CHAPTER 26: Unwanted Message

1.5K 44 22
                                    

Sorry for the super late update. nawalan kasi kami ng wifi at di pa nag-kakaroon. Nag load lang ako buti may nakita akong pera HAHA. Sorry po sa mga nag-hihintayyyy.

Enjoy reading! 😊

Chapter 26: Unwanted Message

Third Person's Point of View

KAKATAPOS LANG maligo ni Ken at ngayon ay si Aki naman ang kasalukuyang naliligo. Pag-katapos nilang ayusin ang sarili nila ang uuwi na sila. Dumating kasi kanina ang doktor ni Aki at ang sabi nito ay pwede na itong umuwi.

Ken is sitting on a chair while looking at something on his phone. He is planning something for Aki. At sisiguraduhin niyang magugustuhan ito ng dalaga.

Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo ay pinatay na niya ang phone niya tsaka iyon ibinulsa. Aki stepped out of the restroom, she's completely dressed. Isang simpleng floral dress na below the knee ang suot niya.

Ken can't take his eyes off her. She looks good on that dress and it made his heart beat fast.

Aki snapped her fingers making him shock a bit, tsaka lang siya bumalik sa katinuan. Hindi niya napansing nasa harap na pala niya ito.

Nginisihan siya nito. "Natulala ka na sa kagandahan ko?" mapang-inis nitong sabi.

Dahan dahan siyang tumayo habang naka-titig parin sa muka nito. He held her face making sure that she's real and he's not dreaming. You're real, you're here with me.

"I thought I was just dreaming. But it's real, nandito ka sa harap ko." mahina niyang sabi.

Ngumiti nang matamis si Aki. "Aww, don't worry my baby, hindi na ulit ako mawawala."

Sinuklian niya ito ng ngiti. "Ang ganda mo." he said while looking straight into her eyes.

Yumuko ito habang naka-ngiti na para bang nahihiya.

"Ang ganda ng Aki ko." sambit pa niya ulit.

"Bolero!" ani Aki habang pinipigilan ang ngiti niya.

Naupo siya sa silya tsaka niya hinatak si Aki dahilan para mapa-upo ito sa hita niya. His arms are around her waist while her arms are around his neck.

"Dapat babae 'yang anak natin ah?" he looked at her belly. "Tapos kasing ganda mo." then he placed a kiss on her cheek.

"Hmm, gusto ko ng lalaki eh. Tapos kamuka mo." she pinched the tip of his nose.

Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa bewang nito. "I want a girl first. Then we'll make a boy afterwards." aniya habang tumataas taas ang kilay.

She chuckled. "Okay, sabi mo eh."

Hindi man halata, pero sobrang excited na siyang malaman kung ano ang itsura ang kasarian ng anak nila.

Sumandal ito sa balikat niya, hinawakan naman niya ang ulo nito.

"Mag-papagawa tayo ng bahay para sa pamilya natin. Tutal architect naman tayong dalawa. Tapos hahanap tayo ng magaling na engineer." aniya habang ini-imagine ang magiging itsura ng bahay nila someday.

Tumingin sa kanya si Aki. "Si King! Engineer si King!" masaya nitong sabi.

Mahina siyang natawa dahil sa inasal nito. "Sige, siya yung kukunin nating engineer."

Excited na din siya para sa titirhan nila at ng pamilya niya balang araw. Si Aki lang ang tanging naiisip niyang makasama habang-buhay.

He cupped her cheek and gently moved his thumb.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon