SANDEE'S POINT OF VIEW
---------------------FLASHBACK-----
NAPABANGON SI ZANAH SA KAMA NIYA NG MAKITA NIYA AKO na hawak yung papel sa kung saan nakasulat yung identity niya.
Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung kakabahan ba ako dahil nahuli niya ako na pinapakialamanan yung identity niya. Pero masisi niyo ba ako kung gusto kong mahanap yung natitirang dalawang innocent? Gusto ko na kasing gampanan yung role ko sa larong ito. Gusto ko na maka-survive sa larong sinimulan ng Mafia.
Naglakas ako ng loob na sabihin sa kanya ang ginawa ko, "Sorry pero gusto ko lang malaman yung identity mo..." bulong ko sa kanya.
"Ano?! Bakit naman?!" bulalas niya. Tila nagpipigil siya ng galit.
Napapikit ako at bumuntong hininga. Bahala na...
"Doctor yung role ko sa game, Zanah at gusto kong gampanan yun at hanapin yung natitirang dalawang innocent"
Di ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya yung ginagawa ko pero isa lang ang alam ko, pinagkakatiwalaan ko si Zanah.
Tila nagulat naman siya dahil nanlaki yung mga mata niya, "Doctor ka?!" bulong niya sakin dahil baka magising si Xandro.
Tumango ako habang kinukuha ko sa bulsa ko yung papel kung saan nakasulat yung identity ko. Pinakita ko yon sa kanya, to prove na ako ang Doctor. Bahala na kung malaman niya ang identity ko.....Kilala ko naman itong si Zanah at isa siya sa pinagkakatiwalaan ko sa barkada.
"Kung ganon, ikaw ang kailangan namin nung isang innocent!"
Sa sinabing iyon ni Zanah, nanlaki ang mga mata ko.
So, she means.....isa siya sa Innocents na hinahanap ko?!
To prove na isa nga siyang inosente sa larong ito, binuklat ko yung papel na nakuha ko sa kanya and she stating the truth. Isa nga sa dalawang Innocent! Pero sino yung isa pa?
"Sandee, kailangan nating hanaping dalawa yung natitirang Innocent sa lalong madaling panahon. Mahirap na, baka mapatay siya nung Mafia" nag-aalala niyang bulong sakin.
Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya ng seryoso, "Oo, Zanah. Hahanapin natin yung natitirang Innocent. Kailangan na rin nating hanapin yung Police. Tayong apat na lang ang magkakakampi dito. We need to form allied. Kailangan ng magwakas ang kahibangan ng Mafia pati na rin ng Gangster at Spy....."
-----END OF FLASHBACK-----
PAGGISING KO NG UMAGA, Iyang conversation namin kagabi ni Zanah yung naalala ko.
Salamat naman at nahanap ko na yung isang Innocent. At hahanapin naman namin ni Zanah yung isa pang Innocent at yung Police.
Kailangan na naming makilalang apat ang isa't isa. We need to helping each other. We need to find that Mafia bitch, as soon as possible.
Ito na ang huling araw naming pito sa island resort na ito and I hope, maka-survive kaming mga natitira sa huling araw na ito.
"Gising ka na pala, Sandee. Good morning! Tara, baba tayo for lunch" yaya sakin ni Zanah after niya isara yung book na binabasa niya.
Hinintay talaga niya ako. Gusto niya siguro na kaming dalawa ang magkasama sa natitira naming oras dito sa isla.
Ngumiti ako sa kanya, "Ok. Good morning din" Nag-inat muna ako at humikab bago ako tumayo sa kama ko.
Sabay na kami ni Zanah na bumaba sa sala.
Pagbaba naming dalawa, nagulat kami ng makita namin si Xandro na nakaupo sa sofa na puro bugbog. Hinang hina siya. Nakakaawa ang kalagayan niya kung titingnan mo. Ang rami niyang pasa sa katawan at sugat. May dugo pa siya sa nguso. Seriously?! Sinong gumawa nito sa kanya?!
Katabi niya si Chanelle na tila nag-aalala.
BINABASA MO ANG
MAFIA GAME
Mystery / ThrillerMasayang bakasyon lang naman ang pinlano ng magkakaibigan sa isang island resort ngunit nang dahil sa isang LARO... Ang inakala nilang MASAYANG BAKASYON ay nabahiran ng DUGO... Are you ready to face the consequences when you play the...MAFIA GAME? A...