FLIGHT 9

71 3 1
                                    

“Hey!Luna,wake up!” Hindi pa rin sya gumigising kaya pinalo ko na sya sa pwet, “Luna!”

“Punyeta! Bakit ba!?” Para na naman syang tigre, haha!

“Ipapasyal kita ngayon di ba? Ayaw mo yata eh?...” Umakto akong papaalis na.

Bumangon na sya mula sa kama ,“W-Woy sandale…” Ngayon ay mukha na syang maamong pusa, “Pwede ko bang isama si Luna?” sakto namang nag meow ang pusa.

“No,kung isasama mo sya itatapon ko sya mula sa chopper.”

[Chopper]—just a casual word for the heavy technical machine known as the “helicopter.” They sometimes differ in their use. Helicopters for the military and choppers for personal use.

“Chopper!? Magcha chopper tayo!?” namilog ang mata nya.

“Pwede namang ako na lang, tapos maglakad ka. Sundan mo na lang yung chopper mula sa taas” asar ko sa kanya.

Pinanlisikan nya ako ng mga mata ,“Maliligo na ko. “

“Niyaya mo ba kong sumama?” binato nya ko ng unan sa mukha.

Limang minuto pa lang ang nakalilipas ay lumabas na sya.
“Naligo ka ba talaga o nagwisik lang?” pang-aasar ko rito.

“Naligo ako oy!”

“Paamoy nga!” nalukot ang ilong nya, “Maligo ka na rin dalian mo ah!”

“Inuutusan mo ba ko?” kunwaring masungit kong sabi.

“Pleeeease…” Nagmamakaawa ang mata nya.Sinabayan nya pa ng pagdaop ng palad nya at pag nguso. Naligo na rin ako at pagkatapos ay kumain kami ng almusal.

— — —

“Ay grabe, first time ko ‘to!”mukha syang batang nagkaroon ng bagong laruan, “Grabe!” tuwang-tuwa sya sa chopper.

“San tayo pupunta?” tanong nya nung nasa ere na kami sakay ng chopper.

“You’ll know it later.”

Nag-uli ang paningin nya sa chopper at tumigil sa harap.

“Bakit pamilyar sakin yung piloto?” usisa nya.

“It’s Lorenz.”

“Pareng Lorenz, baka naman! Palightstick ka naman! ” tinawanan lang sya ni Lorenz.

“Matutulog muna ko ha? Gisingin mo ko mamaya…” bilin ni Luna.

Hinayaan ko lang syang matulog.
Ang cute nyang matulog para syang maamong pusa.Isinandig ko ang ulo nya sa braso ko—hindi kasi umabot sa balikat ko ang ulo nya. Masyado kasi syang maliit, haha!

“Bud,Is she your girlfriend?” biglang tanong ni Lorenz.

“No.”

“No or not yet?” tanong nya at saka tumawa ng nakakaloko.

I groaned, “Stop it,Lorenz.” Pero sa loob loob ko ay natatawa rim ako.

Nakangiting natulog na rin ako.

Luna’s POV

Nagising akong nakasandig sa kung saan.Tiningala ko kung saan… kay Levi lang pala.

Hindi ko maiwasang tingnan ang mukha nya. Gwapo naman talaga sya kaso lang ay manyakis, mayabang pa at bossy -_-

Hindi sinasadyang napatingin ako sa Adam's apple nya—nyeta! Ang tambok! Hinipo ko ito ng dahan-dahan…

“Para kayong tanga…” Napapitlag ako at tumingin kay Lorenz.

“Ikaw Lorenz ah! Naku! Kung di lang ako umaasa na bibigyan mo ko ng light stick, hindi ako magiging mabait sayo!”

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon