Chapter 18: He's Back
"AYAN KASI! Sabing wag maliligo sa ulan, nilagnat ka tuloy! Ang kulit!" pagalit ko kay Ken habang pinupunasan ang noo niya ng basang bimpo.
Naka-higa siya sa kama niya habang naka-kumot. Bahagya pa siyang umuubo paminsan-minsan.
Umulan kasi kaniang hapon, gusto niya daw maligo sa ulan pero tutol ako, eh hindi siya sumunod sakin. Kaya ayan, nilagnat tuloy siya.
"Five years na tayong mag-kasama makulit ka parin! Pano nga ba kita natagalan ng limang taon? I was like, babysitting." tanong ko sa sarili ko habang nag-hahanap ng gamot sa isang tupperware.
We've been together for five years, still strong, sana nga mag-tuloy tuloy lang yung pagiging ganito namin. Masaya, habang mag-kasama.
"Kasi mahal mo ko. Tsaka baby mo naman talaga ako, baby nga yung tawag mo sakin diba? Tsaka sabi mo sakin noon I'm your baby." mahinang sagot niya.
"Pag hindi ka gumaling bukas, hindi na kita mahal." kasabay ng pag-sasalita ko ay ang pag-bukas ko sa isang tableta ng gamot.
Kumunot naman ang noo niya. "As if naman, mas posible pang pumuti yung uwak kesa sa mangyari 'yon." may pag-mamayabang niyang sabi.
Bahagya nalang akong umiling.
"Tumayo ka muna at uminom ng gamot. Tsk, sa susunod kasi makinig ka sakin." naiirita parin ako sa kanya, ang kulit kasi!
"Okay po mommy, pasensya na po. Hindi na po mauulit." he said jokingly, pagkasabi niya non ay ininom na niya ang tabletang inabot ko sa kanya tsaka siya lumagok ng tubig. Nang mainom na niya ang gamot ay bumalik na ulit siya sa pagkaka-higa tsaka ibinalot ang sarili sa kumot.
Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang braso ko. "Sleep with me." he said in a soft voice.
"Tse! Mag-pagaling ka na para tabi na ulit tayong matulog, baka mahawa pa ako sa'yo." actually, naaawa talaga ako sa baby ko. Pero hindi na ako masyadong marupok ngayon.
Bahagya naman siyang ngumuso. "Tabihan ka sana ni sadako mamaya." pananakot niya sakin.
"Ayos 'yon, para may ka-yakap ako." pag-bibiro ko.
Kumunot naman ang noo niya, he looks begging. "Aki..." his voice sounds begging too.
Bumuga nalang ako ng hangin bago tumango. "Tatabihan lang kita hanggang sa maka-tulog ka." pag-payag ko.
Agad naman siyang ngumiti. Pinatay ko muna ang ilaw kaya ang lamp shade nalang ang nag-sisilbing ilaw namin. Tumabi ako sa kanya at hinayaan ko nalang siyang yakapin ako hanggang sa maka-tulog siya.
For five years, meron na siyang pwesto sa company nila at naging model na din siya ng clothing brand nila.
Habang ako, eto, ako yung kinukuhang architect nila Tita Jona tuwing may ipina-pagawa silang branch sa isang lugar, dahil don, may ibang taong nakaka-kilala sakin at ino-offer-an din nila ako ng magagandang projects. I'm all good, we're all good.
Nang maramdaman kong tulog na si Ken ay nag-lagay ako ng unan sa tabi niya para yun ang yakapin niya. Hinalikan ko pa siya sa noo bago tuluyang lumabas sa kwarto niya.
He's 26 years old, yet he's still acting like a baby. He's a grown up man now, but still thinking like a kid sometimes.
And I love my baby, he's still my baby even though he's old physically.
MABUTI NALANG at gumaling na agad si Ken kinabukasan. Hindi muna siya pumasok sa trabaho dahik baka mabinat siya, pati ako damay dahil inaalagaan ko siya.
BINABASA MO ANG
Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she be able to turn his innocence away?