FLIGHT 10

69 3 0
                                    

Nagising ako sa kama na nakayapos at nakaangkla ang hita ko kay Levi.

“Bwiset!” Tinulak ko si Levi mula sa kama kaya nahulog sya sa sahig. Dapat lang yon sa kanya. Hmp! Hindi ko alam kung bakit nakamaldita mode on ako ngayon.

“Ouch! Luna,why did you do that? Do you have a problem with me?” pupungas-pungas pa ang matang sabi ni Levi.

“Ewan ko sayo!” Padabog akong bumangon sa kama.

“Ano bang ipinuputok ng butsi mo?”

“Gusto ko ng umuwi.”

“We’re not going home unless you tell me what your problem is.” Anong gusto mong gawin ko!? Ni hindi ko nga rin alam kung ano bang problema ko!

Bago pa ko makasagot ay may pumasok ng babae sa suite na tinutuluyan namin.

“Kuya, I’m here!” salubong ng cute na babae na nakasuot ng floral dress at hat.

“She’s Loryelle,my baby sister.” pagbibigay alam ni Levi.
May isa pa pala syang kapatid?

“Hi! I’m my Kuya’s baby—his only baby. If you were to be my Kuya’s baby, I would cry really HARD” sambit pa nito at naglungkut-lungkutang parang bata.

“She’s my moon,baby sis. She shines bright like the moon. ” banat ni Levi at nagpakawala ng makalaglag pusong ngiti.

“Oh, that's great! Ako lang dapat ang baby mo. Kuya, let’s have some breakfast at the resto na.”

Pumunta kami sa restaurant na kinainan namin kahapon.

“Mag-ccr lang ako.” Paalam ko.

Levi’s POV

“Kuya, why does that girl look angry at you?” pangchi-chismis ng kapatid kong si Loryelle.

“I don’t know baby sis,maybe may period sya?” biro ko rito.

“Kuya, why don’t you give her a lollipop na lang? You know, it makes me calm, Hihi.”

If Leevie is the conyo and maarte/ma-attitude,then Loryelle is the childish and cry baby. Instead of blackmailing like Leevie,she’ll just throw a tantrum and everything will go as she wants.

Maya-maya ay bumalik na si Luna—masama pa rin ang timpla ng mukha nya. Tahimik lang syang kumakain—Luna,being quiet is quite odd, parang may kulang sa araw ko.Cringe.

Pagdating ng tanghali ay naglangoy at naglaro na lang sina Luna at Loryelle sa dagat. Tinatanaw ko lang sila mula rito sa pampang.

Luna’s POV

Nandito kami ni Loryelle sa dagat. Nagyaya kasing makipaglaro si Miss Loryelle.

“You are Luna,right? Ate Leevie is always talking about you…” kwento nya. “You are my future sister-in-law daw?” inosenteng sabi nya.

“Hindi naman ako gusto ng kuya mo, inaasar nya lang ako parati.” Parang bahagya akong nalungkot sa naisip kong yon.

“Bat parang na-sad ka? You want a lollipop?” Iniluwa nya ang lollipop sa bibig nya at inialok sa akin.

“Ehehe, hindi na” tanggi ko.

“Eh Barbie you like?,” alok nya, “O baka naman si Kuya ang like mo? Hihi,” napailing na lang ako sa biro ni Miss Loryelle. Banatera rin, mana sa Kuya.

Inabot kami ng gabi sa dagat…

Pinanood ko lang ang paglubog ng araw at paglitaw ng buwan.
Sa tuwing nakikita ko ang buwan ay naalala ko ang paborito kong karakter sa isang storya.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon