Chapter 4: The Deal
"Ano po 'yon?"
Why am I suddenly getting cold, or it's just the air conditioner?
"Can you help me?"
Nag-taka naman ako sa sinabi niya. She's a rich woman. Why does she want a help from a poor girl like me?
"Po?"
Huminga siya ng malalim. Mas lumapit pa siya ng upo sa akin tsaka niya hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko.
"I want to tell you something first."
Tinignan ko nalang siya at tahimik na nag-hintay sa sasabihin niya.
"Ken is our only child. Nahirapan ako sa pag-bubuntis sa kanya dahil sa mga komplikasyon. Akala namin hindi na kami magkaka-anak dahil imposible na daw akong mabuntis. Pero dumating si Ken. He's our angel."
Iyon yung kinwento sa akin kanina ni Manang.
"Dahil don, inilayo namin siya sa totoong mundo. Wala siyang ideya kung ano ang tunay na mundo. He doesn't know what love is. Hindi niya naranasang mag-laro sa kalye, hindi niya naranasang magkaroon ng kaibigan sa labas, dahil nasa bahay lang siya, kinukulong lang namin siya dahil natatakot kaming baka mawala siya sa amin." mahaba niyang paliwanag.
Nanatili nalang akong tahimik na nakikinig, medyo naka-awang pa ang bibig ko.
"All his life, kami lang ng Papa niya ang kasama niya. Hindi namin siya pinag-aaral noon sa eskwelahan dahil natatakot kaming baka may mangyaring masama sa kanya kung ilalabas namin siya. That's why he just learned everything he knows from self studying, and sometimes we hire a teacher to teach him inside our home."
Damn, he's like a prisoner. I don't know if I can live like that.
"Pero napag-desisyunan namin ng Papa niya na pag-aralin na siya sa paaralan ng Tito niya for college. Alam naming ligtas at mababantayan parin namin siya doon dahil nandon ang Tito niya."
So, he's basically a taong bahay.
"Bakit niyo po sinasabi sakin 'to?" I asked.
"I want you to help me, help us. I want you to make Ken explore the real world."
My whole body and mind was shocked. Ngayon lang ako naka-rinig ng ganyang bagay.
"Ako? Bakit po ako? I mean, ngayon niyo lang po ako nakilala." nag-tataka kong tanong.
"I know you are a good person, dahil si Ken na mismo ang nag-sabi sa amin na mabait ka. Ikaw ang bukang bibig niya sa amin this past days. And I can see happiness in his eyes whenever he is telling us about you. He never talked about anyone like that. Anak ko siya, kaya alam ko kung anong nararamdaman niya."
Ikinekwento ako ni Ken, sa mga magulang niya?
"Malambot ang puso ni Ken, madaling masaktan, madaling mag-tiwala, madaling maniwala, he's straightforward and honest. At may tiwala kami sa kanya, alam kong hindi siya makikipag-kaibigan sa taong alam niyang hindi maganda ang impluwensya sa kanya. We thought him that."
Hindi ko parin maintindihan.
"If you're still confused, my son is pure and innocent. Gusto naming maliwanagan na siya sa totoong buhay. Gusto naming malaman na niya yung mga bagay na ipinagkait naming malaman niya noon. You know Keren, we're busy, that's why we can't do it for him. We can't easily trust someone for him except you. Dahil naisip namin na hindi ka ipag-tatanggol ni Ken sa Tito niya kung hindi ka mabait, kung hindi ka mapag-kakatiwalaan. Ikaw lang ang naiisip naming pwedeng tumulong kay Ken."
BINABASA MO ANG
Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she be able to turn his innocence away?