CHAPTER 10: Graduation Ball

1.5K 62 19
                                    

Chapter 10: Graduation Ball

I can't believe this. I am literally going to graduate! Isang linggo nalang bago ang graduation and I can't stop being excited. Time flies so fast.

At ilang buwan na rin akong dito tumutuloy, ilang buwan ko na ring kasama si Ken at ang mga magulang niya.

The experience is good, being with them is fun. Tama nga si Tita, tutulungan niya akong mag-enjoy at sumaya.

Lalo na tuwing kasama ko siya.

Finally! After all of the hardworks, pain, suffer, and everything. Makaka-graduate na ako.

Alam kong proud sa akin si Mama ngayon. This was her dream for me, ang makapag-tapos ng pag-aaral.

Today is the Graduation Ball. And of course, sobrang excited nanaman ni Ken dahil first time niyang mararanasan yung ganitong bagay.

Parehas lang namin kaming ngayon lang ito mararanasan, ang pinag-kaiba lang namin, siya excited, ako hindi.

Speaking of Ken, he's been curious and asking me A LOT of questions about love, I think, last month? He's weird. Iniisip ko nalang na parte 'yon ng kainosenstehan niya, na gusto lang niyang maliwanagan tungkol sa bagay na 'yon. Kaya sinasagot ko nalang lahat ng tanong niya.

At dahil nga graduation ball mamaya, wala kaming pasok para makapag-ayos kami ng sarili namin.

Kanina ko pa naririnig ang pag-gigitara, pag-kanta at walang sawang tugtog sa loob ng kwarto ni Ken, anong meron dun? Paulit ulit yung mga kanta na tumutugtog at kinakanta niya.

Nasa kwarto lang ako at walang ginagawa, pumasok naman sa trabaho si Tita at Tito. Naka-titig lang ako sa isang magarang dress na nasa harapan ko at naka-suot sa mannequin.

It's a dark blue colored dress na fit sa akin. Maigsi sa harap, papahaba sa likod. May mga crystal design din ito. Napaka ganda. Si Tita pa daw mismo ang nag-design nito.

"You're the coffee that I need in the morning.
You're the sunshine in the rain when it's pouring.
Won't you give yourself to me, give it all."

Kumakanta nanaman siya habang nag-gigitara, kanina pa niya kinakanta 'yon mula umaga. Tapos bigla nalang siyang kakanta ng Location. Pagkatapos non, may tutugtog na music sa speaker. Hindi naman 'yon malakas, parang bulong lang yung naririnig ko pero atleast naririnig ko parin.

Same song, paulit ulit.

Pero hindi nakakasawa, kasi ang ganda naman ng boses niya, ang sarap pakinggan, ang sarap sa tenga.

The ball starts at 8 PM, probably ends at 12 o'clock or something. Wala naman kaming balak ni Ken na tapusin 'yon dahil paniguradong mababagot lang ako don.

Seryoso lang akong nakikinig sa pag-kanta ni Ken nang tumunog ang cellphone ko.

"Tita? Napatawag po kayo." bungad ko kay Tita Alice.

[Keren anak, kamusta ka na? Halos isang buwan akong hindi naka-tawag sa'yo. Pasensya ka na ha, busy lang si Tita sa trabaho.]

Napa-ngiti nalang ako. Kahit kailan talaga hindi ako nakakalimutan ni Tita Alice.

"Ayos na ayos lang po ako Tita, wag po kayong mag-alala sakin. Kayo po dapat ang mag-ingat dyan sa ibang bansa."

[Mabuti naman kung ganon. Ayos lang din ako dito, wag kang mag-alala. Nakaka-sweldo na ulit ako kada buwan at nakakapag-padala sa mga pinsan mo at kay Marites.]

Napaka-bait talaga ni Tita. Alam niyang hindi ako tinatrato nang maayos ni Marites at tutol siya don, pero nag-papadala parin siya ng pera para sa kanila.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon