FLIGHT 2

140 3 0
                                    

“Ay jusme!”

Napatigalgal ako ng makita ko ang nasa loob.

Jusme! Isang lalaki’t babae na naghahalikan na parang wala ng bukas!

Nakababa hanggang kalahati ng hita ng lalaki ang kanyang pantalon habang bukas ang butones ng kanyang polo, at yung babae naman ay nakabra at skirt na lamang. Jusme!

Panay ang kiskisan ng kanilang katawan. Kulang na lamang ay maging conjoined twins sila. Patuloy lang sila sa ginagawa nila- tuloy ang halikang parang wala ng bukas.

Maya-maya ay napansin na yata ako ng dalawang nilalang.
“Ano Miss,” nagsalita si lalaki at tumingin sya sa name tag ko, “Wright,are you just going to watch there!? Go away!” pabagsak nya pang isinara ang pinto.

Namutla ako at hindi na nakapagsalita pa, umalis na lamang ako sa bukana ng banyo.

Ang kapal naman ng mukha ng lalaking yon! Pinagbagsakan ba naman ako ng pinto!? Isa pa ay labag sa regulasyon ang ginagawa nila!

Bumalik na ko sa economy class.

Nakasalubong ko si Ate Khar.
“Luna,ayos ka ba?” nag-aalalang tanong ni niya, “namumutla ka yata?”

“H-Ha? Lagi naman akong maputla, ate. T-tsaka ano, okay lang ako” pag-aasure ko.

Bigla na lang may dumaang lalaki at babae sa harap namin—yung mga malalaswang nilalang! Nauna na sa paglalakad ang lalaki at pumunta sa pinakaunang class ng cabin—huh!? First class?!

[First Class] —passenger seats located at the rear, which is the most expensive and has the most comfortable accommodations available.

First class!? Dumayo pa ng make out sa lavatory ng economy class!? Walang class kamo!

Yung babae naman ay malanding ngumiti pa sa lalaki at tsaka pumunta sa business class.

Pakiramdam ko ay namutla pa akong lalo dahil pumasok sa utak ko ang eksenang nakita ko kanina. Dinungisan nila ang utak ko! Magsusumbong talaga ako sa management pagkalapag nitong eroplano! Naagaw ang pansin namin ni Ate Khar ng nagsasalita sa speaker.

“Flight attendants, prepare for landing please.”

“Sige, alalayan mo na sila” sambit ni Ate Khar.

Sa awa ng Diyos ay nakalapag kami ng ligtas at maayos-bandang tanghali kami lumapag sa BBH Airport.

Pagbaba sa Airport ay agad kong hinagilap ang management ng BBH Airlines dito sa Cebu.

*knock knock knock
Kumatok ako ng tatlong beses.

“Come in!” tinig mula sa loob.
Pamilyar ang tinig pero inignora ko na lamang ito.

*creak
Binuksan ko na ang pintuan.

“Good aftern-,” naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang nasa loob.

“Ikaw!?”

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon