CHAPTER NINETEEN: I TRUSTED YOU!

31 4 0
                                    

CHANELLE'S POINT OF VIEW
---------------------

"ANO?!"

Napatayo ako sa sofa ng marinig kay Zanah yung ginawa nila ni Naethan kay Mae. Nandito na kaming anim sa sala. Kakababa lang din ni Xandro. At tapos na rin akong gamutin ni Sandee.

"Chanelle, wala na kasi tayong ibang magagawa! Kapag pinalabas pa kasi natin si Mae, posible na sumpungin uli siya ng sakit niya at atakihin tayo! Muntikan na nga niya ikaw, mapatay kanina eh!" sagot sakin ni Naethan.

Napa- face palm ako. Ano ba ang tingin nila kay Mae? Preso oh kaya may nakakahawang sakit kaya nila ito kinulong?

"Hindi niyo ba naiintindihan dalawa huh?! May sakit si Mae! At kailangan niyong intindihin yung kondisyon niya!" bulyaw ko sa kanya.

Napahinga ng malalim si Naethan, "Alam ko. Pero, hanggat hindi pa siya bumabalik sa dati, mas mabuting ikulong muna natin siya dahil baka may iba naman siyang buhay pagtangkaan"

"Pero---" Napatigil ako sa pakikipag-usap kay Naet, ng pigilan ako ni Ethan.

"Chanelle, stop. May point rin naman si Naethan eh. Papakawalan din naman nila si Mae kapag bumalik na sa dati ang kalagayan niya" pigil niya sakin.

Di ako makapaniwalang tumingin ako sa kanya, "Even you, Ethan? Guys, kaibigan natin si Mae at hindi naman yata tama na ikulong niyo yung tao na parang hayop! May sakit siya diba?! Hindi niyo ba naiintindihan yun huh?! May sakit yung tao kaya wala tayong karapatan na pabayaan siya! Palabasin niyo si Mae! Iyon lang yung gusto ko!" At tumingin ako sa kanila isa-isa.

Nakatungong umiiling iling si Zanah, "I-i'm sorry, Chanelle...but not really. Please, understand" she said.

Napatawa lang ako ng peke, "Ano ba naman ang aasahan ko sa mga pekeng kaibigan na kagaya niyo na sarili lang ang iniisip? Masyado kayong selfish lahat" Huling sinabi ko sa kanilang lahat bago ako umalis sa harap nila at nagtungo ako sa kwarto ko.

"Chanelle!" Sumunod sakin si Sandee.

-----(*---*)-----

ZANAH'S POINT OF VIEW
--------------

"FUCK SHET!"

Nagulat ako ng magmura si Ethan at pinagsisipa yung sofa.

"Ethan! Ano ka?! Tumigil ka nga!" awat sa kanya ni Xandro.

Nang makalma na si Ethan ay nagsalita siya, "Tangina, bakit ba nangyayari itong lahat satin?! Parusa ba ito?! Tangina, ayoko na! Nagagalit ngayon sakin si Chanelle kasi putangina lang!" Napa-face palm na siya dahil sa frustration.

Ngayon ko lang unang beses na nakitang magalit si Ethan. Nakakagulat lang. Masayahin kasi itong taong ito eh kaya never kong inexpect na magagalit siya at take note, sobra pa.

"Zanah, anong plano natin? Papakawalan na ba natin si Mae?" bulong sakin ni Naet.

Napatingin ako sa kanya ng seryoso, "Let her. Mapanganib si Mae at any time, maaari siyang sumpungin ng sakit niya. Ayokong may mapahamak muli, Naet. Ayoko na..." sabi ko sa kanya at malalim akong bumuntong hininga.

Gusto ko na makita nilang lahat na malakas ako even sobra na akong nanghihina. Gusto ko na ipakita sa kanila na matapang ako kahit sa loob loob ko, gusto ko ng mag-break down.

Ang hirap kayang umarte sa mga taong nakapaligid sayo na malakas ka. Na kaya mo pa. Pero alam kong kailangan kong um-acting na matapang ako dahil gusto ko na iyon yung mag-motivate sa kanila upang maging matapang at malakas din.

Sana matapos na itong pagsubok na pinagdaraanan namin. Sana mabuhay pa kaming pito pagkatapos ng lahat ng ito.

-----(-**-)-----

MAFIA GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon