CHAPTER SEVEN: HANG IN THERE AND DIE!

32 5 0
                                    


REN'S POINT OF VIEW
--------

DI KO ALAM KUNG BAKIT BIGLA AKONG NATAKOT  SA KANILA.

Di ko alam kung bakit ako napatayo sa kama at nagkaroon ng ganitong pakiramdam.

"A-anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila habang kumakabog ng mabilis ang puso ko.

Ngumisi sakin yung may hawak na lubid.
Dahan dahan siyang lumapit sakin habang yung isa naman ay nanatiling nakahinto lang sa tabi ng pinto.

Napaatras naman ako ng nasa harapan ko na siya.

Bakit ako natatakot? Siya ba yung.....mafia?

"What's up, Ren! Hanggang ngayon pa rin ba, di mo pa rin natatanggap ang katotohanan na patay na si Andrea kaya nagmumukmok ka diyan? Are you missed her? Pwes.....I will give you a favor just to see her again" sabi nung taong nasa harapan ko habang pinaglalaruan nito sa kamay yung lubid.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng ngumisi siya sakin ng.....demonyo.

Naglakas ng loob na lang ako at sinigawan ko siya, "Ikaw ba yung Mafia?!"

Tumawa lang siya ulit at nagthumbs up siya sakin, "The one and only" sabi niya na tila proud pa sa sarili.

Napakuyom ako ng kamao. Kung siya ang Mafia, tatapusin ko na ang kahibangan niya! At bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Andrea!

"Hayup ka! Napaka demonyo mo! Wala kang puso!" bulyaw ko sa kanya at di na ako nag dalawang isip na sakalin siya ng mahigpit.

Gusto ko siyang patayin. Nag didilim na ang paningin ko.

Habang sinasakal ko siya, nakuha pa niyang tumawa ng nakakaloko at tila nang-aasar.

Kaya sa galit ko, mas lalo ko pang diniinan ang sakal ko sa kanya.

"Papatayin kita! Papatayin kitang hayup ka!" bulyaw ko sa kanya.

Ilang segundo ang lumipas ng maramdaman kong bigla akong nanghina. Napabitaw ako sa leeg niya. Dahan dahan akong napaupo. Tila naparalisa ang aking katawan.

"Oh ano, Ren?! Kamusta? Buti nga sayo! Mamatay ka dyan!" bulyaw sakin ni Mafia habang pinapakita sakin yung syringe na alam kong tinurok niya sakin kung bakit ako nanghihina ngayon.

Napahiga ako sa sahig. At pagbagsak na pagbagsak pa lang ng ulo ko doon, nagdilim na ang paningin ko.....

----------***--------***--------

MAFIA'S POINT OF VIEW
--------------

NAPANGISI AKO ng makitang wala ng malay sa sahig si Ren dulot ng tinurok ko sa kanyang syringe sa leeg.

Hindi na ako nag-dalawang isip at pinulupot ko na sa leeg niya yung lubid ng mahigpit. Agad ko siyang binuhat pero shit lang dahil ang bigat niya!

"Hoy, Serial Killer! Tulungan mo ako nga dito! Ano? Tutunganga ka lang ba diyan, huh?!" bulyaw ko sa kasama ko.

"Eh kasi naman.....bakit ba kailangan nating gawin ito?! Di ka ba kinokonsensiya huh?" maarte niyang sabi sakin.

"Walang konsensiya ang demonyong kagaya ko. At isa pa, kung ayaw mo na lang pala akong tulungan, isusunod na lang kita kina Andrea at Ren sa hukay!" banta ko sa kanya.

"Fine! Fine! Tutulungan na kita!" pagsuko niya sakin at tinulungan na niya ako na buhatin yung bangkay ni Ren at isabit yun sa kisame. Para talaga siyang nagpakamatay.

Napangisi ako.

Siguro naman, hindi manghihinala yung mga tanga kong kaibigan na pinatay ko itong Ren na ito dahil mukha talaga itong nagpakamatay.

MAFIA GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon