Chapter 31

372 16 4
                                    

VICTORIA

Well, this sucks.

I was supposed to be just waiting for Clinton to come home in a few hours. But here I am, in Great Aquamarine for a 3-day conference.

"Yikes, malala ka na girl."

"Alam ko." Sabi ko kay Vannie at sinubsob yung mukha ko sa unan.

I guess there's still good in this conference. Nandito si Vannie. Even Hadley and Lauren is in a conference in separate countries. Though the conference where Lauren is right now is located in her home country, Great Crystal.

"Walang concert si Jessie ngayong araw diba?" Tanong ko.

"Wala, pero nasa conference naman s'ya sa Great Amethyst." Sagot ni Vannie.

"Oh, anong ginagawa mo rito?"

"May laban ba ako sa kambal na panganay sa amin?" Nakangiwing sabi ni Vannie at humiga. "Ahh! Miss ko na si Yona."

"Aso mo nga ba o yung nagbigay sa 'yo kay Yona?" Pang-aasar ko.

"Yung aso nami-miss ko. Hindi yung mukhang aso." Agad na tanggi ni Vannie. "Ikaw ata may nami-miss eh! Diba two weeks mo na di nakikita asawa mo?"

"Yeah, I miss him." Walang gatol na sabi ko.

Napabalikwas pa si Vannie sa kama at nalaglag pa s'ya. Pero sobrang gulat ata s'ya sa sinabi ko, ni hindi man lang s'ya umaray kahit na ang lakas ata ng bagsak n'ya.

Wow, this girl's priorities can really be all over the place sometimes.

"Oh my God sinabi mo talaga 'yon?" Nanlalaki mata pa ng tanong ni Vannie at tinabihan ako.

"There's no point in denying. I even already told him that I love him."

"Oh my God. I won."

"Pinagpustahan n'yo ako?!" Gulat na tanong ko. "Wow, dahil d'yan, mark my words. Ikaw sunod na ikakasal sa ating lima."

"Hoy grabe naman 'yon! Medyo scary 'yan Tori. I caught your bouquet!" Angal ni Vannie. "Pero seryoso? You told him you love him?"

"Yeah. It just slipped."

"And?" Vannie pried.

"Ever since I said that, I've been dodging his calls and messages."

Makikichismis pa nga ata si Vannie kung ano pa nangyari pero biglang pumasok yung Lady Maids namin. At sinabing nasa baba na yung sasakyan namin na magdadala sa amin sa venue ng conference.

Akala ko nga makakatakas na ako sa pang-uusisa ni Vannie pero sa ibang sasakyan sumakay yung Lady Maids namin.

"I don't know. It just came out like I was saying something that can be easily said in a conversation." Sagot ko at bumuntong hininga. "What I don't understand is, I can't bring myself to talk to him yet."

"You're scared." Sabi ni Vannie kaya napatingin ako sa kan'ya. "You're scared that he doesn't feel the same." Pabulong na dagdag n'ya habang naglalakad kami papasok sa venue.

May sasabihin pa sana ako pero napatitig ako sa hall kung saan pumapasok lahat ng members ng conference.

"Is that?" Takang tanong ni Vannie. "May direct affiliation ba sa inyo o sa kanila ang Great Aquamarine?"

"Wala. Neutral sila."

Kung hindi pa kami tinawag nina Red, baka buong maghapon na kami tumunganga sa hall na 'yon. Pagpasok sa hall, ni hindi ko magawang ngitian yung mga nakakasalubong ko.

The Royal Series 01: The Royal AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon