SPY'S POINT OF VIEW
--------LINTIK NAMAN YUNG GANGSTER NA IYON!
Biruin mo, pinapunta ako sa likod ng rest house para kausapin ako sa ganitong dis oras ng gabi?!
Nakakatakot kaya dito! Ang dilim!
Pumunta lang naman ako dito dahil sa curious ako sa kung anong sasabihin niya sakin pero punyeta naman, wala pa siya hanggang ngayon dito!
Umupo na lang ako sa bench habang hinihintay siya.
Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina. Noong nalaman ni Gangster na ang identity ko ay Spy.....
-----Flashback-----
Lintik naman oh! Nawawala yung maliit na papel na naglalaman ng identity ko sa bulsa ko!
Bwiset naman! Kung minamalas nga naman ako!
Wala naman akong pake don sa papel na yun pero kasi nakaipit doon yung hair clip na bigay sakin nung mama ko. Espesyal yon sakin dahil iyon yung huli niyang binigay sakin bago siya namatay.
Pumunta ako sa sala dahil doon ako huling nanggaling. Hinanap ko yun doon. Wala namang tao dito eh. Kaya libre para sakin na maghanap.
Kaso potek lang! Hindi ko yun mahanap!
"Nasaan na ba yung papel na yon?" nasabi ko sa sarili ko dulot ng frustration.
"Are you looking for this?" Napalingon ako sa nagsalita.
At siya ang nabungaran ko. May hawak siyang hair clip. At akin nga iyon.
"Oo! Naku, salamat naman!" I thanked.
Akmang kukunin ko na sa kamay niya yung hair clip ng iiwas niya yun.
Tumingin ako sa kanya at nakangisi lang siya. Nang-aasar ba ito?
"Oyy! Akin na yan!" sigaw ko sa kanya.
"Ibibigay ko sayo ito sa isang kondisyon. Sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba yung spy?" tanong niya.
Naghumindig ang balahibo ko. Fuck. Anong gagawin ko at alam na niya yung identiy ko? What if kung Police siya oh Detective? Patay ako nito kung isa doon yung identity niya!
"H-hindi ako spy noh..." I denied.
Ngumisi siya sakin then pinakita niya yung maliit na papel na may nakalagay na 'spy' sakin.
"No need to deny it. Either you admit it or not, hindi mo ako maloloko. Spy ka. Nakaipit itong hair clip na ito sa papel na ito at dahil sayo yung clip na yon, malaki ang chance na ikaw ang spy" At ngumisi muli siya sakin.
Kumabog ang dibdib ko. Shit. Bakit ba ako minamalas ng ganito?
Dahil sa pag-aakala kong Police siya oh Detective dahil sa way ng pagsasalita niya, lumuhod ako sa harapan niya to beg.
"Oo na. Spy nga ako. Pero please.....kung Police ka man oh Detective, wag na wag mo akong isusumbong sa kanila kasi hindi ko pa naman kilala yung Mafia eh" I begged.
Tinayo niya at pagkatapos non, tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Dont worry. I dont do that. Paano ko gagawin yun sa kakampi ko?" sabi niya.
Napakunot ako ng noo. Kakampi niya ako?
I widened my eyes ng ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
MAFIA GAME
Bí ẩn / Giật gânMasayang bakasyon lang naman ang pinlano ng magkakaibigan sa isang island resort ngunit nang dahil sa isang LARO... Ang inakala nilang MASAYANG BAKASYON ay nabahiran ng DUGO... Are you ready to face the consequences when you play the...MAFIA GAME? A...