CHAPTER 19: Captured

1.1K 38 63
                                    

Chapter 19: Captured

"ANAK kamusta ka na? Dalaga ka na." may ngiti niyang sabi.

"Sige, uuwi na ko." sambit ko kay Kuin.

Pinatay ko ang tawag. Binigyan ko siya ng masamang tingin bago tumalikod at mag-lakad ng mabilis.

"Anak sandali! Gusto lang kitang makausap."

Nang mahawakan niya ang braso ko ay tinabig ko agad 'yon. Nahulog pa yung binili kong pasalubong ko sana kay Ken pero wala na akong pake. Ang gusto ko lang ay maka-alis na dito.

"Ano ba! Wag mo kong hawakan!" galit na sigaw ko sa kanya.

Gulat naman ang namayani sa emosyon niya. Napaka-galing mong mag-panggap.

"Anak, gusto lang naman kitang--"

"Wag mo kong tawaging anak, hindi kita kilala." may diin kong sabi.

Tinalikuran ko na ulit siya tsaka ako nag-lakad nang mabilis. Narramdaman kong sumusunod parin siya sakin kaya may binilisan ko pa ang pag-lalakad ko.

"Andrea, mag-usap tayo. Kausapin mo ako."

I gritted my teeth and my hands turned into fist. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng ilang taon niyang hindi pagpapakita sakin, bigla siyang susulpot ngayon.

"Andrea, let's talk. Kausapin mo ako bilang ama mo."

Huminto ako sa pag-lalakad tsaka bumuga ng hangin. Dahan dahan akong lumingon sa kanya nang naka-ngisi.

"Ama?" mahina akong natawa. "Pagkatapos ng ginawa mo, sa tingin mo ba kikilalanin pa kita bilang ama ko?"

"Pagkatapos mo akong iwan bigla ka nalang susulpot at tatawagin akong anak?" I laughed bitterly. "Matagal na kitang kinalimutan. Wala akong tatay, patay na yung tatay ko. Kaya kalimutan mo na ding may anak kang nag-ngangalang Andrea dahil masaya na siya sa buhay niya, at kinaya niyang mabuhay nang wala ka."

Bawat salita na binibitawan ko ay may diin. Wala na akong kinikilalang ama. At kahit kailan, hindi ko siya matatanggap bilang ama ko.

"I'm sorry. Gusto kong bumawi sa'yo. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko noon. Gusto kong bumawi sa'yo dahil anak kita." may halong pag-mamakaawa sa boses niya.

"Hindi mo na kailangang bumawi." dahan dahan akong umiling. "Dahil kahit anong sorry pa yung sabihin mo, hinding hindi na babalik si Mama." diretso ko siyang tinignan, mata sa mata. "Kahit anong bawi pa yung gawin mo, hinding hindi na kita mapapatawad."

Tinalikuran ko na muli siya tsaka nag-lakad nang mabilis.

"Andrea! Sandali!" may halo nang inis sa boses niya.

Sinasabi ko na nga ba, hindi na talaga siya mag-babago. Ganon na talaga ang ugali niya, masama.

Nang maka-labas na ako ay sumakay na agad ako sa tricycle at sinabi ang destinasyon ko.

Bago ako maka-sakay sa tricycle ay may nakita akong gray na kotse na tila ba sinusundan ako.

"Manong, paki-bilis po ng konti." sambit ko sa driver.

Sumilip ako sa kaliwa ko at tinignan kung nandon parin ang kotse. Nasa di kalayuan ito. Tinted ang kotse pero nang masinagan ito ng araw ay naaninag ko ang taong nag-dadrive.

"Ano bang kailangan niya sakin?"

He's following me, and he looks mad.

Bumalik na ulit ang tingin ko sa harap. Hinilamos ko nalang ang kamay ko sa muka ko nang makita ang mga sasakyan na hindi umuusad dahil sa traffic. Pag minamalas ka nga naman.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon