CHAPTER 12: Answered

1.5K 53 21
                                    

Chapter 12: Answered

Oh fudge, natataranta na ko, kabado bente sobra. It's freaking graduation day. Yes, finally laya na ako sa pag-aaral. Yes!

Bakit ako natataranta? Kinakabahan ako dahil may speech ako mamaya. They call me special dahil nakayanan ko daw grumaduate sa isang malaki at sikat na University kahit na scholar lang ako.

And I'm proud of myself. Kanina pa ako nakakatanggap ng walang sawang bati galing kay Tita Alice. Mas masaya sana ako kung si Mama mismo ang aakyat sa stage at mag-sasabit ng medal ko para sa akin.

I miss you so much Ma. Gagraduate na po ako, alam ko pong proud na proud ka sakin kung nasaan ka man ngayon.

The graduation ceremony starts at 4 PM in the afternoon. Kaya marami pa akong time para mag-handa at mag-ayos dahil alas dose palang naman ng tanghali.

A week has passed. And yes, Ken is really serious about it. He explained everything to me. Pati si Tita kinausap ako noong nalaman niya.

Sabi nga nila, mother knows best at naniniwala ako don. Walang tutol at suportado pa nila Tita kay Ken. She told me to trust him, so that's what I did, I trusted him.

Naniniwala ako sa nararamdaman niya. Remember, he's honest. And i trust him.

Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian at tinolang manok ang ulam namin. Konti nalang mag-kakapakpak na ko nito.

"Congratulations ulit sa inyong dalawa. Super proud na proud ako sa inyo!"

Kaninang umaga pa kami paulit ulit na kino-congratulate ni Tita. Si Tito naman ay binati din kami kaninang umaga bago siya umalis paipunta sa trabaho. Babalik naman daw siya mamaya bago kami tuluyang pumunta sa school dahil aattend din siya sa graduation namin.

Sana kahit si Tita Alice man lang, nandito. Para siya ang mag-sabit sa akin ng medalya ko.

"Aki, ako na ang aakyat ng stage para sa'yo. Ayos ba 'yon?"

Agad akong nag-taas ng tingin kay Tita. "N-Nakakahiya naman po."

"Ano ka ba? Don't worry about that! Isa pa, magna cum laude ka at kailangang may mag-sabit sa'yo ng medalya kaya ako na ang aakyat para sa'yo, para sa inyo ni Ken. Okay? No more buts, Aki."

Pati si Ken ay si Tita ang gustong paakyatin. Masasabi kong mas close sila ni Tita kaysa ni Tito.

Ngumiti nalang ako tsaka tumango. "Thank you so much po Tita. Napaka-laking bagay po non para sakin."

Sa buong pag-aaral ko ng high school at college, ngayon lang may aattend para sakin. At Mama pa ni Ken.

"No worries, I got you. Ikaw pa ba? Eh soon to be daughter in law na kita, diba Ken?"

Napakamot nalang sa batok si Ken. "Ma naman." sabi pa niya.

Natawa nalang kami sa reaksyon niya. They know everything. At masasabi kong walang sikretong lumulukob sa pamamahay na 'to, hindi nila ugaling mag-sikreto.

"Wag na kayo masyadong mag-pagod at ayusin niyo na din ang sarili niyo ha? Papapuntahin ko ulit dito si Penelophe para ayusan kayo." bilin ni Tita.

Parehas nalang kaming tumango ni Ken. Naunang natapos sa pag-kain si Tita kaya dumiretso na siya sa taas, baka mag-aayos na din siya.

.

"Everything I've experienced became a lesson for me. The hardships, the pain, the suffer that I've been experiencing since when I was a kid, or since when I was born. They might be a bad memory but I believe that without those times, maybe I am not here, where I stand, in front of you. Hindi ko matututunang lumaban sa buhay kung hindi dahil sa mga karanasang iyon. To my mother in heaven that I've been longing, I finally graduated and granted your wish for me. I know that you are proud and happy for what I've become. And for that one family who believed in me, who trusted me, who gave me everything they can just to help me, thank you. I will do my best to make my studies here in Puro Inocencio University worth it. Have a blessed and glorious day ahead to all, specially to all of the students who graduated this year. Keep going."

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon