FLIGHT 12

63 4 0
                                    

“Luna? Luna?” kinapa ko sya sa tabi ko, “Flat? Moonshine?” napadilat nako ng wala akong makapa.

“Shit!” agad akong bumaba sa kusina.

“Leevie?” nadatnan ko syang nagkakape.

“Where’s Luna?” tanong ko.

“Oh, Ate Luna?” umakto syang nag-iisip “Di ba may work sya? Maybe nasa airport na sya?”

Nanlaki ang mata ko,“What the fuck!?”

Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko kahit hindi pa ko nakakapag-ayos pagkagising.

Pagdating ko sa garahe ay bumungad don si Leevie.

“Kuya where ka pupunta?” usisa nya.

“To My Moon” sagot ko at pumasok na sa kotse.

Biglang bumukas ang pinto ng kotse sa kanan—pumasok pala si Leevie,“Oh, me is sasama.” Paliwanag nya.

Pinsibad ko na agad ang kotse ko papunta ng BBH Airport.

“Where is Luna?” tanong ko kay Leevie sya kase ang nag-asikaso kung saang flight at eroplano naka sched si Luna.

“She’s nasa plane LC0008”

Agad akong pumunta sa sinasabi nyang plane.

Nakita kong papakyat na si Luna sa eroplano,“Luna!”

“L-levi?” nanliit ang mata nya. Kinikilala kung ako nga ang nasa harap nya. “Levi!” agad syang bumaba.

“Where the fucking fuck are you going to?” namulsa ako sa shorts ko.

Tinampal nya ang bunganga ko,“Levi masama ang magmura.” Pangaral nya.

“Kuya mag go go home na kase sya sa Manila—her pamilya lives there, atsaka her paboritong K-pop band is may concert in Manila right now.” Paliwanag ni Leevie.

“Pamilya pala eh,” sambit ko. “Pwede naman tayong gumawa ng sarili nating pamilya ah,” baling ko kay Luna.

Luna’s POV

“Luna, umuwi ka na sa bahay ko.” paawa ni Levi.

“Levi, kailangan ko ng sumakay sa eroplano, magtatrabaho pa ko at uuwi.” Pagpapaliwanag ko.

Nag walk out lang si Levi.

“Oh,I’ll sunod to Kuya na” sambit ni Mareng Leevie. “Bye” kumaway sya papaalis.

Sumakay na ako sa eroplano at nag-ayos na kaming apat na F.A’s na naka assign sa plane LC0008.

Bigla na lang nagring ang phone ko. Nakalimutan ko palang i-airplane mode.

Unknown Calling...

Sinagot ko ang tawag dahil baka mahalaga. “Ate Luna...” narinig ko ang boses ni Miss Loryelle.

“Loryelle?” paninigurado ko. “Magte take off na kami maya-maya, bakit?” pagmamadali ko.

“A-ate Luna...” base sa boses nya ay parang kagagaling nya lang sa pag-iyak. “Si kuya...” Pumalya ang tibok ng puso ko.

“H-ha? A-anong meron!?” Kinakabahan ako.

“Ate si Kuya inatake kanina...” pinanawan ako ng dugo sa katawan, pakiramdam ko ay nanlalambot ako.

“N-nahihirapan syang h-huminga due to alcohol use. *sniff Alam nya namang bawal dahil sa asthma.” sumisinghot-singhot na paliwanag nya.

Agad ko ng pinatay ang telepono.

“Emergency! emergency! Please let me out.” ani ko sa intercom na connected sa piloto. Dahil si Lorenz ang piloto ay nakalabas pa ako bago lumipad ang eroplano.

Agad akong umuwi sa bahay ni Levi.

Nadatnan ko syang nakahiga at may nakakabit na oxygen.

Levi’s POV

Nagulat ako ng may pumasok sa kwarto, pero mas nagulat ako ng makita kong si Luna yon.

“Luna?” ani ko.

Agad syang tumakbo papalapit sa akin.

“Punyeta ka! Punyeta!” Mahinang binayo nya ang dibdib ko.

Bigla na lang syang humagulgol.
“Alam kong masama ang magmura, pero punyeta ka!” Samang sama siguro ang loob nya sa akin kaya hindi nya na napigilan pang magmura.

“Bakit ka uminom ng alak eh bawal nga!? Paano na lang kung napano ka!? Paano kung naubusan ka ng hangin!?” humihikbi-hikbing aniya.

“Paano ka!?” Tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha nya. “P-paano ako?” yumupyop sya sa tabi at nag-iiyak.

“Shhh My Moon, tahan na...” pag comfort ko sa kanya.

“Because of what happened ,I already tested if you’ll chose those Korean over me...” biro ko.

“Punyeta! kung pinili ko ba sila ay bababa ako sa flight ko pauwi ng Manila ha?!” ansama ng tingin nya sa akin. Ang pula-pula na ng mata nya. “Hindi lang kita pinili over those! pinili rin kita over my family tapos ganyan ka lang kagago ha!” sigaw nya.

“Sorry na...”

“Heh!” Inirapan nya lang ako at nagpunas ng luha nya gamit ang braso nya.

“Shit! ayaw mo pa kong patawarin I can’t breathe” umarte akong di ako makahinga.

“Levi hindi ako natutuwa sa biro mo ha! Nakakapagbiro ka pa! Paano kung napano ka ha!? Alam naman kasing may hika eh!” Umiyak na naman sya.

“Okay lang naman ako” pinunasan ko ang luha sa mata nya.

“Anong okay ka? eh may nakakabit nga sayong oxygen concentrator! Punyeta ka!” binayo nya na naman ang dibdib ko.

[Oxygen concentrator]—a device that takes oxygen from the room, concentrates it for therapeutic use, and removes other naturally occurring gases.

*sniff  “Namaalam na ko kina Mama, sabi ko ay hindi muna ako uuwi,” paliwanag nya. “Ang sabi naman nila ay okay lang daw kase malaki naman na daw ako, basta mag-ingat lang daw ako,” dagdag ni Luna.

“Parang hindi ka naman lumaki eh” asar ko.

“Heh!” pinanggigilan na naman nya ang ilong ko.

“Hindi ako makahinga.”

“H-ha?” tinanggal nya ang kamay nya sa ilong ko. “O-okay na?” I smiled.

“I love you,My Moon...” I said, out of nowhere. Namula ang mukha nya.

“A-ano... magluluto muna ko”
Ang cute nyang mailang haha!

“Sarapan mo ha! Yung kasing sarap ko!” biro ko.

“Heh!” at isinara nya na ang pinto.

Ang sarap magkasakit pag may Luna na mag-aalala.

Hanap ka na rin ng sayo haha!

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon