CHAPTER 2: Saved But In Danger

1.8K 64 11
                                    

Chapter 2: Saved But In Danger

"Hoy Andrea! Maaga kang umuwi mamaya. Mag-saing at mag-luto ka ng hapunan! Mag-bibinggo ako kala kumare sa kabilang kanto." rinig kong sigaw ni Marites.

Lagi nalang siyang nag-bibinggo at nag-susugal. Imbis na ipunin niya yung perang ipinapadala ni Tita Alice, napupunta pa sa walang kwentang bagay.

Sa kanya kasi ipinapadala ni Tita ang pera para sa pag-papaaral ko at para na rin dito sa bahay. Pero halos lahat ng ipinapadala ni Tita sa kanya lang napupunta.

Hindi naman na ako nag-rereklamo. Atleast binibigyan parin nila ako. Pasalamat sila hindi ko sila isinusumbong kay Tita.

Kasalukuyan kong sinusuklay ang mahaba kong buhok. Para sakin, ito ang pinaka-mahalagang bagay sa mundo, ang buhok ko.

Mabuti nalang at maagang pumasok yung mag-kapatid ngayon. Wala na akong ihahatid.

Nang matapos na ako sa halos fifteen minutes na pag-susuklay sa buhok ko ay kinuha ko na ang bag ko tsaka lumabas sa kwarto.

Gaya ng dati, wala nang paa-paalam. Alis na agad. Wala din naman silang pake kung mag-paalam ako o hindi.

"Hoy narinig mo ba yung sinabi ko?" rinig kong tanong ni Marites.

"Oo." sagot ko.

May tenga ako, malamang narinig ko.

"Aba't nag-iinarte ka na ngayon. Eh kung kalbuhin kaya kita? Naaalibadbaran ako sa buhok mo. Kepangit naman."

Tss, ewan ko sa'yo Marites.

Umirap nalang ako sa kawalan tsaka tuluyang lumabas sa bahay. Sumakay na ako sa tricycle para pumunta sa school.

Inis talaga lagi ang bungad sakin tuwing gigising ako. Kelan kaya ako gigising nang hindi bad mood?

Nang makarating na ako sa school ay bumaba na ako sa tricycle tsaka nag-bayad. Pumasok na ako sa loob.

Hindi ako nag-mamadali ngayon dahil medyo maaga pa naman.

Andyan nanaman yung mga tinginan nila sakin. Tinginan ng mga mayayabang na spoiled brat.

"Tingnan mo oh, ang yabang mag-lakad. Daig pa yung Kuya ko." rinig kong bulong ng isa sa mga nadaanan ko.

Bubulong na nga lang, yung maririnig ko pa.

Ah, it's called 'parinig'.

Para bang handa na akong makipag suntukan sa isang batalyon na lalaki dahil sa ekspresyon ng muka ko. Ganito kasi ako tuwing nag-lalakad ako nang mag-isa.

Hinahayaan ko nalang yung mga nag-sasabi sakin ng kung ano ano. Hindi naman ako yayaman kung papatulan ko pa sila.

Pag-pasok ko sa pinto ng classroom ay muntik na akong mapatid, buti nalang nai-balance ko yung sarili ko.

Lumingon ako sa gilid ng pintuan. Eto nanaman pala yung bida bida.

"Oh, sorry. Anong gagawin mo sakin? Susuntukin mo ko? Lesbian." pang-iinis niya sakin.

Tumingin nalang ako sa kanya nang walang ekspresyon sa muka.

Trip na trip talaga ako ng mga estudyante dito. Porket hindi ako katulad nilang mapera. They always say that I'm different.

Well, I am. Hindi na nila dapat ipamuka sakin.

"Pabidang 'to. Masira sana takong ng heels mo." bulong ko nang maka-talikod na ako sa kanya.

"Anong binubulong-bulong mo?!" naramdaman kong hinawakan niya nang mahigpit at buhok ko kaya agad kong tinapik ang kamay niya.

"Wag mo kong hawakan."

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon