Ika- Sampo

70 7 3
                                    

ET Tll YU DE Restaurant

Mainit at mahapding sikat ng araw ang bumungad saakin pag baba ko sa kotse ko , Tinungo ko ang rest house namin dito sa San Dagong Dong dahil i pa re-renovate ko ito .

Tanaw na tanaw ko rito ang dagat sa di kalayuang , agwat ng resthouse ito ang isa sa mga nagustohan ko sa lugar na ito ang malinis at preskong hangin at tanawin sa San Dagong Dong , Nag papaganda rin rito ang asul na asul na dagat ...

"Mam Raiza Saan po ilalagay itong mga gamit ng pinsan niyo ? " Tanong ni manang Gwada habang bitbit ang maleta .

"Diyan nyo manang ilagay sa guestroom "

Agad siyang tumungo roon at inilagay ang lahat ng maleta , Matagal na saamin si Manang since high school palang ako andito na siya , Siya rin ang tumayo kung Ina simula nong namatay sa aksidente si Mommy ..

"Baka po Mam gabi na kaming makarating ni Baldo rito tyaka yung ibang body guards nyo po ay nakabantay sa mansion"

"Ah ganun ba sige manang hihintayin ko nalang kayo rito maliligo muna ako sa dagat "

"Sigurado po ba kayong ayaw nyo mag padala ng body guards rito ? " Aniya

"Wag na manang ok na ako dito tyaka bumili ka narin ng dinner natin para di kana mag luto" Nilapitan ko siya at nag paalam na akong maliligo ako sa dagat ... Ala una na ng hapon pero makulimlim ang kapaligiran mukhang uulan ngayon.

Nag pasya muna akong mag lakad lakad sa tabing dagat , hindi ko namalayan na meyo malayo na pala ako sa resthouse dahil nag e enjoy ako sa malambot at maputi puting buhangin ng dagat...

Unti -unting pumapatak ang ulan mula sa kalangitan , Tumakbo ako para makabalik na sa resthouse dahil lalong lumalakas ang ulan bago pa man lang ako makarating ay basang basa na ako .

Agad akong sumilong sa sala at ilang sandaling tumungo sa kwarto para doon na maligo at mag bihis ..

Pagkatapos kung maligo ay inayos ko ang aking sarili sinuklay ko ang mahaba at tuwid kung buhok , Nag liwaliw ako nang ilang sandali at tinawagan ko si Xavier ..

" He- Hellow" Sagot nito parang bagong gising lang

"Sorry na isturbo ko yata ang tulog mo sige mamaya nalang ako tatawag"

"Oh no ..no.. no.. Its ok ano bang sadya mo?" Aniya

" How's the investigation going on, its been a week any updates ?" Kalmado kung tanong sakanya ngunit mabigat na buntong hininga lang ang narinig ko mula sakanya ...

Walang nag daang araw na hindi ko iniisip ang kaibigan ko seryosong kaso na ito, maski ang mga ka kilala naming magagaking na detective at pulis ay wala ring update sakanya.

"Wala parin kaming maayos na lead at balita sakanya " bigo nitong ulat saakin.

"Get off me!" sigaw nito na ikinagulat ko .

"He- Hellow Xavier are you there ?, are you okay ?" Nag aalala kung tanong

"Yeah..yeah..Im Ok-" putol na sambit nito bago pa manlang maputol ang linya ay narinig ko ang mga pag bagsak ng gamit sa linya..

Ayos Lang ba talaga siya , ilang minuto akong tulala at dinalaw ng antok ...

Naalimpungatan ako dahil sa sunod sunod na katok ang narinig ko

"Mam kumain na po tayo ng gabihan"

"Sige susunod ako " bumangon ako at tumingin ng oras 8:38 pm ang haba pala nang tulog ko .

Bumaba na ako tumungo sa dinning table at naupo "Andito kana pala" maligaya kung bati sa pinsan .

"Kanina pa ako nandito " ngisni nya at sumandok ng kanin

"Manang halika kumain na tayo"

"Sige mam sandali lang sinasalin ko lang sa plato itong ulam" Nang natapos siyang mag salin ay inilagay niya sa hapag ang ulam isang dinuguan at menudo .

Masarap ito at malinamnam tyaka hindi matigas ang karne "Manang anong klaseng karne ito?" sabay turo ni Edeson sa ulam ...

Napatigil ako sa pagkain at pinag masdan ang pagkain hindi ito lasang manok hindi rin ito lasang Baboy? kung ganun ano ito

"baboy daw yan mam ey yung imported na baboy sabi nung cashier"

"Ah ganun ba may ulam pa ba sa reef natin ?" At tumayo si Edeson at pumuntang reef

"kaldereta lang ang nandyan "Ani ni manang

" Pwede na to " at bumalik sya at kumain ulit

"Ayaw mo ba nitong biniling ulam ni manang ang sarap kaya"

Tahimik lang siya at tyaka nya ako tiningnan "Manang saan nyo binili ang mga pagkaing ito ?"

"Dyan po Malapit sa may dating sakayan ng barko"

"Bakit anong meron?" Tanong ni mang Baldo .

" Wala naman " maikling sagot ng pinsan
.patuloy lang ako sa pag kain , ngunit napa tigil ako ng ilang sandali nang may na nguya akong kakaiba .

Dinura ko ito at tumambad sa amin ang isang hikaw na silver at kapirasong dila ..

"JESUS CHRIST ! " gulat na sigaw ni Edeson at dinaluhan ako dahil nag susuka na ako rito sa gilid ...

"Get some water manang hurry !"

"WHAT IS THIS! " naiiyak kung tanong

"Susmaryusep Dila na may hikaw " ani ni manang

Dinampot ni manong baldo ang dila at siniyasat ito "Dila nga ito ng tao " gulat nitong pahayag .

"anong pangalan ng restaurant ng binilhan nyo ?" Kalamdong tanong ni edeson

Tumungo sa kusina si manang at may kinuhang plastik
sa basurahan .. Ibinalandra niya sa harap namin ang plastik at nakalagay roon ang palangalan ng Restaurant

"ET TLL YU DE Restaurant" sabay sabay naming basa ...

Anong klaseng pangalan yan "Its Sounds Eat Till You DiE " wala ko sa sariling sagot

Inalo ako ng pinsan ko at hinatid sa kwarto tumawag rin siya ng pulis at Doktor para saakin at para pa embistigahan ang nangyare kanina.

Tinanong kami nang ilang mga tanong ng pulis at umalis rin umakyat na ako sa kwarto at hinawi ang kurtina ng bintana andon sila Edeson At mang baldo sa Labas nag uusap ..Di kuna kinaya nang maalala ko ulit ang nangayare at biglang dumilim ang paligid ko.

Never Look Back♠ [ SHORT STORY ]Where stories live. Discover now