FLIGHT 22

56 3 0
                                    

“Nak,birthday mo tapos malungkot ka... aba,mag dapat celebrate tayo ng sumaya ka!” inakbayan ako ni Papa papasok sa balkonahe namin.

“Augustine,bumili ka nga ng alak at tsitsiriya pampulutan!” utos ni Papa sa kapatid ko.

Naiiyak na yumakap ako kay Papa, “Pa...”

Nakabalik na ang kapatid ko.Kumuha sila ng silya at mesa sa kusina at inilagay sa balkonahe.

“Hoy, Mister. Ano’t tinuturuan mo rin yang mag-inom!” pumunta si Mama dito sa balkonahe.

“Malungkot ang anak mo kaya ating ipapa shot puno, tsaka ngayon lang naman ‘
to” tumagay si Papa.

“P-pa...nangako siya sakin, sabi nya icecelebrate daw namin yung birthday ko ng magkasama...” Pinigilan kong mapaiyak. Uminom ako ng alak.

Naupo rin si Mama pero hindi sya umiinom.

“Oh eh, ano naman?” si Mama talaga ang boss sa bahay.

“Ma,once a year lang ang birthday ko.” Tapos hindi pa sya dumating.

“Edi icelebrate nyo ulit-belated celebration.Marami pa namang okasyon na paparating yun na lang ang icelebrate nyo ng magkasama.”

“Kagaya ng ano ho?”

“‘Yung araw ng mga patay sa November 1 icelebrate nyo ng magkasama” biro ni Mama.
“bisitahin mo ang puso nyong patay na patay sa isat-isa” nagfinger heart pa si Mama.Loka talaga. Natawa na lang ako.

“Eh nakalimutan nya nga po yung birthday ko eh,patay na patay ba yun?” kontra ko at uminom. Ang kapatid kong lalaki ay tumatagay din habang nag-e-ml.

‘An enemy has been slain!’ Parang yung puso ko langs? Lasing na yata ako. Kung anu-anong naiisip ko.

“Oh,edi patayin mo sya para maicelebrate nyo yung November 1 ng magkasama, kaso nga lang ay nasa ilalim na sya ng lupa noon.” sambit ni Papa.

“Pa!”

“Uubusin lang natin ang isang bote tapos ay tama na.Tanga tanga ng gagong putang ina mong boypren, kita namang iyakin ka ginaganyan ka pa.I-break mo na yon” pinunasan ni Papa ang luha ko.

“Balak ko naman naman po talaga.”

“Hoy, Mister.Kung anu-anong tinuturo mo sa anak mo!” pinanlakihan ni mama ng mga mata si Papa.Alam na kung saan ako nagmana. “Ayusin nyo yan bwantot! Kausapin mo bukas yung boypren mo!” pumasok na si Mama sa loob ng bahay.

Inubos namin ni Papa at ng kapatid kong lalaki ang alak.

KINABUKASAN,

Nagmamadali akong bumangon.Parang hinahalukay ang tiyan ko.Si Papa at ang kapatid ko ay nagkakandasuka rin sa banyo.

Sinilip kami ni Mama,“Ayos ah.Ano yan father and children’s goals? Sabay-sabay susuka pagkatapos magpakalasing sa alak.” Umirap si Mama.

“Ipagluto mo yung boypren mo tapos ay kausapin mo.Shoshota-shota mo tapos ibebreak mo ng hindi pa kayo nagkakalinawan? eh kung ibalik kaya kita sa sinapupunan kong bata ka! Hindi kita pinalaki ng ganya.” sermon ni Mama.

Dumiretso ako sa balkonahe namin. Nakita ko ang langit.
“Tsk! Yung love nya raw ay parang buwan. Eh pano yan, umaga ngayon. Walang buwan.” Does that mean wala na rin ang love nya?

“Arte mo, ate.Hindi mo lang naman nakikita pero nandyan parin naman ang buwan.” Sabat ng kapatid kong si Augustine.

Napatanga ako,“ha?”

“Ate,his love is like the moon!” ano bang punto nito? “You know, may mga gabi na hindi mo nakikita ang buwan, but it's still there. And syempre sa umaga, you can't see it, but it is still there. So his love, just like the moon, can't be seen, but it's always there!” napamaang ako.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon