Chapter 7: Understanding Each Other
Nang maka-labas na kami sa cafeteria ay binitawan na niya ang kamay ko. Alam mong kailangan niyang gawin 'yon dahil baka may maka-kita sa aming teacher.
Walang umiimik sa aming dalawa. Tahimik lang kaming nag-lalakad, at sa tingin ko, pabalik sa room ang tinatahak namin.
Pag-balik namin sa room ay dumiretso na agad siya sa upuan niya tsaka naupo, nag-buntong hininga, sumandal tsaka pumikit.
He's acting a bit weird.
Naupo nalang din ako sa silya ko habang naka-tingin parin sa kanya.
Napaka-tahimik ng paligid kaming dalawa lang kasi sa ngayon ang nandito sa room.
"Ano yung ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" I spoke up.
Minulat naman niya ang mga mata niya tsaka tumingin sakin.
"Alin?" tanong niya.
"Yung,"
Ano nga ba ulit 'yon?
"Langka?" may pag-aalinlangan kong sabi.
Tumawa naman siya habang naka-takip ang mga kamay sa bibig. His laugh is different. I can't describe it, but it's different from other laughs I've heard before.
The sound of his laugh is unique.
Kaya sa halip na mainis ako sa pag-tawa niya ay napapangiti pa ako.
Ah, I never smiled at something like this before.
"Langga 'yon." sabi niya.
Tumatawa parin siya. "Langka." sabi pa niya tsaka tumawa ulit.
Umiling iling nalang ako, hahayaan ko munang humupa yung tawa niya.
Nang medyo tumahimik na siya ay pinunasan pa niya ang mata niya. Naluluha na siya dahil sa pag-tawa.
"Ano ngang ibig sabihin non? Tsaka anong salita 'yon?" tanong ko ulit.
"Bisaya 'yon. Ganon yung tawagan ng mga mag-karelasyon pag bisaya. It means dear, honey, or beloved." paliwanag niya.
Nararamdaman ko nanaman ang mabilis na pag-kabog ng dibdib ko. He just called me his beloved in another language.
"Pano mo nalaman yung salitang 'yon?" tanong ko ulit.
"Bisaya ako, pinanganak ako sa Zamboanga." sagot niya.
Now I'm learning something about him.
Hindi ko lubos isipin na bisaya pala siya. Hindi kasi halata. Pero minsan nao-off ako sa pananalita niya dahil parang kakaiba yung accent niya, lalo na pag tagalog.
Kaya pala, kasi bisaya siya.
"Bakit mo sinabi 'yon? Bakit hindi mo sinabi yung totoo? Na nag-papanggap lang tayo? Na wala talaga tayong relasyon?" seryoso kong tanong.
Sumeryoso na ulit ang itsura niya.
"Edi seryosohin na natin."
Kumunot ang noo ko. Nasisiraan na ba siya ng ulo?
"Ken, relationship is a serious matter. And I don't think you're ready for it. Do you even know what love is?" I asked.
He sighed. "I love my parents, my family, siguro naman sapat na 'yon para masabi kong may alam ako sa pag-ibig." he answered.
Umiling ako. "There are different kinds of love, Ken. Magkakaiba ang pag-mamahal sa magulang, pag-mamahal sa kaibigan at pag-mamahal sa kasintahan. Minsan nag-kakaron din tayo ng rason para mahalin ang isang materyal na bagay." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she be able to turn his innocence away?