FLIGHT 13

68 3 1
                                    

Nandito kami ngayon sa balcony ng kwarto ni Levi. “Luna...” pagtawag nya.

Nilingon ko sya at pumalumbaba sa harap nya. “Hmm?” pinisil nya ang ilong ko.

“Gusto mong mamasyal sa Mall?” pag-aaya niya.

“Ay! Sige!” bumaba na kami kaagad at pinasibad nya na ang kotse nya.

Sa Isla lang kasi nina Lorenz nya ako iginala.Na-eexcite akong makapag Mall naman!

Pumasok kami sa Game section ng Mall. Nakuha ng claw machine na puno ng stuffed toys ang pansin ko,“Ang cute nung stuffed toy” tukoy ko sa cat na stuffed toy, parang si Luna-yung pusa ko. Inilapit ko ang mukha ko sa glass ng claw machine. Ang cute nung pusang stuffed toy!

“Gusto mo?” tanong ni Levi.

“Uhm...”sagot ko at sinabayan ng mabagal na pagtango “Pero mas gusto kita” dagdag ko.

Lumabas ang nakaka-fall na smile n’ya,“Tss! nahahawa ka na sakin.” nag-iwas sya ng tingin na may namumulang tenga.

Bumalik ang tingin nya sa akin, “Gusto mo pala ako,eh bat di mo pako sagutin?” biro nya.

“Sagutin?” tanong ko. “Bakit, ano bang tanong?” biro ko.

“Tsk! Wag na, baka pag tinanong kita ay di ka masagot” maangas na sabi nya at sinamahan pa ng irap.

Sinimulan ng laruin ni Levi ang machine. “Bakit ba ganito ‘to?” napipikong aniya. Simangot na simangot ang mukha nya.

“Haha! Sabi ni Papa scam yan. Wala ka daw makukuha dyan. Dati sa ganyan nauubos ang token ko eh. Pero nakita ko soc med na may teknik, DAW”

Na-fufrustrate na hinagod nya ang buhok nya nang wala syang makuha sa machine, “Tsk!” Sinipa nya ang machine.
Hindi naman ako nangangamba kung sakaling masira yung machine—sa yaman nya ay pwede nyang mapaltan yun. Kahit ilang machines pa. Ang pinangangamba ko ay baka masira ang ulo nya dahil sa pagka-frustrate sa machine.

“Ano, suko ka na? o gagayahin mo si Ivan Lee,bibilhin mo yung machine para sakin?”, biro ko.

“No,” sumimangot ang mukha ko. Di man lang nakisakay eh no. “I’ll buy the mall.” Seryoso nyang sabi. Namilog ang mata ko. Competative amp.

Inabot kami ng ilang oras sa paglalaro ng claw machine pero hopia, bokya, wala!

Dumiretso na kami sa isang Fast Food Restaurant.

Sumubo ako ng isa, “Grabe ang sarap ng float” sambit ko.

Umimik si Levi,“Mas masarap ka. Wag kang papatalo.” Napa-hang ang kutsara sa bibig ko. Agad naman nyang kinuha ang dapat isusubo ko at sya ang kumain,“Masarap nga,” komento nya sa float.

“Kutsara ko yan eh! May laway ko na yan!” reklamo ko.
Nang-aasar na kumuha sya ulit sa float ko at sinubo nya ulit yun sa bibig nya. Float ko yun eh! T^T Ngayon ay yung float na ang naiisip ko, hindi na yung kutsara.

Bigla ko na lang naisip. “Levi, kailan mo ko nagustuhan?”

Ngumiti sya ng matamis. “I don’t know,basta napansin ko lang na blooming ka sa mata ko. Just like the lyrics that Leevie once heard and she calls jeje “Mahal kita hindi dahil maganda ka kundi mahal kita kaya maganda ka. I just thought about it.Gumaganda ka sa mga mata ko—maybe Mahal na kita, hindi gusto lang.”

“Galing bumanat ah” komento ko.

“Sagpro eh.” Pang-iimitate nya sa line ng rapper.

Sandali syang tumahimik pagkatapos ay nagsalita,“I once got jealous over Lorenz. When I slept I woke up na nag-aasaran kayo—You even called him manyakis,” nalukot ang matangos n’yang ilong. “Gusto ko tayo lang. Ako lang ang pwede mong kaasaran.”

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon