FLIGHT 16

58 3 0
                                    

September 16,

Maaga akong gumising ngayon, ipagluluto ko kasi si Levi.Sa bahay namin sya natulog.Ipinaglatag sya ng banig doon sa may salas.Hindi kasi sya kasya sa sofa naming gawa sa kahoy. 6 footer ba naman eh.

Habang nagluluto ako ay napansin ko ang maliit na kalendaryo na nasa ref na katabi lang ng kalan.

September na ngayon pero nasa August pa ang pahina.
Minarkahan ko ang tatlong date sa buwan ng agosto.

“Good morning,Luna...”
Halos mabitawan ko ang hawak kong sianse dahil sa gulat ko ng may yumakap sa likod ko.Pinalo ito yon ng sianse.

“Aw! Ouch!” Ang arte,malayo naman sa bituka.

Hinarap ko si Levi,“Alin ang masakit?—papaluin ko ulit. “

“Ito oh” tinuro nya ang labi nya.“Masakit kulang kasi sa kiss.”

Iniumang ko ang sianse,“Hatawin kita ng sianse dyan eh” tumalikod na ako kay Levi.

“Anong ginagawa mo dyan? Bakit nasa August pa yan?” puna nya sa kalendaryo.Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko at niyakap ako. Bale nakayuko sya dahil maliit ako lang ako.

“Natatandaan mo ba kung anong meron dyan sa dates na may marka?” I asked.

“August 4, August 5,August 17?,” tumigil sya sandali.“What’s up with those?”

“August 4 ako tumira sa bahay nyo,August five-”

“Birthday ko and August 17, you are officially mine.” Dagdag nya.
Napangiti ako. Alam ah.

Inilipat ko na sa September ang kalendaryo at bumalik na ako sa kalan. September 17 na bukas, mag-iisang buwan na kami ni Levi. Monthsarry na namin bukas!

Sinilip nya ang niluluto ko,“Itlog ulit? Yan lang ba ang alam mong lutuin?”

Namaywang ako,“Bakit sawa kana?

“Paano na lang pag mag-asawa na tayo? Pupurgahin mo ko ng itlog?” ‘Pag mag-asawa na tayo’ sarap pakinggan.

Pinaglapat nya ang noo namin,“Tandaan mo ‘to,Luna.Pwede akong magsawa sa luto mong itlog pero hindi sayo.NE-VER.”

Lumabi ako,“Magsasawa ka talaga sa luto ko?”

Tumingala sya at umaktong nag-iisip,“Maybe,” humaba pa ang nguso ko. “araw-araw puro ka itlog tapos nadedeform pa yung yellow part ng Sunny side up egg mo” dagdag nya.Napatungo ako.I know that I’m so bad at cooking.

Pinatingala nya ang baba ko, “Di bale, kapag nagsawa ako sa luto mo, ikaw na lang ang kakainin ko.Rawr!” umakto pa syang mangangalmot.

Biglang dumaan si Papa, “Aba’y Ineng di mo naman sinabing cannibal pala ang bopren mo.” wika ni Papa.Hindi lang halata pero hindi na sya masyadong against samin ni Levi. Nakahuma na siguro sa shock kahapon. Pumasok na si Papa sa salas.

“Yung Papa mo mas pakipot pa sayo” natawa naman ako sa biro nya.

“Ikaw Levi ha.Baka marinig ka ng Papa. Mabuti pa ay maligo ka na.” Pupunta kasi kami sa Cebu ngayon.Ngayon ay hindi muna ako magkakaroon ng flight.Next month daw ulit. Si Levi kasi ay ikinuha ako ng leave. Ke babago-bago ko pa lang naka-leave agad haist! Levi’s Power

“Join ka,you want?” alok nya.

“heh!” singhal ko.

“Para kang tumanggi sa grasya!”

— — —

Noong unang araw ni Levi rito ay nasugatan sya—Aug 18.Tanghali na noon sabi nya ay gigigsingin nya ako pag magtatanghalian na pero nakatulog rin pala ang gago.Nakadantay pa ang hita nya sa hita ko pagkagising ko. Maingat kong inalis yun at nag tungo sa kusina.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon