FLIGHT 5.5

83 5 1
                                    

“Ay! Alam ko na! Malakas ang loob mo kase kapatid mo si Leevie na manager ng airline!” I’m so matalino, guyz!

“Well,kinda right, but the reason behind it is….” Naiintriga ako sa sasabihin nya, “…we own the airline.” Napaawang ang labi ko.

“A-Ano?” nabibingi na ba ‘ko lalo?

“Nah! I won’t repeat it. Maglinis ka kase ng tenga” asar nya habang nakangisi at nakapalumbaba.

“Hindi nga!? Pagmamay-ari nyo ang airline!?” It’s so anbilibabol!

Tumango lang sya bilang sagot, “Now,sleep.” Pumikit na sya.

Maya-maya ay kinulbit ko sya. “Matutulog ka ng walang pang-itaas? Di kaya pasukin ka ng lamig?” Usisa ko rito.

“Concern ka?” Ngiting pang-asar na naman ang hinayupak. “Pasalamat ka nga at pang-itaas lang ang hinubad ko kung wala ka rito ay malamang na matutulog ako ng walang anumang saplot.”

“H-hindi ako makatulog” wika ko rito. Namamahay yata ako.

“That’s not my problem anymore” aniya, sabay tingin at kutkot sa kuko nya.

“Uyyy, bisita mo ko kaya dapat tulungan mo ko,” pagpapaawa ko pa rito.

“Bisita mo mukha mo, bwisita kamo” pang-asar nyang sabi.

“Napaka ungentleman mo!” Kulang na lang ay maputol ang litid ko sa sigaw na‘yon.

“Another rule,ayoko ng sumisigaw,” Nagquiet sign pa ang loko. “Fine.I’ll help you fall asleep,” napipilitan nyang sabi.

“Kukwentuhan mo ko? Kakantahan?”

“No,we'll watch a movie. ” sambit nya habang hindi nakapokus sa akin. “Routine ko to para makatulog but it happened na may bisita ako kaya isinantabi ko na muna sana, but hindi ka makatulog right? I’ll help you.” Umarko ang labi nya.

Lumapit sya sa TV at isinalaksak ang palabas.

Ilang minuto ang nakakalipas. May napansin akong kakaiba sa ambience ng palabas.
“B-bakit ganyan, parang ano?”

“Shhhh…” sinenyasan nya akong ng wag maingay.

Nakatutok sya sa malawak na telebisyon habang pinanonood ko naman ang mukha nya. Ibinalik ko na sa palabas ang paningin ko,
“Ay! Punyeta! Punyeta ka! Patayin mo na yang TV!”

Sinasabi ko na nga ba! May sa demonyo nga ang lalaking ito!
Horror pala ang palabas, matatakutin pa naman ako. (╥_╥)

“Walanghiya ka!” pinagpapalo ko sya ng unan.

“Hey!” awat nya. Pinatay nya na ang TV, “tinulungan na nga kita ganyan ka pa?”

“Ampangit ng routines mo! Una,natutulog ka ng walang anumang saplot! Ikalawa,nanonood ka ng horror bago matulog! Sa tingin mo makakatulog pa ko ngayon huh!?” Hinampas ko pa sya ng unan. Sang parte sya nakatulong aber? Lalo lang akong hindi makakatulog nito.

“Your boobs are jiggling” nagawa nya pang ngumisi.

“Manyakis! Manyakis! Manyakis!” Hinataw ko ulit sya ng unan ng ilan pang beses.

“Aw! Ouch!—Stop!” Tinigil ko ang paghataw ng unan, “God! Another rule. Ayoko ng bayolente… and ahmm… I need to slap your ass, right?” aniya habang nakangisi.

“Manyakis!”

“Nah ah! Another slap!” banta nito.

“Huh! Subukan mo lang kundi re wrestling-in kita!”

“How about wrestling sa kama?” tinaas nya pa ang dalawa nyang kilay.

Imbis na sigawan pa sya at makaviolate pa ng rule ay nagtimpi ako. Yung unan na ipinanghahampas ko ay ginawa kong divider namin sa kama.

“Wag na wag kang lalagpas dyan kundi puputulan kita, and you know kung anong mga pwede kong putulin sayo!

“Oh,I’m so scared.” pang-aasar nito. Hinataw ko pa ito ng unan sa huling pagkakataon.

Ngumiti sya ng nakakaloko, “Want a slap?” Bawal nga pala ang maging bayolente.

“Heh!” sambit ko tinalikuran na sya.

Narinig ko pa syang tumawa.
Demonyo(-_-)

Susubukan kong makatulog kahit sari-saring pakiramdam na ang nasa loob ko.

Una,ang takot sa horror movie. Ikalawa,gigl sa hinayupak na lalaking ito at ikatlo,gigil sa hinyapak na ito—Nasabi ko na bang gigil talaga ako sa hinayupak na ‘yon? Nakailang sabi na yata ako.

Nagconcentrate akong makatulog. Bukas ay siguradong panibagong araw ng bangayan na naman. Nagdasal nako at pumikit.

Oh,Lord, please give me strength to restrain myself from killing the man on my side. Amen.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon