VICTORIA
“Kung mabubuang ka na raw Tori, sabihin mo lang. ‘Yon sabi ni Jenny.” Sabi ni Sandy kaya umangat yung ulo ko sa pagkakadukdok sa desk.
“Sabihin mo sa kan’ya, may phone ako. Pwede n’ya sa akin i-message.” Sabi ko.
“Alam mo, hindi ko gets bakit nandito kayo.” Ani Anne na tiningnan ako at si Clinton.
“Ako rin.” Pagsang-ayon ko sa sinabi n’ya.
It’s my last day. As a Sparks.
Other brides are too excited for their wedding the next day that they’re out and about doing all sorts of things with their best friends and bridesmaids. Having a bridal shower or something.
But here I am. A bride on her last day as an uncommitted woman, stuck in college while worrying if I passed my pre-final examinations or not.
All throughout the day, my classmates and professors are looking at me and Clinton fully knowing what tomorrow has in store for Great Amber. Their country’s Crown Prince getting married. Getting a Crown Princess.
Me becoming Victoria Sparks-Williams.
Since the other day, people of importance have been arriving. Princesses, Princes, Kings, Queens, Presidents, Prime Ministers, and whoever is the representative of a country that Great Amber is affiliated with.
Which is why military personnels have been deployed everywhere in the capital of Great Amber. Especially the hotels booked by those people are heavily guarded by Great Amber’s Armed Forces.
Gusto ko na nga matulog dahil tapos na ako sa pinapagawa ng professor namin sa subject na ‘to. Kaso hindi ako makatulog.
Bigla namang nag-vibrate yung phone ko at sinagot ko yung tawag na hindi tinitingnan yung caller ID.
“Tori!”
“Ah!” I yelped in shock and pulled the phone away from my ear.
Napaayos din ako ng upo at doon ko lang napansin na sa akin nakatingin lahat. Buti na lang lumabas yung professor namin kanina. Kung hindi, baka napagalitan na ako.
Dumako rin yung tingin ko kung saan nakaupo si Clinton at magkasalubong yung kilay n’ya na habang nakatingin sa akin.
Isang pilit na ngiti naman ang pinakawalan ko habang tumitingin sa mga kaklase ko. At nakita kong nakatakip yung kamao ni Clinton sa bibig n’ya habang nagpipigil tumawa kaya sinamaan ko s’ya ng tingin.
Binalik ko naman yung tingin ko sa phone ko at nakitang si Hadley yung tumatawag.
“Bakit?” Tanong ko nang mailapat na sa tenga ko yung phone.
“Ang tagal sumagot ah! Ano ‘yan nagmo-moment kayo ng asawa mo?”
“Bukas pa.” Pagtatama ko sa sinabi n’ya.
“Ay hindi umangal?”
“What’s the point of doing that? Tanggap ko na.” Sabi ko.
Irreversible event na yung kasal ko bukas. Kahit i-deny ko pa, mangyayari at mangyayari yung kasal bukas.
“Remember when we all thought that Vannie’s going to be the first to get married among—Hadley naririnig kita—”
Kumunot yung noo ko nang narinig yung boses ni Vannie sa phone. And my gut told me to peek at the window, so I did. But I saw nothing unusual.
“Tori, baba!” Rinig kong sabi ni Vannie sa kabilang linya.
“Oo baba. Kasi kami hindi kami makababa sa sasakyan.” Sabi naman ni…Jessie.
“You…don’t tell me—”
“Yes, we’re here in Amber University.” This time, I heard Lauren’s voice.
I got excited knowing those four are here that I turned around too abruptly. My side even hit against a desk which made a loud sound.
“Sorry!” Sabi ko sa may-ari ng desk at bumalik sa pwesto namin nina Anne at Sandy. “Call Jenny and tell her to meet us in front of this building.” Sabi ko sa dalawa.
Nagmadali akong ilagay sa loob ng bag ko yung mga gamit ko. Mukhang nagulat pa yung dalawa sa inakto ko kaya tiningnan ko yung paper nila at nakitang tapos na sila sa activity. Kaya ako na naglagay sa desk ng professor ng mga papel namin.
Pagbalik ko sa pwesto namin ay kita kong inaayos ng dalawa yung gamit nila habang si Anne ay may kausap sa phone.
“Hey.”
Naudlot yung pagkuha ko sa bag ko dahil may humawak sa braso ko. At paglingon ko, nakita ko si Clinton.
“You okay?” Tanong n’ya at bumaba yung tingin n’ya.
“Yeah.” Sagot ko at naalala kong hindi ko pa nabababa yung tawag ni Hadley. “Hey, wait lang ah?”
Hindi ko narinig yung sagot ng kahit sino sa apat dahil boses ni Clinton ang narinig ko na sinabing, “saan ka pupunta?”
“Ha? Hindi ko alam.” Wala sa sariling sagot ko at tiningnan sina Anne at Sandy. “Tara.”
Lumalakad na kami palabas ng room pero biglang humarang si Clinton sa dadaanan ko.
“Sa—”
“You’ll still see me walk down the aisle tomorrow.” Sabi ko at hindi ko alam kung bakit ko tinapik yung pisngi n’ya ng dalawang beses.
Hinatak ko naman sina Sandy at Anne palabas hanggang makapasok kami sa lift. Halos kaladkarin ko ata silang dalawa nang bumukas sa first floor ng business building yun lift. At nakita namin sa may labas si Jenny na suot pa yung white uniform ng mga medical yung courses. Takang-taka s’ya nang makita kami.
“Hoy don’t tell me tumakbo ka?” Tanong ni Jenny na inilingan ko.
“Nasaan kayo?” Tanong ko naman sa phone.
Kumunot naman yung noo ko nang naputol yung tawag at tatawagan ko sana ulit si Hadley kaso may tumigil na limousine sa tapat ng building. At nang bumukas yung backdoor ay may lumabas na tumitili.
“Ah Tori!!!”
“Victoria!”
Muntik na ako mabuwal nang dambahin ako ni Hadley at Jessie ng yakap. Nang humiwalay kami sa yakap ay nakita ko sina Lauren at Vannie.
“Oh my God.” Narinig kong gulat na sabi ni Anne.
Kaya naman isa-isa ko silang pinakilala kahit na kilala ni Jenny, Anne, at Sandy yung apat.
“Hindi ba masasaway si Jessie sa suot n’ya?” Tanong ni Hadley sa akin.
Napatingin naman ako sa suot ni Jessie. Jessie’s wearing a cropped tank top and cargo pants. Kaya napatingin din ako sa suot ng tatlo pa.
Hadley’s wearing a knitted sweater and jeans paired with a boots. Vannie’s wearing a dress with a denim jacket on top with pumps. And Lauren’s wearing an off shoulder top and flared pants and I can’t see her shoes but I think she’s wearing chunky heels.
“Masisita ba isa sa kanila sa damit nila?” Tanong ko kila Jenny.
“No.” Sagot ni Jenny.
“Bakit nandito kayo?” Tanong ko naman sa apat.
“You went down without asking us earlier why we’re asking you to come down?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lauren sa akin.
“Tapos nadamay pa yung tatlo. Paano pala kung joke lang na nandito kami?” Dagdag ni Jessie.
Kaya sinamaan ko sila ng tingin. Natawa naman si Vannie at Hadley dahil don.
“Hello, baka ikakasal ka bukas? Buti na lang pala sinama mo rin sila pababa.” Sabi ni Vannie.
“Actually, hindi rin namin alam kung ano ba gagawin. Pwede kumain muna? Nagugutom ako.” Sabi naman ni Hadley.
“Naka-private jet ka rin ah, hindi ka ba kumain don?” Tanong ni Lauren kay Hadley.
“Natulog lang ako. Aba, para kay Tori hindi ako nag-procrastinate sa mga homework ko dahil 3 days and 2 nights din ako rito.” Sagot ni Hadley. “May parang Food Hall ba kayo rito?”
“Meron. Dun n’yo gusto kumain ng lunch?” Tanong ko.
“Gusto ko ng fast food.” Sabi ni Vannie.
“Meron naman dito diba? Hindi ako makakain sa fast food restaurant basta-basta eh.” Dagdag ni Jessie.
And we ended up going to the Food Hall of the university after we all took a picture, with the help of one of the girls’ bodyguards.
Nakikilala ng ibang estudyante yung apat. Lalo na si Jessie. Ang dami naming naririnig na gustong magpa-picture pero hindi nila magawa dahil grabe yung pagsunod ng bodyguard nilang apat. Kahit na gusto kong sabihin na sa labas ng Food Hall na sila maghintay ay hindi ko magawa.
I can’t take responsibility to what happens to them if the bodyguards don’t see them. Isa pa, yung bodyguards na lang ang dahilan kung bakit hindi sila nagkakagulo na lumapit at magpa-picture.
They may not recognize Lauren, Vannie, and Hadley at first but they definitely know Jessie’s face. She's one of the worldwide famous singers.
“Himala hindi ka pumapayag na mag-picture kasama yung mga may gusto?” Tanong ni Vannie kay Jessie.
“If I do, they’re going to go crazy, asking for a picture. At ang unfair kung sa iba ay papayag ako at sa iba hindi.” Sagot ni Jessie.
“Okay, nandito na rin tayo, ano gagawin natin after?” Tanong ni Hadley.
“Ang tahimik n’yo ah.” Puna ko kay Anne, Jenny, at Sandy.
“Oo nga. Wait, ano ulit username n’yo? Follow back ko kayo dali.” Sabi ni Jessie.
“Spa? Balak ko yayain sina Tori mag-spa sana after class.” Sagot ni Jenny.
“Sounds good to me. Magpa-appointment na tayo, or better yet have the place close for the entire time we’ll be there.” Sabi naman ni Lauren.
“My mom owns several salons. Itawag ko na lang kay Mommy.” Ani Sandy.
Nag-uusap na kami sa pwedeng gawin at naalala ko na kung gagawin namin ‘yon ay magcu-cut kami ng classes nina Jenny, Sandy, at Anne kaya tinanong ko sila kung ayos lang ba sa kanila ‘yon.
“I order you to come with us after lunch. Ayan kapag may professor na nag-report sa inyo as cutting classes, sabihin n’yo sa akin. It’s an order from a VIP guest.” Sabi ni Vannie kaya walang emosyon ko s’yang tiningnan. “What? Technically speaking, even if you’re already living in the Palace of Great Amber you’re still not a Crown Princess, even a Princess, so I can still order you around Tori.”
“You know that’s abuse of authority.” Nakangiwing sabi ko.
“Joke lang eh. At tingin mo may maglalakas ng loob na i-report kayo? Hello, once hindi na Sparks ‘tong si Tori eh Crown Princess na ‘yan. Mas mataas pa sa Princess dahil sure na s’ya sunod na Queen.” Bawi ni Vannie.
“Alam mo, tumahimik ka na lang about sa royal stuff. Kinakabahan ako bigla sa mga pinagsasabi mo eh.” Sabi ko sa kan’ya.
“Ah so mas marami kang alam na kahihiyan ni Tori?”
Sa narinig kong tanong ni Jessie ay halos mabali yung leeg ko sa paglingon at napanganga ako nang tumango si Jenny.
Suddenly, these girls are talking about my childhood with Jenny exposing me.
“Hoy—”
When I heard Henry’s voice, I turned around in a panic. Because once he finds out the topic is exposing my childhood, he’s definitely joining!
“Jen—”
Nanlaki naman yung mata ko nang marinig yung boses ni Gian pero nakita ko silang naestatwa sa kinatatayuan nila.
“Sino sila? Cute sila ah.” Sabi ni Vannie.
“Si Henry yung nauna. Si Gian, boyfriend ko.”
“Sabi ko lang cute girl, kalma.” Natatawang sabi ni Vannie.
“Oo nga. At ‘di pa nakaka-move on ‘yan si Van—ow!”
Wala naman akong choice kung hindi ipakilala sina Gian at Henry sa apat. At ako talaga kawawa kapag natuloy yung paghukay sa childhood memories. Kaya nang nakita ko si Clinton ay tinawag ko agad s’ya.
Thank goodness he walked towards me!
“Bakit?”
“Drag Gian and Henry out of here!” Pabulong na sabi ko at bigla s’yang tumingin sa likod ko. "Tutal kaibigan mo rin naman 'yang dalawa."
“Girl friends time?” Tanong n’ya at tumango lang ako. “Okay. At magc-cut ako after lunch.”
“Okay?” Naguguluhang sabi ko.
Bakit s’ya nagpapaalam sa akin?
“Kay Finn ako sasabay. The guards will fetch you after your last class.”
“Magc-cut din ako after lunch.” Sabi ko at napatingin sa mga kaibigan ko.
And I think he knows what I’m going to do since he just smirked and called Gian and Henry. They immediately left thanks to Clinton’s other friends dragging Henry and Gian out.
Nakahinga naman ako nang maluwag pero pagbalik ko sa table namin ay inalog-alog ako ni Hadley at Jessie na pinagigitnaan ako.
“What?” Gulat na tanong ko sa kanila.
“Bagay kayo.” Natatawang bulong ni Vannie na kami lang nakarinig.
“Agree.” Dagdag ni Jenny.
At itong si Sandy at Anne ay tumango pa.
Aangal nga sana ako kaso naalala kong hindi lang kami ang nandito. Napatingin naman ako sa tinahak na daan nina Clinton at may narinig akong tumawa kaya bumalik yung tingin ko sa mga kasama ko sa table.
“He’s definitely a better fit for you than you know who.” Lauren said which made me go quiet.
When we finished eating lunch, we decided to leave the university. And since Jenny’s house is the closest, we went there so that we can get changed. May damit naman ako sa bahay nila kaya hindi ko kinailangan manghiram ng damit sa kan’ya.
Then we’re all off to the salon. With hopes of not being followed by the media, which was quite impossible actually.
***
BINABASA MO ANG
The Royal Series 01: The Royal Agreement
Romance(The Royal Series #1) Victoria Sparks is a Fair Youth from Great Amber, one of the kingdoms in the Great Kingdoms' Continent. It is inevitable for her to decline her future role as a Councilor as her parents and older brother are one. But as soon as...