FLIGHT 5

85 4 0
                                    

Isinara nya na ang pinto sa salas,
“Gabi na diba? Malamang matutulog tayo pero may iba pa ‘kong alam na ginagawa sa gabi” nakakaloko nyang sabi.

“Malaswa!”

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang pulso ko,
“Halika na sa taas.”

“Hoy hinayupak, huwag mo nga akong hawakan!”

“Wala naman akong virus ah!”

“Heh!”

Nagtalo kami hanggang makarating sa itaas.Dumiretso agad ako sa kama at naupo roon.

*Click

“B-bakit mo inilock ang pinto?”

Ngumisi sya, “Trip ko lang...” Hinubad nya ang damit nya. “tsaka Miss, bahay ko to remember?” dagdag nya.

“H-hoy anong ginagawa mo?”

“Naghuhubad?” inosenteng aniya.Hindi bagay sa kanya ang salitang inosente.

Lumapit sya sa dulo ng kama.
Ibinalot ko naman ang sarali ko sa kumot at yumupyop doon.

“Kuya, wag po” arte ko. Tumawa naman ang hinayupak.

“Seriously hindi kita type no tsaka mukha ba kong rapist? Sa gwapo kong to?” Ang yabang talaga!

“Ang kapal mo!”

“Excuse me, I’m just stating the fact Miss, My mom was a beauty queen while my Dad was a model,” pagmamalaki nya, “and imagine if their genes collided, it would result in me and my siblings—perfection!”

“Wala namang perpekto no” nalukot ang ilong ko sa kayabangan nya, “ sabihin na nga nating gwapo ka,” tumaas ang sulok ng labi nya, “I mean, kunware gwapo ka…eh manyakis ka naman” bara ko rito.

“I don’t care,” Nalukot rin ang ilong nya, “But being me is being perfect.” akto nya na na para nga bang he’s stating a fact. Napakayabang talaga!

“So let’s go back to the thing,” naupo rin sya sa kama, “makikitira ka rito, right?”

“Mmm” ungot ko bilang sagot.

“And I told you this house is mine—I am the owner,” lumapit sya sa akin pilit naman akong lumayo, “and once you get in, you are obligated to follow my rules—and you will follow all my orders. Let’s discuss the rules.”
Binusangutan ko ang lalaki.

“Una,Bawal mo akong busangutan,” tinanggal ko agad ang kabusangutan sa mukha ko.

“Ikalawa,Bawal mo kong laitin. Masama ang paninirang puri,remember?” Nagiging honest lang naman ako, hindi nanlalait.

“Anong mangyayari kung hindi kita susundin? Papalayasin mo ko?” tanong ko rito.

Ngumiti sya ng nakakaloko, “No,I’ll slap your arse, “ namilog ang mata ko.

[Arse] is a vulgar slang term in Britain which means a person's buttocks or anus.]

“Bastos!” nasa pinakadulo na ako ng gilid ng kama pero makulit si Levi—pilit lumalapit.

“Let’s add that to the rules. Bawal mo akong tawaging manyakis,malaswa, bastos at hinayupak. Get it?” hinawakan nya ang tungki ng ilong ko at ngumisi, “Pero kung gusto mo naman talagang mapalo sa pwet,just tell me. “

“Manya—” natigilan agad ako bago pa matapos ang sasabihin ko. Bawal nga pala.

“Nah ah,” banta nya, “Want a slap?” ngiting nakakagago nyang tanong.

“Pero ganon ka naman talaga ah anong masama? Nakita ko kaya kayong gumagawa ng milagro sa c.r ng plane” Manyakis at malaswa naman talaga sya diba? Tsaka sinong nasa katinuan ang magme make out sa plane?

Lumayo sya ng konti at dumapa sa kama, “Miss Wright,bakit sa tingin mo ay malakas ang loob kong gumawa ng milagro sa C.R?” nakapalumbaba sa kama nyang sabi. Wala namang rasyonal na sagot dyan sa tanong mo. Gago

“Kase manyakis ka?” pinanlisikan nya ako ng mata.

Napapikit at tili ako, “Wag mo kong papaluin sa pwet!”

“I won’t… pero sa susunod, tatama na talaga tong palad ko dyan sa pwet mo,try me.” Nanunubok nyang sabi.

“Ay! Alam ko na! malakas ang loob mo kase kapatid mo si Leevie na manager ng airline!” I’m so matalino, guyz!

“Well,sort of, but the reason behind it is….”

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon