Chapter 34

381 17 14
                                    

VICTORIA

"Tori, okay ka lang?"

"Yeah." Sagot ko. "Bakit naman hindi?" Dagdag at takang tiningnan si Sandy.

"Ibang level yung happy aura mo for the past few days. Anong secret sa gan'yang saya? Parang hindi prelims this week ah." Dagdag ni Anne.

Napangiti na lang ako bago natawa. Pero hindi ko napigilang tingnan si Clinton na abala sa pakikipaglaro ng mobile game sa mga kaklase namin.

"Ay so asawa ang secret. Okay, mahirap i-achieve." Sabi ni Anne. "Pero okay lang, last day naman na ng prelims."

"Malamang, jowa nga wala ka." Banat ni Sandy.

"Wow, meron ka?"

Hinayaan ko na lang silang dalawa na magtalo dahil baka madulas pa ako.

We're already having difficulties in trying to keep things between us. Kasi nga sa estado namin, na mga bagong panganak na sanggol lang ata di nakakakilala sa amin, ang daming nakikialam sa relasyon namin.

Wala naman kaming pinag-usapan pero ramdam ko namang tulad ko, gusto n'ya na maging private yung relationship namin. Yung alam ng mga nakakakilala sa amin na kami pero hindi nila alam lahat ng ginagawa namin.

Though there are times that we forget our social standing. Like when we got called by Clinton's parents only to be told to tone down some of the contents that we share on our social media platforms.

Yun kasi yung time na may nag-invite sa amin sa isang birthday na yung venue ay sa club. Alam naman namin ginagawa namin not until alcohol slowly conquered our senses. Sigurado lang ako na nung gabing 'yon, ako naunang malasing sa amin ni Clinton. Ni hindi nga ata s'ya naging tipsy man lang kasi kinabukasan, hindi naman masakit ulo n'ya. Hindi rin s'ya lutang na nangyayari lang kapag napadami inom.

"Oh? Asan sina Gian at Henry?" Tanong ko kay Jenny nang makarating s'ya sa table namin.

"Nagpapatulong kay Jon, Finn, at Clinton mag-review." Sagot ni Jenny bago pinatong yung makapal na biology book n'ya sa table.

"Jenny...alam mo naman sigurong wala kaming matutulong sa pag-review mo?" Sabi ni Sandy kaya natawa ako.

"She said it." Sabi ko at tinuloy yung pagre-review.

Though from time to time ay kumukuha ako sa binili kong pagkain.

May isang subject na lang kami nina Anne at Sandy na ita-take for prelims bago namin masabing prelims is over. Buti na lang pwede na lumabas ng room after mag-take ng test kaya may time pa kaming mag-review. Medyo mahirap pa naman yung next subject na it-take namin.

"Bakit?" Tanong ko nang mapansin na kanina pa ako nililingon-lingon ni Jenny.

Pero inilingan lang n'ya ako kaya nagsalubong yung kilay ko. Binalingan ko naman sina Sandy at Anne na umiling at kumibit balikat lang.

Inubos lang namin yung binili naming snacks at habang lumalakad kami nina Anne at Sandy papunta sa room ng next exam namin, nagre-review pa rin kami.

We're reading a terminology's description, asking one another to describe a terminology, or enumerate what the subtopics are in a certain topic.

Pagdating namin sa room ay halos nandoon na lahat ng kaklase namin. Dumiretso naman ako sa isang upuan at ganun din yung dalawa. Kinailangan ko pang tumigil muna at humugot nang malalim na hininga.

Diniin ko rin yung hawak sa bandang dibdib ko para mas mapakiramdaman kung hindi na ba ganun kabilis yung tibok ng puso ko. At nang naging kalmado na yung tibok, nawala na rin yung kirot.

The Royal Series 01: The Royal AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon