Chapter 16: Last Lesson
"MY MOM was the most important person in my life. She's more than anything to me. Lagi niyang ipinaparamdam sakin na mahal na mahal niya ako, lagi niyang sinasabing gusto niyang makapag-tapos ako ng pag-aaral, gustong gusto din niya ang buhok ko, kaya ginagawa ko lahat noon para lang mapasaya siya. Nag-aaral ako ng mabuti para pag-uwi ko maipapakita ko sa kanya yung matataas o perfect kong score. Lagi niyang sinasabi sa akin na proud na proud siya sakin." panimula ko.
Hinawakan niya ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Naka-sandal kami sa headboard ng kama niya habang nag-kukwento ako.
"Pagdating naman kay Papa, ni-minsan hindi ko naramdamang itinuring niya ako bilang anak. Lagi siyang galit sakin, lagi niya akong pinapagalitan. Ang gusto ko lang noon ay matawag niya akong 'anak', pero hindi ko man lang narinig sa kanya yung salitang 'yon kahit isang beses. Mom even said that she decided to use Papa's surname as my last name because she loves Papa very much."
I sighed. "Ginawa ko lahat para bumait siya sakin kahit isang araw lang, kahit isang oras o kahit isang minuto lang. Pero wala lang 'yon sa kanya. He never loved and treated me as his daughter. Minsan minsan na nga lang niya kami binibisita, lagi pa siyang naka-inom at nananakit. Nalaman lang ni Mama na may asawa na pala si Papa nung sinabi ni Mama na buntis siya. Pina-nagutan ni Papa si Mama pero nalaman 'yon ng tunay niyang asawa, kaya inilayo niya si Papa sa amin, dahil may anak din siya sa tunay niyang asawa."
Naalala ko pa noong ikinuwento sa akin ni Mama yung mga nangyari sa kanya nung hindi pa ako nabubuhay, parang sinasaksak yung puso ko dahil sa sakit.
"Patago paring pinupuntahan ni Papa si Mama sa apartment na tinutuluyan namin noon. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako don dahil pinupuntahan parin niya si Mama o kung magagalit ako kasi tuwing pumupunta siya, sinasaktan lang niya si Mama. Tuwing may problema siya, kay Mama niya ibinubuntong ang galit niya. Kaya lumaki akong nakakasaksi at nakakaranas ng karahasan. Bata palang ako, sinasaktan na din ako ni Papa, pero ipinag-tatanggol ako ni Mama."
A tear escaped my eye. "Until one day, he came home drunk. Bumabagsak na daw ang negosyo niya at kami ang napag-buntungan ng galit niya. Sinaktan niya nang walang sawa si Mama habang ako, umiiyak lang habang nanonood sa isang sulok. Wala akong magawa, wala akong nagawa kasi mahina ako. Wala akong kwenta."
Nag-sunod sunod na ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ko. Ipinalibot ni Ken ang braso niya sa likod ko tsaka niya hinawakan ang balikat ko.
"Wag mong sabihin 'yan." sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"My Mom is a strong woman. Hindi niya ako sinukuan kahit na halos hindi ko na siya makilala dahil sa mga sugat at pasa niya sa muka. She took any job just to give me money for my studies. Naging labandera siya, street sweeper, katulong, at kung ano ano pa. Hanggang sa isang araw, hindi na niya kinayanan yung sakit na nararamdaman niya. My father often lock her up in a room without giving her food or even water for days. She died because of starvation and pain. She died because of that ruthless man! Hindi ko na nga masikmurang tawagin siyang Papa."
Niyakap na ako ni Ken mula sa gilid nang mas lumakas ang pag-hikbi ko. I can't take the pain, it's too much.
"Pagkatapos ng kahayupang ginawa niya, iniwan na niya ako sa mga Tita ko. Nag-sumbong ako sa mga kapatid ni Mama noon pero wala din silang nagawa, mas makapangyarihan si Papa kaya wala kaming magagawa. Hindi na siya nag-pakita sakin hanggang ngayon. At ayoko na ding makita siya ulit. Hinding hindi ko siya mapapatawad."
Marahang hinahaplos ni Ken ang braso ko. "Shh, you can stop now, wag mo nang ituloy kung hindi mo kaya. Calm down my Aki."
Yumakap nalang din ako sa kanya at isinubsob ang muka ko sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she be able to turn his innocence away?