FLIGHT 21

52 3 1
                                    

13 Days later... 

I’m watering the plants when Tita interrupted.

“Iha!” bigla na lang dumating si Tita Marie.Nakipag beso sya sa akin.

“I’m so glad na going strong kayo ni Levi,” her eyes roamed around. “but Levi’s a bit busy now with the airline…” Nitong mga nakaraan ay gabing gabi at pagod na pagod na kung umuwi si Levi.Umuwi lang sya sa bahay nya para kumustahin ako at para makapagpahinga.

Nung isang lingo ay pagod na pagod syang umuwi.

Nasa kama ako nakaupo at nagbabasa ng book ng dumating si Levi.

“Bakit gabi ka ng nakauwi?”  binaba ko ang libro.

“Ugh! Nakakapagod!” nahiga sya sa hita ko at nagtakip ng unan sa mukha.

“Bakit ka pa umuwi? Edi napagod ka pa sa pagdadrive?” May available rooms naman kasi don eh.

Tinggal nya ang unan sa mukha nya. “Ikaw kasi ang pahinga ko.” He smiled.

“Paano naman naging ako ang pahinga mo,aber? Nasa akin ba ang kama?” I raised my eyebrow.

“Hindi,pero gusto kitang
ma———kama,” he grinned.

“Levi!” saway ko.Pinanggigilan ko ang ilong nya.

“Ano ba! Makatabi sa kama kasi! Ito, green minded masyado.”

— — —

Mag-isa lang ako ngayon sa bahay. May trabaho kasi Levi. Kasalukuyan akong nasa garden nang biglang sumulpot si Tita Marie.

“Birthday mo raw bukas,Iha?”

“Ahh..opo”

“Any plans?”

“Magcecelebrate raw po kami ni Levi ng magkasama.”

Naalala ko yung usapan namin ni Levi nung nakaraan.

“Akala ko talaga nakalimutan mo yung monthsarry natin.”

He shrugged,“Hindi naman sa nakalimutan ko. Hindi ko lang alam na cinecelebrate pala yon”

I made a face.

“Ganito na lang,ano pa bang upcoming events para naman makabawi ako,” pumalumbaba sya.

Sumagot ako,“Birthday ko sa 3” October 3.

“I promise, icecelebrate natin yun ng magkasama,” he said at nakipag nose to nose sakin.

“Promises are meant to be fulfilled,Levi.Subukan mong ‘wag tuparin, makikipagbreak talaga ako sayo!” Pinanlakihan ko sya ng mata.He just laughed.

“Hindi ako nagbibiro ha!” Lalo kong pinalaki ang mata ko.

Okay, mabalik tayo sa usapan namin ngayon ni Tita Marie.

“Oh,that’s so sweet, Iha!” Tita exclaimed. “Let’s do a movie marathon. Hindi ka naman yata busy” May kinuha syang saglit sa bahay nila tapos ay may bitbit na syang CD at album.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon