CHAPTER 15: Jealousy

1.5K 51 19
                                    

Chapter 15: Jealousy

NAGISING ako dahil sa liwanag na nang-gagaling sa bintana. Napangiti nalang ako nang makita si Ken sa tabi ko, tulog pa at naka-patong ang braso niya sa tiyan ko.

I held his cheek and gently moved my thumb. Hinaplos niya ang ulo ko kagabi hanggang sa maka-tulog ako.

Bumalik ako sa pwesto ko at nag-panggap na tulog nang dahan dahan siyang gumalaw at mag-inat. Narinig ko pa ang pag-buga niya ng hangin.

Sandali pa siyang hindi gumalaw. Maya maya ay naramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa ulo ko pababa sa pisngi.

Calm down, calm down. Baka marinig niya yung mabilis na pag-tibok ng puso ko.

Then I felt him kissed my forehead and caressed my cheek afterwards.

I wanted to cry. He really gives everything he can just to express his love and care for me. Eh ako? Ano na bang nagawa ko?

Naramdaman ko nalang na umalos na siya sa kama tsaka lumabas sa kwarto. Agad kong binuksan ang mga mata ko at pinigil ang mga luhang nag-babadyang tumulo.

Napag-pasyahan kong ayusin nalang ang sarili ko at ang kwarto ko. Mamayang tanghali pa naman ang flight namin at medyo maaga pa. Aayusin ko nalang muna siguro yung mga gamit ko.

"MAMAYA NA PALA ang uwi niyo. Sana nag-enjoy kayo dito kahit ilang araw lang kayo." pag-basag ni Mang Kiko sa katahimikan.

Mula kasi nung naupo kami dito, walang nag-sasalita. Napaka-tahimik ng mesa, di gaya nung mga nag-daang araw na puno ng kwentuhan at tawanan.

"Syempre naman po Mang Kiko, na-miss ko dito eh." si Ken ang nag-salita.

"Mabuti naman kung ganon. Sana'y bumalik balik din kayo dito paminsan minsan. At isama niyo na din ang Mama at Papa mo Ken." ani Mang Kiko.

"Sige po, makakarating po 'yan kay Mama." simpleng sagot ni Ken.

Maya maya pa ay natapos nang kumain si Ken, tumayo na siya at nag-paalam sa amin.

Sinundan lang namin siya ng tingin ni Mang Kiko hanggang sa maka-akyat na siya. Nang nawala na siya sa paningin namin ay lumingon sa akin si Mang Kiko.

"Mukang nag-katampuhan ata kayo ni Ken." mahina niyang sabi.

Bumuga nalang ako ng hangin at nag-pilit ng ngiti. "Hindi naman po, may napag-usapan lang po kami." sagot ko.

He sighed. "Kilala ko ang batang iyon, kung ano man yung napag-usapan niyo, nalulungkot siya. Natutuwa nga ako't ang saya saya niya noong mga nakaraang araw at sa palagay ko ay dahil sa'yo 'yon."

"Yung itsura niya ngayon, ganon na ganon siya noong bata pa siya. Matamlay at malungkot. Natatakot lang ako na baka bumalik nanaman siya sa dati. Yung Ken na walang gana sa lahat ng bagay, yung Ken na laging naka-kulong sa kwarto at mag-isa."

I felt somehow guilty. I know that he's being like that because of what happened yesterday, it's my fault.

"Hija." he held my hand. "Ngayon ko lamang nakitang ganon kasaya si Ken, sana ipag-patuloy mo ang pag-papasaya mo sa kanya at huwag mo siyang sasaktan. Napaka-bait na bata ni Ken."

Naiintindihan ko ang gustong iparating ni Mang Kiko. Napaka-softhearted nga talaga ni Ken at hindi niya deserve na masaktan.
Tumango nalang ako at nag-pilit ng ngiti. "Hindi ko po siya sasaktan." but I already did.

"Oh sige, maaga pa ang flight niyo mamaya pabalik sa Maynila. Mag-iingat kayo."

"Salamat po." sagot ko tsaka ko ipinag-patuloy ang pag-kain ko.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon