FLIGHT 8

73 3 0
                                    

(3rd day, 10:00 a.m.)

Levi’s POV

“Achoo!! Achoo!!” I woke up sneezing because my nose felt irritated.

“Luna?” walang tumugon kaya kinapa ko ang nasa tabi ko, “Hmmm? Luna…Luna…Flat…?” napamulat ako ng wala akong makapa sa tabi ko.

“Luna? Luna?” nag-uli sa kwarto ang paningin ko, “Flat asan kana?” I don't think that she's out of the house.

Umakyat ako sa kisameng pinagtaguan ni Luna noong nakaraan <See in chapter 2>. Nung nakaraan ay pinalagyan ko ng hagdan ang dingding para madaling makaakyat ang open space ng kisame.

“Luna nandyan ka ba?” sinilip ko ang loob nito,“Luna?” madilim pero may naaninag akong maliit na bagay. “Achoo!”bigla na lang akong nabahing.

Pucha, wag mong sabihin may... pusa?

“Meow!” May pusa nga -_-

Bigla na lang may nagsalita sa ibaba,“Levi,Anong ginagawa mo dyan?—” Naputol ang sasabihin nya ng makita nyang hawak ko ang pusa. “Ehehe”

Nanggaling yata sya sa banyo.

Tinaliman ko ang tingin ko sa kanya,“Bakit ka nagdala ng hayop dito?” I'm allergic to furs.

“Hayop ka rin naman ah?” pambabara nya. I just made a face.

“Ano? Do you want me to slap your ass?” pananakot ko rito.

Iniharang nya ang dalawang palad nya sa pwet nya,“Ayaw!” sinabayan nya pa ng iling.

Para namang gusto ko? Although gusto ko naman talaga…

I don’t know why… Flat naman ang pwet nya.Actually kahit ang boobs nya, flat din.Tapos payatot
Pa sya—walang syang kalaman-laman sa katawan, haha!

Bumaba nako sa hagdan,“Tss! May allregy and asthma ako.”

“H-Ha? Ganon ba? Akin na yan…”kinuha nya sa akin ang pusa, “Luna,ayos ka lang?” tanong nya habang nakaharap sa pusa. Ayos to ah, ako ‘tong may allergy at asthma tas sa pusa sya nag-aalala?

“Luna ang pinangalan mo dyan? It sounds weird. ” It’s like she’s calling herself.

“Hmm! Maganda kaya ang Luna! Anong gusto mo,mingming!?” haha! Nanlaki ang butas ng ilong nya.

“Tss! Ipagluto mo ko,Luna” utos ko rito.

Ibinaba nya sa kama ang pusa ,“Hmp! Wag mong gagalawin si Luna ah?”
Para namang may balak akong masama sa pusang ‘yan.

“Sinong Luna ba?” pang-aasar ko rito.

“Malaswa!” Nagdadabog syang bumaba sa kusina.

“I don't like cats.” sambit ko sa pusa.

“Meow!” lumapit sa akin ang pusa at kumiskis.

“Achoo! Sabi ng ayoko sa pusa eh!” Dinala ko ito sa balcony ng kwarto. Inihang ko sa ere ang pusa. Tinuro ko ang lupa,“Kita mo yan? Dyan kita itatapon pag di ka nagtino,understand?” nag meow lang ang pusa. Why am I lecturing a cat? Am I going crazy? Nahahawa na yata ako kay Luna.

Bigla na lang sumulpot si Luna—yung tao. “Walangya ka! Anong ginagawa mo kay Luna!?”

Ibinaba nya ang pagkain sa table na nasa balcony.

“Tss! Pinapahanginan ko lang naman.” Pagsisinungaling ko.

“May aircon ka naman sa loob ah!” Pinanlakihan nya ako ng mata.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon