CHAPTER 6: Langga

1.6K 56 47
                                    

Chapter 6: Langga

"Don't forget our schedule on Saturday, Aki. Mall tayo sa Saturday, okay?"

We're currently eating breakfast right now. Isang linggo ang punishment namin ni Ken pero Thursday na at pangatlong araw palang ng pag-lilinis namin ngayon. Hindi ko alam kung kailangan pa naming mag-linis ulit sa Monday para makumpleto yung five days.

Bahala na.

"Opo, hindi ko po kakalimutan." sagot ko naman.

Tita told me that we are going to the Mall this Saturday to buy some stuffs for me, since dito na nga talaga ako mag-istay.

Desidido na ako sa desisyon ko.

Na-contact ko na din si Tita Alice kahapon. Ang saya ko habang nag-kkwento sa kanya. Alam na niya lahat. Na dito ako tumutuloy, na nag-layas ako kala Marites, at masasabi kong pwede na siyang tumigil sa pag-papadala ng pera para sa tuition ko.

Pero hindi ko ginawa, sabi ko kala Marites nalang siya mag-padala ng pera. Kahit kalahati man lang ng ipinapadala niya para sakin dati, para makatulong man lang sa kanila.

"Wow, close na agad kayo?" si Ken ang nag-salita.

"We just had some fun together anak." sagot naman ni Tita.

"Baka naman ipag-palit mo na ko kay Aki, Ma." medyo malungkot pa ang tono ng boses ni Ken.

I giggled, cute.

Eh? Fine, konti.

"Naku, nag-tampo naman agad itong anak ko. Hinding hindi ko ipag-papalit ang baby ko. Mahal na mahal ka ni Mama." sambit ni Tita tsaka niya niyakao si Ken at hinalikan sa pisngi.

They're so cute. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"I love you too, Ma." sabi naman ni Ken.

.

Naka-tayo kami ngayon ni Tita sa tapat ng pinto ng bahay habang hinihintay si Ken. Nag-paalam siya para kunin ang gamit niya sa kwarto niya.

"Aki." agad akong lumingon kay Tita nang tawagin niya ako.

Inabutan niya ako ng one thousand pesos, tinitigan ko lang naman ito.

"Para saan po 'yan?" tanong ko.

"Baon mo ngayong araw." sagot niya.

Nakaka-lula naman yung isang libong 'yan. Isang daan nga lang yung baon ko sa isang araw dati, minsan pang dalawang araw ko pa 'yon. And now I'm getting one thousand as my allowance, just for a day? No way.

Agad akong umiling." Hindi na po kailangan. Masyado pong malaki 'yan para sa baon ko ng isang araw. Good for one month na po 'yan para sakin."

She smiled. "You're not just a kindhearted girl, you're also thrifty. Accept this, diba sabi ko naman sa'yo ibibigay ko yung mga pangangailangan mo? Kung hindi mo 'to magagastos lahat, ipunin mo. Wag kang mahihiyang mag-sabi sakin pag may kailangan ka, lalo na sa school. I am more than willing to help you."

Hinawakan na ni Tita ang kamay ko tsaka niya inilagay ang pera sa kamay ko. Sa huli, tinanggap ko na din. Nasa kamay ko na eh. Iipunin ko nalang 'to.

Parang dati lang, ang hirap para sakin na maka-ipon ng ganito kalaking pera. Ngayon, ibinibigay lang sakin bilang baon ko para sa isang araw.

Iba talaga pag may kaya ka.

"And, Aki. May isa pa pala akong concern."

Ibinulsa ko nalang muna ang perang natanggap ko tsaka tumingin ng diretso kay Tita.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon