Prologue

294 52 28
                                    

This is a work of fiction, names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictional manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning: Contains typos, grammatical errors, and pronunciation. Contains strong language.

"Ano ba 'yan, nakakainis ka!" sigaw ni Kiya kay Adam. Tumayo si Kiya at hinarap si Adam.

"Mas nakakainis ka!" sigaw naman ni Adam, sa kanilang dalawa ang atensyon ng buong klase, umiwas na lang ako nang tingin at tinuon ito sa librong binabasa ko. Walang araw na hindi sila nag-aaway, ewan ko ba araw-araw lagi silang dalawa nag-sisigawan sa klase.

"Pst! Ainsley, tignan mo nag-aaway na naman yung dalawa dahil sa walang kwentang bagay." Napatingin ako kay Verielle at ngumisi ito habang nakatingin kala Adam at Kiya.

"Hayaan mo sila, siguro mag-jowa na 'yang dalawa." Sabi ko at tinuon muli ang mga mata ko librong binabasa ko. I'm Ainsley Xavieries Del Veagan. My hobby are reading books, and listening to music, but sometimes I used to watch some Boys Love Series, eating or sleeping. 

"Kainis!" sigaw ni Kiya habang palapit saamin. Nilagay ko yung libro ko sa bag dahil breaktime na namin ngayon.

"Oh, ano nag-away na naman kayo ng jowa mo?" Pabirong sabi ko. Kaya isang malakas na batok ang natanggap ko.

"Ano ba! pwede bang tigil-tigilan mo 'ko wala ako sa mood bwesit 'yang Adam na 'yan eh!" Sabi niya at kinuha yung bag niya.

"Bakit ano na naman bang pinag-aawayan n'yo?" Tanong ni Verielle.

"Tahimik lang ako ro'n habang nanonood tapos biglang mangungulit sino bang hindi maiinis doon diba!" Sigaw na naman niya kaya na palayo ako sa kan'ya.

"Pwede ba, h'wag kang sigaw nang sigaw, tignan mo, pinagtitinginan na naman tayo." I said.

"Tsk! what ever, oo nga pala puntahan daw natin sila Aky at Ambi ro'n sa room nila, nauna na raw sa cafeteria si Azra at Aeiona" Sabi ni Kiya kaya dumiretso kaming third floor para sunduin namin sila Aky at Ambi. Pito kaming mag-kakaibigan at ganito talaga kami tuwing break time sabay-sabay kami kumakain dahil syempre na kasanayan na rin namin. Since elementary ay mag-kakasama na kami kaya ganito na talaga ang palagi naming ginagawa.

"Oo nga pala, nakita ninyo na yung anak ni Mr. Veranto? ang gwapo niya!" Sabi ni Verielle hindi ko siya tinignan dahil hindi naman ako interesado sa mga gano'ng topics. Dahil si Bright lang talaga ang gwapo sa paningin ko.

"Ah, we? hindi pa eh." sabat ni kiya, basta pogi talaga 'no?

"Basta ang gwapo niya matangkad matangos ang ilong tapos ang haba pa ng pilik-mata!" Napatingin ako sa kan'ya na nakataas ang mga kilay ko.

"Hoy, mga bhe!" Sabi ni Ambi sabay pahid sa'kin ng kulangot.

"Biyah!! kahit kailan talaga ang dugyot mo!" Sabi ko, nag-tawanan naman yung mga kasama ko, kaagad akong kumuha ng wipes sa bag ko at pinunasan yung kulangot na ipinahid ni Ambi sa uniform ko.

"Tara na raw nando'n na sila Azra eh" Sabi ni Aky at sabay-sabay na kami nag-lakad papuntang Cafeteria.

"Hindi ba kayo kakain?" Sabi ko at sumubo ng hotdog.

"Hindi na Ries, sige kumain ka na r'yan" Sabi ni Kiya at uminom ng root beer. At yung iba ko naming kaibigan kumain nga pero hindi naman marami, inuna kasi nila gawin yung mga projects at assignment kaya ipinagpatuloy ko na lang muna yung pagkain ko.

"Nauuhaw ako" na patingin ako kay Azra siya ang pinakabata saaming mag-kakaibigan.

"Sige bibilhan na rin kita, na uuhaw na rin ako eh." Sabi ko at tumayo. "Wala kayong papabili, girls?" tanong ko ngunit walang sumagot dahil busy sila sa pag-gawa ng ginagawa nila. "Tubig lang sayo, Azra?" Tanong ko kay Azra.

"Opo, salamat!" tumalikod na ako at pumunta sa water dispenser may bayad kapag kukuha ro'n, kaya nag-bayad muna ako bago kumuha. At pag-tapos kong makakuha ng tubig nag-lakad na ako papunta sa upuan namin pero nagulat ako ng may nabangga ako kaya aksidente kong na itapon 'yung tubig sa uniform niya. Napaangat ako nang tingin dahil sobrang tangkad nito at kita ko ang galit sa mukha niya. Kaagad kong nilabas ang panyo ko at ipupunas ko sana sa kan'ya ngunit hinawakan niya ang kamay ko at malakas akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Don't touch me tanga-tanga ka!" Sigaw nito. Kaya napatingin ako sa paligid ko at lahat sila nakatingin saakin kaya wala 'kong nagawa kundi mapayuko.

"Ainsley!" Sigaw ni Kiya at agad akong nilapitan. "Sino ka para gawin 'to sa kaibigan namin? hindi naman sinasadya ni Ainsley!" Sigaw ni Akiya kaya hinawakan ko ang kamay niya at sinabihang manahimik nalang ako.

"Sino ako? well my parents are the owner of this fucking school!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya na patingin ako sa kan'ya pati si Akiya gano'n na rin ang reaksyon "Sa susunod pakisabi r'yan sa kaibigan mo na h'wag tanga-tanga at tignan ang dinadaaan niya." Sabi nito at naglakad. Napatingin ako sa isa niyang kasama na tinulungan akong makatayo.

"Sorry for him, are you okay?" tanong ng isang lalaki kaibigan ata ng anak ni Mr. Veranto. Nag-bago na pala isip ko gwapo na rin siya sa paningin ko dahil yung pag-katangos ng ilong at pag-kabilugan ng mga mata at mas matangkad siya ng ka-onti saakin.

"Oka-"

"Let's go, Zild!" Sigaw nito, nakakainis siya!

"Ang yabang pala auto un-crush hmp!" Sabi ni Verielle. Hindi ko ata kakayanin na makasalubong ko pa 'yung lalaking 'yon mukha kasi siyang halimaw kapag galit.

"Let's go, Ries" sabi ni Aeiona at nag-lakad na kami pabalik sa upuan. Tinignan ko ang kabuuan ng cafeteria at napahinto ako nung makita yung anak ni Mr. Veranto na nakatingin saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad rin akong umiwas.

Jusmeyo! Pa-paano na 'to mukhang kakabahan na akong pumasok mula ngayon.

Start: August 8, 2020

AN: Updated names

Akiya - Akiyarah
Avery - Verielle
Abigail - Ambiyah
Aaliyah - Akymitsu
Tristan - Zildjian

EDITED: June 19, 2024

♡.

Hated Hearts Loving Ends (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now