CHAPTER 23: Escaped

1.1K 40 18
                                    

Chapter 23: Escaped

Third Person's Point of View

MASAYANG umiinom ng wine si Andre kasama ang sekretarya niyang si Kirby. Sa wakas ay naka-hanap na sila ng pamilyang willing ipakasal ang anak nila sa anak nitong si Andrea.

"Their company is big Kirby!" malawak ang ngiti nito. "It's a jackpot!" masaya niyang sabi.

"Indeed Sir. Makakabawi na po ang negosyo niyo." sambit naman ni Kirby.

"Not yet, Kirby. Hindi parin tayo dapat makampante hanggang hindi sila ikinakasal ng anak ko." nawala naman ang ngiti sa labi niya. "What is her son's name by the way?" tanong niya sa sekretarya.

"She didn't told me her son's whole name Sir. Ang sabi lang niya ay John." sagot ni Kirby.

"John." pag-uulit niya. "Sounds handsome. Panigurado akong magugustuhan siya ni Andrea. Gaya lang din naman siya ng nanay niya, malandi." naka-ngisi nitong sabi.

"We'll focus on their marriage. Kailangan na nilang ikasal as soon as possible. Wala akong pakialam kung sa mismong kasal lang sila unang mag-kikita." utos niya.

"Yes Sir." agad na tugon ng sekretarya.

"I'll discuss about their marriage with Andrea's groom tomorrow. Sa ngayon, wala muna tayong ibang uunahin kundi ang kasal nila. Forget about Andrei and Andrea's friends for the meantime since dalawa lang tayo sa ngayon and focus on our company's success." naka-ngisi nitong sabi.

Nabuhayan siya dahil sa wakas ay makaka-bawi na din ang kompanya niya. Gusto na niya agad maikasal ang anak niya para mahuthutan na nito ng pera ang pamilya ng lalaking pakakasalan ng anak niya. Para maka-bawi na ang kompanya niya.


"YOU AGREED to that arrange marriage?" tanong ng asawa niya na tila ba hindi maka-paniwala.

"Naisip ko lang na baka maka-tulong 'yon sa anak natin. Hindi ka ba naaawa sa kanya? He looks miserable! He needs someone to talk to. Someone who can relate to his problem!" sigaw niya sa asawa.

"At sa tingin mo magiging masaya at maayos siya pag nag-pakasal siya sa babaeng hindi naman niya mahal? Ni-hindi nga niya alam yung itsura o pangalan. Mas lalo lang siyang magiging miserable dahil sa ginawa mo!" galit na sigaw sa kanya ng asawa.

"I just did it for our son--"

"He won't be happy with that. Inisip mo man lang ba yung mararamdaman ng anak mo bago mo tinanggap yung offer nung lalaking 'yon? Eh hindi nga siya mukang mapag-kakatiwalaan eh! Hindi mo man lang ako tinanong kung payag ba ako sa kasal kasal na 'yan! Nag-desisyon ka para sa sarili mo!"

Unti unti nang nag-sisink in ang mga naging desisyon niya nang makausap niya ang asawa. Ngayon ay para bang nag-sisisi na siya sa mga ginawa niyang aksyon.

"Wala na tayong magagawa. I already accepted it. Nakakahiya don sa tao." pag-pupumilit niya.

"Eh sa anak mo?" her husband crossed his arms. "Nahiya ka ba sa anak mo noong pumayag ka na ikasal siya sa babaeng hindi naman niya mahal?"

Those words hit her. Hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ng asawa at anak niya. Kusa nalang niyang tinanggap ang offer ng lalaking iyon dahil makatutulong ito sa kompanya nila at naisip din niyang baka makatutulong ito sa anak nilang wasak ang puso.

Guilt consumed her. Hindi na siya makapag-salita pabalik sa asawa. She just realized late the consequences of her actions.

"Noon, todo ingat ka sa anak natin. Ngayon ipinapamigay mo nalang yung kaligayahan niya sa iba." kalmadong sabi ng asawa niya.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon