CHAPTER 9: For Safety

1.4K 60 55
                                    

Chapter 9: For Safety

I guess my mission finally, really started. Marami siyang nasabi sa akin nung Sabado na first time lang niyang maranasan. Ang sarap pala sa pakiramdam na kasama ka ng isang tao sa pag-tuklas niya sa isang bagay.

It's like a memory to remember.

It's lunch time, kaming dalawa nalang ni Ken nang natira dito sa room. Sabi kasi niya mag-papadala nalang daw siya lagi ng tanghalian namin dahil baka mag-kagulo nanaman sa cafeteria.

And oh, kalat na kalat na sa buong University na in a relationship nga talaga kami ni Ken dahil may ilang naka-kita sa amin sa mall na kasama pa si Tita. Ang dami palang naka-masid kay Ken. Kahit saan, kahit anong oras. Ganon ba talaga pag famous?

"Tanghalian niyo po Sir Ken."

Agad na tumayo si Ken nang makita namin si Kuya Driver na nasa tapat ng pinto habang may hawak na maliit na bag, laman ang mga lunch box na pag-kakainan namin.

"Thank you po." rinig kong sabi ni Ken bago bahagyang mag-bow si Kuya Driver sa kanya tsaka umalis.

"Kain na tayo." sabi niya habang inaayos ang mga kakainin namin.

Tahimik lang kaming kumakain nang may maramdaman akong kakaiba sa ibabang bahagi ng tiyan ko, kaya agad akong napa-hawak dito.

This isn't good.

"Aki? Bakit?" tanong ni Ken nang mapansin niyang. napahawak ako sa puson ko.

"I think my red days starts today."

Uunahan ko na 'to bago pa may mangyaring kahihiyan sakin.

"Ano yun?" tanong ni Ken.

"Mamaya na ako mag-papaliwanag. Pupunta muna ako sa banyo. Excuse me."

Tumayo ako sa silya ko tsaka binuksan ang bag ko para tignan kung may dala ba akong extrang napkin.

None.

Ano nang gagawin ko?

"Kailangan mo ba ng tulong? Sasamahan na kita." tumayo na din siya sa silya niya tsaka lumapit sa akin.

Bahagya akong lumingon sa likod ko para tignan kung may bakas na ba ng dalaw ko yung suit kong skirt, buti naman wala.

It's awkward doing this in front of a man, but I don't have a choice.

Oh, I remember! Meron nga pala akong extra doon sa locker ko. Even extra uniform at shirt even underwear meron, personal hygiene stuffs too, in case of emergency.

"Pupunta lang ako sa locker, may kukunin lang ako tapos tutuloy na din ako sa restroom. Dito ka nalang, hintayin mo nalang ako." sabi ko.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Binigyan ko nalang siya ng ngiti tsaka ako tumango.

Naka-hawak parin ako sa puson ko dahil napaka sakit nito. Pag minamalas ka nga naman oh.

Nag-lakad na ako papunta sa mga locker. May mga ilang estudyante pa na tumitingin sa akin. Wag naman muna sa ngayon, masakit yung puson ko.

Pag-dating ko sa locker ko ay binuksan ko agad iyon tsaka ko hinanap yung mga kailangan ko.

Nang makuha ko na ang pakay ko ay isinara ko na ang locker ko. Sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae na naka sandal sa kabilang locker habang naka crossed arms.

"So..." bungad niya.

Tss. Ano nanaman bang gusto nito?

"I heard may naka-kita daw sa'yo kasama si Ken at ang Mama ni Ken sa mall nung Sabado. Ganon na pala ka-kapal ang muka mo." sambit niya nang may ngiti pero may halong irita.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon