FLIGHT 1

179 4 2
                                    

"Ladies and gentlemen, the Captain has activated the Fasten Seat Belt indicator. Please place your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin if you haven't already done so. Please take a seat and buckle up your seatbelt. Please double-check that your seat back and folding trays are fully upright," nagtuloy-tuloy lang ang boses sa speaker, "and please don't hesitate to ask one of our flight attendants any questions you may have concerning our flight today. Thank you for your consideration."

Nagsimula nakong magrecite ng passenger service and safety announcements.

Pagkatapos ay nag-uli ako at tiningnan kung komportable ang bawat isa. Isa ito sa tungkulin ng F.A's, kailangan ay komportable ang bawat pasahero. Dahil nga bago pa lamang ako sa pagiging F.A ay kailangan ko munang magsimula sa ibaba o economy class. Nung nasa huling row na'ko ng economy class ay may tumawag sa'kin.

[Economy Class]-the most simple class, with the fewest amenities.

"Excuse me, Miss. Can you please help me put my bag away?" pakiusap ng lola sa akin.

"Oh sure, Madam." Magalang kong ani at inilagay na ang bagahe nya sa overhead bin.

[Overhead bin] - a compartment hanged from the ceiling for the passengers' hand-carried luggage.

"Any other problems, Ma'am?"

"Ah wala na,iha." Naiiling na natawa na lamang ako. Nakakapag tagalog naman pala si Lola eh.

Ipinagpatuloy ko na ang pag-uuli ko. Sa eroplanong ito ay may kulang-kulang isang daan na pasahero habang dalawa kaming flight attendant. Bale,kada 50 pasahero ay may isang flight attendant na nakatoka.

Imagine kung pano namin maiaaccomodate yung lahat ng pasahero? But it's our pleasure to serve the airline and the passengers naman.

Nung nakabalik nako sa unang row ng economy class ay talagang tumigil pa ako para ngitian si Ate Khar. Iilan lamang ang ka-close ko sa airline. Isa na rito si Ate Kharylle, o Ate Khar for short. Magkakalahating taon na sya dito sa airlines. Naka-assign sya sa business class.

[Business class]-an airline class above economy class with upgraded amenities, service, and seating.

Mabuti na lang at sya ang kasama ko sa flight na ito. Kahit na hindi ko naman sya nakasama sa training ay agad ko parin syang naka-close. Madali lang kasi syang lapitan-approachable ika nga. Halos lahat naman ng F.A's ay dapat talagang maging approachable. Bawal ang snob pero dahil likas na mahiyain ako at isa pa ay nagsisimula pa lamang ako kaya naman kakaunti pa lamang ang kaclose ko.

"Any problem, Luna?" matamis ang ngiting tanong ni Ate Khar.

"Wala naman, Ate Khar," ngumiti ako para ma-assure sya sa sinasabi ko.

Mahalaga rin sa pagiging F.A ang pagiging maalam sa Ingles. Matututunan mo naman ito kapag pinagtuunan mo ng pansin. Ngunit dahil kaming dalawa naman ni Ate Khar ang magkausap ay tagalog na lamang ang ginamit ko.

Sa ngayon ay mayroon kaming National flight. Isang flight mula Manila patungo sa Cebu. Sa tantya ko ay aabutin kami ng isa't kalahating oras bago lumapag ang eroplano.

Matagal ko ng pangarap ito-ang maging isang Flight Attendant, isa narin sa kagustuhan ko ang makarating sa Cebu. May internet friend kasi ako roon at naikwento nyang maganda at maraming mapapasyalan sa Cebu.Isa pa ay madalas na magpunta o magconcert ang mga Koreano roon. Sana'y makita ko rin ang k-pop idol group ko roon. Minsan na kasi silang pumunta sa Cebu.

Lumipas ang oras...
Sa ngayon ay isang oras na kaming sakay sa eroplano.

Nag-uli muli ako upang icheck ang mga pasahero. Siniguro kong maayos ang mga pasahero.Kailangan namin silang maibyahe ng ligtas at maayos-Safety always comes first!

Nakita ko naman na maayos sila. Wala namang kakaiba o dapat ikabahala.

Paglagpas ko sa last row ng economy seats ay papalapit na ako sa lavatory o banyo. Titingnan ko kung malinis ba ito.

Nakita kong vacant ang nakalagay sa sign-ibig sabihin ay walang tao roon sa loob, kaya maari akong pumasok upang icheck ito.

"Hmm~~ mmm~~ ahh~~"
Kinilabutan ako-nagsitaasan ang balahibo ko.

Kahit pa alam kong may pagkabingi ako ay alam kong sa loob ng banyo nanggagaling ang tunog. Ngunit kung vacant ito ay bakit may tunog na nanggagaling sa loob nito?

t-teka, a-ano yon? M-may mumu ba rito? Hala,baka may nagmumultong pasahero rito!? Tanong ko sa isip ko.

Hindi pwede iyon! Napatakip ako sa bibig ko.

Baka wala syang passport at airfare ticket!? Bawal 'yon! Biro lang.

Kumatok ako at nagwika ng, "Is there anyone inside?"

Walang sumagot kaya dahan-dahan ko ng binuksan ang pintuan.
*creeeak

M-mama sana talaga walang multo rito. Napasign of the cross na lamang ako.

Tuluyan nang bumukas ang pinto-

"Ay jusme!"

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon