FLIGHT 6

83 3 0
                                    

KINABUKASAN,

“Hmmm…” naramdaman kong may umaalog sa akin, “hmmm? Gusting maaga pa ah.”
May saltik talaga tong kapatid ko. Panira ng tulog -_-

“Hey,wake up. Mind you I’m not Gusting. Who's that?” mausyoso masyado ampo >.<

Akala ko ay ang kapatid kong si Augustine ang gumigising sa akin.Wala nga pala ako sa bahay namin.

Kinusot-kusot ko ang mata ko at inaninag ang nasa harap ko. Naaninag ko si Levi. Nag-init ang ulo ko. “Punyeta ka! Wala pang alas otso ah! Alas tres pa lang! maaga pa.”

“Tsss! Di kita napalo sa pwet kagabi diba? This is my revenge. Make my breakfast and stop calling me punyeta,Luna.” Utos nito.

Dumiretso ako sa malawak nyang banyo. Naghilamos ako at nagmumog. Paglabas ko ng banyo ay nakaupo na si Levi sa kama, “Sarapan mo ang luto ah” utos nya.

“Ginagawa mo nakong alila ah” ungot ko rito. Kung si Miss Leevie ang may-ari ng bahay ay papayag akong magpaalila, pero dito sa hinayupak nato? HINDI

“Choosy ka pa? Di ka naman nagrerenta sa bahay ko ah?”
Binusangutan ko lang ito at bumaba nako sa kusina.

Ang ganda ng kusina—malinis at malawak. Wala bang maliit na parte ang bahay nya?

Sinimulan ko ng magluto at magsaing. Pagdating ko sa dining ay nakaupo na sya roon. Inilapag ko na ang sunny-side-up egg at kanin,kumuha na rin ako ng malamig na tubig sa ref.
“Ano to?” nakangiwing aniya.

“Breakfast mo. ” nakangiti kong sambit.

“Kanin ba‘to o lugaw? Tsaka bat ganito itong sunny side up mo? Nadeform yung yellow part ng itlog.”

“Dami mong dada tikman mo na lang…” Nalukot ang ilong ko sa dami ng angal nya.

Sumubo sya ng isa, “Ugh! Hindi masarap ang lasa! May lason ba‘to?”

“Dapat kasi ikaw ang nag-luto,”  bara ko.

“Paano ka naging F.A sa lagay nayan? Hindi ka marunong magluto.”

“Fyi, F. A. ako hindi cook.”

Bumalik nako sa lababo at hinugasan ang ibang utensils na nagamit na.Sumunod naman si Levi, bibit ang pinagkainan nya.
“Bakit ganyan ang suot mo?” nakakunot ang noong aniya.

“Okay naman ang suot ko ah?” napatingin ako sa suot ko—wala namang mali.

“Masyadong maikli” nakangiwing aniya.

“Bakit, concern ka?” asar ko rito.

“Tss! may kapatid rin akong babae kaya ako concern.”

“Ano bang problema kung maikli ang suot ng babae ha? Kayo lang naman ‘tong manyakis eh,” pagtataray ko rito.

“There are boys kase na mali ang pag-iisip,you know, you need to think like how they think para makaiwas ka.May ilan kasi na pag nakakakita ng babae eh inaatake ng kademonyuhan at kamanyakisan. Pano pa pag maikli ang suot ng isang babae? Kaya wag kang magsusuot ng ganyan,maraming manyakis.”

“Isa kana ron,” asar ko rito.

*Bam
Nagulat ako ng tumama ang palad nya sa pang-upo ko.
“Paninirang puri yong ginawa mo. ” nakangising aniya.

“Punyeta ka! Punyeta ka!” Pinaghahampas ko si Levi hanggang maout of balance sya sa sahig at mapaupo dahil sa kapipigil sa hampas ko.

Napangiwi sya habang nasa lapag, “No violence please. “

“Punyeta, manyakis ka kasi!” Itinuloy ko lang ang pagpapaulan ng hampas dito. How dare you slap my ass, hmp!

Tuluyan na syang napahiga sa sahig,ganon na rin ako. Pilit nyang pinipigilan ang kamay ko sa paghampas. “Y-You are so violent, Luna”

Dinaganan ko si Levi. Umupo ako sa may bandang tiyan nya. Iniumang ko ang kamay ko at umaktong sasakalin sya.
“Kakatayin na kita,” malademonyita kong sambit.

Sasakalin ko na sana talag si Levi ng magulat ako ng may biglang sumigaw. “My God,Levi!” napalingon ako sa pinanggalingan nito. Nakita ko ang mama ni Levi. Kasama rin nito si Ms. Leevie at ang mga kasambahay at driver nito.

“So cheap!”, maarteng komento ni Miss Leevie, “Why naman sa sahig naglalandian? Low budget ba,dear? You have a huge kama naman ah?”

“My God,Levi! Gusto ko na magkaapo sa inyo ni Luna but please! Kasal muna!” umaktong na-iistress ang mama ni Levi.

Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi ng mama ni Levi. Isa pa ay dahil sa maraming nakakita samin. Baka kung anong maling impresyon pa ang makuha nila. Agad akong umalis sa ibabaw ni Levi,
“Kasalanan mo to” sinamaan ko ng tingin si Levi na bumabangon pa lang sa sahig.

“Excuse me,my fault? Nanaman?” kunot noong tanong nya, “Napakahilig mong manisi.” Sinamaan ko lang sya ng tingin.

Humarap ako kina Ms. Leevie at sa mama nito. “B-bakit po ang aga nyo Ma’am—Tita?” Muntik ko ng makalimutan ang bilin nya na tawagin syang tita.

Si Miss Leevie ang sumagot, “Oh! We will surprise Levi sana because of his kaarawan, pero kayo pala ang may surprise!”

Napalingon ako kay Levi, “B-birthday mo?” sa palagay ko ay August five ngayon.

“Yes,Luna. Thanks to you, muntik pang ito ang maging last day ko. Nice gift.” Nginisian ako nito.

“Sorry na…” paghingi ko ng paumanhin dito. Naguilty naman ako na pinagtangkaang sakalin at pinahahampas ko sya ng walang awa habang birthday nya.

“Tsss!” nagcross arms lang sya.

“Luna!What’s your regalo to kuya?” conyong tanong ni Miss Leevie.

“Manners ehehe” pamimilosopo ko.

“Akala ko ba nagsosorry ka ha?” pagtataray ni Levi. Biro lang naman. To naman.

“Tita, bat andami nyo naman hong dala?” usisa ko sa mga eco bags na dala nito.

“Oh,we’ll cook it para sa birthday party ni Levi,Iha”

“Mom,I told you, ayoko ng parties—I'm allergic to parties.”

“Masyado ho yatang marami yang pinamili nyo. Dapat ho yata ay binili nyo na rin yung grocery store,” biro ko pa.

“Why would we buy it naman, Luna? Eh amin naman talaga yung grocery store?” maarteng sabi ni Miss Leevie.

Napaawang naman ang labi ko. Speechless na naman akes.

Tinulungan ko na silang maghanda sa kusina habang nasa salas naman si Levi.
Andami nilang niluto—oo, sila lang, di kase ako masarap magluto eh.

“Formal o casual party po ba ang gagawin nyo tita?” pag-uusisa ko.

“No,Iha. Casual will do. Levi doesn't like parties, but a simple one will do naman siguro.”

Pagsapit ng tanghali ay maayos na ang venue—isang party sa malawak na likod-bahay ni Levi.

Nung mag-ala una na ay nagsidatingan na ang mga bisita.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon