito sa Batangas ang location namin! Pumunta na kayo! Please....." Dumausdos na sa pisngi ko ang luha habang sinasabi yan.

"Diyos ko! Ineng, totoo ba iyan? Di ka ba nagbibiro huh?!" nag-aalala na si Manang Cynthia.

"Oo, Manang! Totoo itong mga sinasabi ko! Hindi ako nagbibiro! Pumunta na kayo dito sa isla! Please! Manang, nagmamakaawa ho ako!" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Oh sige, ineng. Sasabihin ko sa mga magulang mo. Basta mag-ingat kayo dyan ng barkada mo. Parating na kami dyan!" sagot ni Manang Cynthia.

"S-salamat ho" Huling sinabi ko bago patayin ang kabilang linya.

Naibagsak ko yung telepono habang nanghihina. Salamat naman at makakaalis na kaming lahat sa impyernong islang ito.

Nakahinga na ako ng maluwag. Sana, matapos na itong pinagdadaanan namin. Sana ligtas kaming lahat bago kami umuwi.

MAFIA GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon