FLIGHT 11

74 3 0
                                    

Kasalukuyan kaming papauwi sa bahay ni Levi dito sa Cebu ng biglang tumunog ang phone ko.

*Ring

“Hello,Luna Dear? Okay lang ba kayo? Are y'all ligtas?” conyong tanong ni Miss Leevie.
Nasa bahay ni Levi si Miss Leevie, sya ang nag-aalaga kay Luna roon.

“Oo naman, Miss Leevie. We are beri beri safe. ”

“Just Leevie,” paalala nya. “Uhmmm... is Lorenz fine?” pabulong na tanong nya.
Haha! Naku! Sabi nga ni Lorenz, “I smell something fishy and it's not me.”

“Ayieee~ may gusto ka kay pareng Lorenz?,” asar ko rito, “Okay naman si pare.” Pagbibigay alam ko.

“Mare maguusap tayo mamaya tungkol sa pagsinta mo kay pare ah,” sambit ko.

“Bakit di ka nagto-talk in a prim and proper way?” reklamo nya, “Mare is so cheap.” naiimagine kong umiirap si Miss Leevi ngayon with matching hair flip. Natawa na lang ako.

“Bye na mare,” paalam ko at binaba ang telepono.

“Who's that? Are you cheating on me?” biglang sabi ni Levi sa tabi ko. Hanep ah, nagsisimula pa lang manligaw nagiging possessive na. Cheat mo mukha mo.

Nakasakay kami ngayon sa chopper at katulad nung isang araw ay magkatabi ulit kami ni Levi, habang si Trein na ang piloto at co-pilot naman si Lorenz. Antukin kasi si Lorenz kaya nagpalit sila ni Trein ngayon.

“Magtigil ka nga Levi! Nanliligaw ka pa lang ganyan ka na!” Pinanggigilan ko ang matangos nyang ilong.

“Ugh! Too much PDA, lovebirds.”
Kaya naman pala nagustuhan ni Miss Loryelle si Trein ang gwapo pala eh kaso mukha syang MAARTE.

“Single naman pala sya bakit hindi mo ireto ang kapatid mo?” pangungulit ko kay Levi.
Mukha naman kasing gusto talaga ni Loryelle si Trein.

“I don't do woman,Miss. I do women” maarteng sabi ni Trein.

“Now, you know why I don't like him for Loryelle—he's a dumbass.” komento nya “And Loryelle is too young and fragile for Trein; they are five years apart.” Dagdag nya pa.

“And Loryelle isn't my type,” Dagdag naman ni Trein.

“Really? Kapag kinain mo yang sinasabi mo sasapakin ka nitong kamao ko.” Banta ni Levi.

“Oh,please! My face is too perfect to be wrecked.”

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay ni Levi.

“Pasok kayo” anyaya ko kina Trein at Lorenz kahit na di naman sakin ang bahay.

“Huwag mo silang imbitahung pumasok,” busangot na sambit ni Levi.

“Oh,I'll go to Yunna now,” tanggi ni Lorenz.

“You'll go to Yunna or you'll go to sleep?” biro ni Trein.

Pumasok na kami ni Levi sa loob habang umuwi naman na ang dalawang lalaki.

Naunang pumasok si Levi...
May napansin ako.

*Bam
“Ouch! Why did you spank my ass?” reklamo ni Levi.

“Antambok kase parang yung Adam's apple mo haha!” nakakagigil!

“Papalo rin ako” tukoy nya sa pang-upo ko.

“Manyakis!” pinanggigilan kong muli ang ilong nya.

“Kapag ikaw pwede tapos kapag ako ay hindi? You are under my rules from the moment you enter my house. You should let me do what I want. ” Paalala nya. 

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon